MGA KWENTO NG PAGREREBELDE

5 09 2012

Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food, and tyrannize their teachers. -Anonymous

Ito na ang iba’t ibang kwento ng pagrerebelde

Pagrerebelde #1

Lagi nalang ako pinapagalitan ng magulang ko, kahit walang ginagawa pinapagalitan parin. Hindi ko lang alam kung ano ang screw driver pinagalitan na ako ng tatay ko. Hindi lang yun minsan binubugbog pa nila ako at kinukulong sa kulungan ng aso. Hindi ko na iniisip yung kasabihan na “kaya ka nila dinidisiplina dahil mahal ka nila”. Mahal? Bakit kailangan ako saktan? Ito ako ngayon, ang naisip kong solusyon ay lumayas nalang at pumunta sa Maynila. Ganda pala ng Maynila noh pero hindi nila alam sobrang hirap ng buhay dito lalo na kung wala kang pera. Nanlilimos nalang ako, para kumita sumasayaw ako ng Gangnam Style.

Pagrerebelde #2

Lagi nalang nag-aaway magulang ko, minsan nauuwi sa hiwalayan tapos magbabalikan tapos hiwalay ulit. Ayoko na! Naiipit na ako bilang anak sa away nila. Lagi nalang! Naapektuhan na ang pag-aaral ko dahil dito. Pati social life ko wala na. Ngayong hiwalay na sila, wala na akong permanenteng tirahan. Hindi na ako umuuwi ng bahay namin, dahil kung uuwi ako wala naman ako kasama kundi katulong. Magsasaya nalang ako para makalimutan ang problema. Mag papakalunod sa alak, gusto ko lang naman sumaya. Pero kapag nalasing na mas malulungkot pa ata ako. Puro pamilya ang aking dinadaing. Dahil hiwalay na sila wala na silang anak. Mabubuhay nalang ako mag-isa kaya ko na ito. Ooops 15 years old palang pala ako.

Pagrerebelde #3

Ang boring sa bahay, internet lang ang pwedeng gawin. Pero pati internet ipinagkakait sa akin. Bawal na raw mag-internet dahil ang taas na ng bills. Internet nalang nga nag-papasaya sa napaka boring kong buhay tapos ayaw pa ako payagan. So ano gagawin ko, ahh mag drodroga nalang ako!

Pagrerebelde #4

Gusto ko lang naman makasabay sa hapag kainan ang mga magulang ko kapag kumakain ako. Pero hindi, busy kasi sila masyado sa trabaho. Wala na silang time kausapin ako. Kaya ngayon ito hindi ko na share na may nabuntis ako, hindi ko na din na share sa kanila na nanganak na yung nabuntis ko. Hindi ko na rin na kwento na 2 years old na anak ko. Sa sobrang busy nila nakalimutan na ata nila na may anak sila.

Pagrerebelde #5

Mali ang pamamalakad ng aming eskwelahan, di ko talaga gusto. Ang dami kong maling nakikita, di ko na iisa-isahin. Ngayon isa ako sa rebelde ng eskwelahan, pinutol ko ID ko senyales na isa ako sa mga nag proprotesta. Ibaba niyo tuition namin, bigyan ng scholarship ang mga student leaders yan ang ilang sigaw namin! Aktibista ako nang makabagong panahon gusto ko lang ng pagbabago.

Pagrerebelde #6

Binubugbog ako ng tatay ko dahil bakla ako. Pinipilit akong maging sundalo pero ang gusto ko lang magka boyfriend ng sundalo. Bakit hindi niya matanggap na may bakla siyang anak? Pwes ayoko na, lalayas na lang ako. Sisikapin ko maging successful sa buhay at dadating ang araw babalik ako sakanya at ipapakita na may narating ako. Sa ngayon, palit muna ako napkin ahh.

Pagrerebelde #7

Ang taas ng mga grades ko, wala akong 3.0 na marka. Pero pag-kauwi ko ng bahay pinagalitan ako, mababa pa raw to. Galit na galit sa akin ang nanay ko. Gusto niya kasi puro 1.0 grade ko. Masyado na akong nahihirapan, pagod na pagod na ako sa pagaaral. Ayoko na. Tapos Top 2 ako sa board exam nagalit siya, dapat daw top 1. Feeling ko hindi na niya ako tanggap at disgrace ako sa pamilya namin. Papakamatay nalang ako. Oops joke lang, tulad ng ibang pagrerebeldeng nabanggit lumayas din ako. Pero ako may kaya sa buhay, nakapag tapos kaya ako.

Umaylabyu kay mommy at daddy. Ang bahay nyo ay hindi lang tulugan at internetan – Ramon Bautista

Ang mga nabanggit ay simpleng pagrerebelde lamang, hindi ko na sinama pa ang mga nag-rebelde dahil sa taliwas sila sa gobyerno natin. Minsan hindi sagot ang pagrerebelde sa ating mga problema. Sigurado ako kayo din may iba’t ibang bersyon kayo ng pagrerebelde. Share niyo naman!

I am on Twitter : @olops001

About these ads

Actions

Information

10 responses

5 09 2012
Annoyingly Tempting

winner ang #3, nabored lang eh. parang simpleng pagdecide lang kung kakain o tatayo or uupo ung pagdroga lol

5 09 2012
olops001

Haha, ano po blog mo? para ma visit ko.

6 09 2012
Annoyingly Tempting

wala akong blog eh. dakilang tagabasa lang ako hehehe :)
was readin your past posts.. natutuwa ako.

6 09 2012
potsquared

Nagrebelde na rin ako dati kasi pakiramdam ko ay tama ako at mali ang mga magulang ko… Matigas lang talaga ulo ko.. Ngayong matanda na ako, narealize ko na tama sila.. Kaya ayun.. Good boy na ako.. Ehehehehe…

6 09 2012
olops001

parehas tayo yan na yan din na realize ko

6 09 2012
potsquared

kaya dapat ay balanse tayo sa lahat ng bagay… para masaya… hihihi

10 09 2012
Diane

“hindi ko na sinama pa ang mga nag-rebelde dahil sa taliwas sila sa gobyerno natin. Minsan hindi sagot ang pagrerebelde sa ating mga problema.”
__________
Subalit hindi ba ang hindi pakikisangkot ay pagiging bahagi ng problema?

“The hottest place in Hell is reserved for those who in time of crisis remain neutral. — Dante Alighier”

11 09 2012
olops001

Sorry mukang mali ang pagkakasulat ko pero hindi connected ang “minsan hindi sagot ang pagrerebelde sa ating mga problema.” sa “hindi ko na sinama pa ang mga nag-rebelde dahil sa taliwas sila sa gobyerno natin.” Kuha niyo po ba? Ako po mismo ay nakikisangkot, alam ko din na tama ang pinaglalaban ng ibang aktibista. Sabi nga ng isa sa paborito kong aktibista mula UP na si BLKD, “Walang mali sa pakikipaglaban, may mali kaya lumaban.”

15 07 2013
melernie

ang bawat tao ay hindi perpekto kaya makagawa man sila ng pagkakamali sa buhay ay hindi dapat sila matahin dahil sa mga panahong nakagawa sila ng mga pagkakamali ay hindi natin alam kung ano ba talaga ang dahilan”””””

16 11 2014
Timbangin MO

pero maswerte pa rin ung tao na kahit ano pa mang hrap ang dnasin nila, kahit talikran pa mn cla ng buong mundo eh nanatili pa ring mabuti…labis clang kalulugdan ng Diyos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 136 other followers

%d bloggers like this: