Dear Best friend,

24 02 2017

Binusted mo ako, hindi ko tanggap. Hindi ko malaman kung bakit, niligawan naman kita. Ipinakita ko naman na gusto kita pero binusted mo parin ako. Ilang araw akong malungkot bago napagtanto na hindi ka nga para sa akin.

Oo nasaktan ako. Ang sakit

Salamat dahil simula pala iyon ng panibagong bahagi ng buhay ko. Iba ang itinakbo ng buhay ko simula nang sabihin mong ‘hindi’ noong tinanong kita kung “puwede ba kitang maging girlfriend”. Naging magkaibigan tayo. Sinikreto natin ang lahat ng bagay na alam natin sa isa’t isa.

Ilang taon na ang lumipas wala ni isa sa mga kakilala natin ang nakakaalam na niligawan pala kita. Walang nakakaalam na misan sa buhay natin naging seryoso ako sa iyo. Wala.

Oo nasaktan ako. Ang sakit pero wala na sa akin ‘yun.

Ang pagmamahal ko sa iyo hindi nawala iyon, kahit kaibigan na kita. Mahal parin kita kahit na kaibigan na kita at alam kong wala nang mas lalalim pa doon.

Oo nasaktan ako. Ang sakit pero wala na sa akin ‘yun. Isa ka pala sa tunay na kaibigan ko.

Mas masaya pala na kaibigan lang kita. Kahit na pakikisama mo lang okay na ako. Suportado parin natin ang bawat isa. Mula noon hindi na ako nagpakita ng motibo ulit.

Nakamove on na ako. Buti nalang binusted mo ako. Salamat. Nakilala ko girlfriend ko, minahal ko siya. Pagmamahal na dapat ibinigay ko sa iyo.  Kaibigan ka rin ng girlfriend ko. Suportado mo ako. Masaya ka pa para sa akin.

Kaso bakit ganun? Kung kailan masaya na ako, nakikita ko na parang mula noong sineryoso kita, wala nang sumeryoso sa iyo. Hindi ko maintindihan bakit ang hirap na mainlove ka. Hanggang sa ikinuwento mo sa akin ang lahat. Nagmahal ka na rin pala kaso ginago ka.

Sakit noh? Sabi ko pa naman sa sarili ko noon: “ayos lang ‘yan na hindi mo siya naging  girlfriend sana lang makahanap siya ng lalaki na makakapagbigay ng pagmamahal na naayon sa kanya.” Naiinis ako sa iyo.

Oo, sa iyo!

Bakit mo pa ba kasi ako pinakawalan? Mahal na mahal kita noon! Handa kong ibigay sa iyo lahat at ipadama sa iyo na ikaw ang pinakaswerteng babae sa mundo. Mahal kita noon ‘di ba? Sobrang mahal na mahal kita. Kahit na hindi nawala ang pagmamahal na iyon, hindi na katulad ng dati ang pagmamahal ko sa iyo ngayon. Kaya naiinis ako sa iyo.

Oo, sa iyo! Ang tanga-tanga mo kasi.

Magmamahal ka na ngalang sa paglalaruan ka pa. Magmamahal ka na ngalang sa kaibigan mo pa. Sa kaibigan ko pa. Kilalang-kilala mo na nga ang ugali pinatulan mo pa. Hindi rin kita maintindihan. Bakit? Inis na inis ako sa iyo.

Oo, sa iyo! Ang tanga-tanga mo kasi. Hindi mo siya deserved hoy!

Pasensya na, pero naiintindihan kita. Nagmahal ka lang. Akala mo kasi totoo. Alam ko ikaw talaga ang biktima rito. Pasensya na, sinisi kita.

Kasalanan ng minahal mo. Nagagalit ako sa kanya kahit kaibigan ko siya. Alam na nga niya vulnerability mo ginago ka parin. Isinabay ka sa ibang mga babae na ipinagsasabay-sabay niya. Sinasabi ko na nga ba, ginagawa ka lang na parte ng koleksyon niya.

Kung tutuusin sobrang swerte niya. Makukuha niya lahat ng gusto ko sa iyo noon. Ang swerte niya, ang swerte-swerte niya dahil magiging deserving siya ng pagmamahal mo. Kaya nang nalaman ko na ang gusto niya lang ay makauna sa iyo sinabihan na kita. Akala ko pa man din ‘yung pagmamahal na dapat ibibigay ko sa iyo kung napagbigyan mo lang ako maibibigay niya. Hanggang akala lang pala. Kaya pala hindi rin siya makatagal sa isang relasyon. Nakain na siya ng pagmamataas. Galit ako kasi mahal kita at gusto ko lang mahalin ka rin ng iba.

Nandito lang ako kahit na sinaktan mo ako noon. Nandito lang ako ngayong ikaw naman ang nasasaktan. Sana makayanan mo rin. Sana makahanap ka ng taong magmamahal sa iyo ng lubos. Sana dumating na siya. Sana.





NANINIWALA AKO SA KASABIHANG…

15 01 2014

Sari-saring mga kasabihan na siguro ang ating mga narinig. Ang ilan dito ay naisama na rin natin sa ano mang kasabihan ang pinaniniwalaan natin pero ang ibang kasabihan ay inililibing na lamang natin sa lupa katulad ng mga ito:

  • Naniniwala ako sa kasabihang ang puso kapag nasaktan hindi nadadala, magmamahal ulit.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang asong magaling sa pusang gutom.
  • Naniniwala ako sa kasabihang ang blusang itim kapag isinuot blusang itim parin.
  • Naniniwala ako sa kasabihang inaagaw ang mahal mo kaya ingatan mo siya baka maagaw ng langaw.
  • Naniniwala ako sa kasabihang maraming namamatay sa maling pag-gamit ng AK47.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang mainit na sabaw sa taong uhaw na uhaw.
  • Naniniwala ako sa kasabihang pumuti man ang buhok ko huwag lang mga mata ko kakahintay sa mga taong hindi sumisipot sa tamang oras na napagusapan.
  • Naniniwala ako sa kasabihang nabubuhay ka sa mundo para sa isang layunin…… na masama.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang magandang babae sa mabagal na internet.
  • Naniniwala ako sa kasabihang may pera sa basura ng mga bilyonaryo.
  • Naniniwala ako sa kasabihang mabilis kang kumilos kapag taeng-tae ka na.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang taong payatot sa tabi ng mas payat pa sa kanya.
  • Naniniwala ako sa kasabihang ang alak ay isang inumin lamang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang taong demonyo, ugaling demonyo lang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang hindi lahat nakakaintindi ng joke. Joke lang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kahit matanda ka na may asim parin yung mukha mo kapag nakakakain ng mangga.
  • Naniniwala ako sa kasabihang dapat bigyan ng kulay ang mundo, magvandalize ka kung saan-saan.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kahit may pera kung wala ka namang kaibigan at least may pera ka parin.
  • Naniniwala ako sa kasabihang lahat ng tao may maitim na kulay lalo na yung singit mo.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang teacher na terror sa estudyanteng walang pakialam sa kanya.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ang payo ng mga magulang mo na iwanan ang kasintahan mo.
  • Naniniwala ako sa kasabihang hindi ako magaartista baka mawalan ng trabaho si Daniel Padilla.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang taong galit sa taong wala namang ginagawang masama.
  • NahNiNiWalla aQ $a kASaBHiehang WuLang Jejemon, ajejeje
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang multo dahil maraming taong buhay pa mukhang multo na.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kapag hindi mo maipaliwanag ang lasang natikman mo ang tawag dito ay “lasang alien”.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang pinipili ang mga hindi choosy.
  • Naniniwala ako sa kasabihang mabubuhay tayo sa mundong may oxygen.
  • Naniniwala ako sa kasabihang luluha ka sa saya kapag nakakita ka ng pusang nagigitara.
  • Naniniwala ako sa kasabihang ang estudyanteng masipag ay bumabagsak parin. Kaya huwag umasa.
  • Naniniwala ako sa kasabihang lumiliit ang isang bagay kapag hindi ginagamit. Gamitin mo na yan baka lumiit yan sige ka hindi ka magkaanak niyan.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kung ayaw mong masaktan pero gusto mong manakit maging writer ka nalang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang dapat tigilan na itong mga kasabihan na ito.
  • Naniniwala ako sa kasabihang huwag maniwala sa mga kasabihan, sabi-sabi lang yan.

—————————————————————————-
Lahat tayo may kasabihan sa buhay ano man ang kasabihan na yan sana ay mapanindigan natin.

Nakalahati na natin ang unang buwan ng taon, kumusta New Year’s Resolution mo?

I am on twitter: @olops001





DALAWANG WALA ISA TATLO (2013)

31 12 2013

Goodbye 2013, Hello 2014

ANG bilis ng panahon, bagong taon nanaman. Parang kahapon lang nagsulat ako ng mga New Year’s Resolution sa taong 2013. Ngayon hindi ko ito babaguhin kaya ito parin ang iba’t ibang mga New Year’s Resolution.

New Year’s Resolution

  • Mag papapayat na ako, kapag wala ng makain.
  • Hindi na ako manloloko ng tao. Joke.
  • Hindi na ako mangangako. Promise!
  • Pupunta na ako sa Gym! Pero di ako mag bubuhat. Bakit kapag pupunta ng Gym magbubuhat agad? Pwede namang Treadmill lang ah.
  • Hindi na ako mambobola ng mga babae. Manchechess nalang.
  • I won’t do conyo talking na. Like forever promise, I swear. Many tao don’t like it kasi eh.
  • I won’t procrastinate anymore, I’ll do it tomorrow nalang.
  • hInD3 nah aKu maGiGinG J3J3m0n ajejejeje
  • Hindi muna ako mag gigirlfriend, boyfriend naman.
  • Hindi na ako sasali sa mga gang, puro away naman hilig nun eh. Ui wait may nagyayaya nanaman ng gang war, sasali lang ako.
  • Hindi na ako mangungulangot sa classroom.
  • Bilang isang guro magiging mabait na ako sa mga estudyante ko, di ko na sila bibigyan ng assignment. Pero araw-araw parin ang quiz nila.
  • Hindi na ako mamimigay ng papel sa mga kaklase ko. Ang pera natin hindi basta basta mauubos! Pero ang Yellow Pad ko, konting konti nalang!
  • Mag tatayo ako ng business, Monkey Business.
  • Gugugulin ko oras ko sa mga ball games like Jackstone.
  • Papayaman ako, tataya ako lagi ng Lotto
  • Dapat wala na akong New Year’s Resolution eh kasi katapusan na daw ng mundo noong December 21,2012.
  • Ipapasa ko yung mga subjects ko, first step ay I-drop ko muna sila. Wala na kasing pagasa na makabawi pa.
  • Magtitipid na ako, sa 2016.
  • Mag papaganda ako, kakapalan ko makeup ko.
  • Reading, I’ll make it a habit. Pero di ko sinasabi na dapat intindihin ko binabasa ko ah.
  • Hindi na ako maniningil ng mataas na pamasahe sa tricycle ko, daig ko pa kasi nanghoholdap nun eh.
  • Maliligo na po ako araw-araw.
  • Titigilan ko na ang mga bisyo ko, maliban sa paginom, paninigarilyo at pagdodota.
  • Di na ako magsusugal, kung walang pera.
  • New Year’s resolution pa, eh hanggang February lang naman yung effect nung sa akin.
  • New year’s resolution ko hindi ako gagawa ng New year’s resolution.

THIS YEAR…

I won 3rd place in News Writing (Filipino) and 10th place in Editorial Writing (Filipino)
http://instagram.com/p/UXrQn-FrN1/

I met my twin
http://instagram.com/p/UlVkWtlrHD/

I rode a bike
http://instagram.com/p/Vx1IQcFrNX/

and a time machine
http://instagram.com/p/WPMw4MFrK_/

I deleted some of my messages
http://instagram.com/p/ZPuoXOFrJZ/

ate some burgers
http://instagram.com/p/Vx1oXSFrNx/

and burgers again
http://instagram.com/p/anTuqJFrIN/

I went to Palawan

View this post on Instagram

I'm at NAIA terminal 3 waiting, Palawan bound.

A post shared by Eler Villegas (@elervillegas) on

I met the girl who changed my life
http://instagram.com/p/fr_LliFrP6/

she’s happy with me
http://instagram.com/p/hYpxXGFrIV/

and she met my mom and my sis
http://instagram.com/p/iiTlenlrPF/

PERSONAL

Maraming salamat sa nagdaang isang taon. Hanggang sa susunod! Mabuhay!
http://instagram.com/p/Udx21alrCM/

————————————————————————–
Kalimutan ang mga masasamang ala-ala noong nakaraang taon. Baunin ang mga magagandang ala-ala at dalhin sa mga susunod pang taon. — Eler Villegas

HAPPY NEW YEAR!

I am on twitter: @olops001





HAPPY HOLIDAYS!

24 12 2013

Parang natulog lang tayo tapos pagkagising pasko nanaman.
Salamat sa lahat ng bumisita sa aking blog ngayong taon.
Hanggang sa susunod na taon. Mabuhay kayo!
Maligayang Pasko sa inyong lahat!

 

 





Protektado: LOVE LETTER #1

30 11 2013

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:





HAPPY HALLOWEEN!

31 10 2013

Noong bata ako takot na takot ako sa mga multo kahit na hindi pa naman ako nakakita ng kahit isa. Naging parte kasi ng pagpapalaki ng mga magulang ko na takutin ako na may multo para lang maging mabait akong bata. Effective naman, maaga palang natutulog na ako dahil sabi nila kapag hatinggabi na naglalabasan na ang sari-saring nilalang na pwedeng kumain sa akin. Ayaw ko ngang maging hapunan ng mga ito!

Naaalala ko pa ang “Magandang Gabi Bayan” ni Noli De Castro kapag halloween special nito. Sobrang galing nila gumawa ng mga documentaries about sa mga kababalaghan at bilang bata takot na takot naman ako. Nakapikit pa ako at sumusulyap-sulyap nalang sa palabas na iyon dahil kahit hindi ko masyado pinapanuod ay natratrauma na ako.

Kapag inuutusan akong kumuha ng ketchup sa ref namin na nasa first floor ng bahay namin ay dahan-dahan akong bababa ng hagdan na may kasamang iyak at uhog dahil akala ko may mga monsters na sasakmal nalang sa akin. Mabilis din akong aakyat pabalik dahil baka hinahabol ako ng mga taong kumunoy. Pero ang mas kinakatakot ko ay bakit ako inuutusan kumuha ng ketchup sa ref. Para saan?

Malaki talaga ang naging epekto sa akin ng mga pananakot na ito at kalahati ng buhay bata ko ay naniwala ako na may mga kababalaghan sa paligid na susugat sa akin at may lalabas na kanin mula sa sugat ko. Kahit na nakacostume lang na tao takot parin ako. Sa madaling salita takot ako sa mascot. Oo, kahit kay Jollibee takot ako. Noong kinder ako dumalaw siya sa school namin yung teacher namin sinabihan kami na may special na bisita kami at bumilang siya hanggang sampu. Lumabas ang kinatatakutan kong bubuyog at naghiyawan ang mga kaklase ko at nagtakbuhan papunta sa kanya. Hindi ko siya pinansin naiwan ako sa kinauupuan ko habang yung mga kaklase ko sayang-saya na nandun siya.

Takot din ako sa taong grasa. Bukod sa madumi sila pakiramdam ko noon kikidnapin nila ako at ibebenta ang mga laman-loob ko sa palengke. Kailan ko lang nalaman na hindi mo kailangang maging taong grasa para kumidnap ng bata at walang binebentang laman-loob ng tao sa palengke.

Takot ako sa uod at bulate. Maglagay ka ng tissue sa sahig at sabihin mong inilagay mo dun yung bulate na galing sa pwet mo hindi na ako bababa pa sa kama ko. Hindi ko alam pero sobrang nakakapangilabot kapag nakakakita ako ng mga ito. May mga pakakataon na masasabi ko nalang sa sarili ko na ang duwag-duwag ko at nagpaniwala ako sa mga bagay na ipinapanakot sa akin ng mga matatanda noon.

Matanda na ako ngayon nalaman kong hindi naman pala dapat kinakatakutan ang ibang bagay. Kailangan mong maging matapang para makausad sa buhay. Kadalasan ang takot ang nagpapalakas sa iyo para malampasan ang mga mahihirap na pangyayari sa buhay.

Hindi ko alam kung totoo ba talaga na may multo pero ang mahalaga hindi pa ako nakakita. Natakot man ako sa mga palabas sa telebisyon tuwing nalalapit na ang araw ng mga patay pero nalinawan ako na ano nalang ang buhay kung walang entertainment na katulad nito. Ngayon napakasayang manood ng mga horror at ang sarap din palang takutin ang sarili paminsan-minsan.

Natutunan kong tumakbo kung kinakailangan at huwag magpauto sa mga nakakatanda kung nagpapakuha sila ng ketchup na hindi ko naman alam kung para saan nila gagamitin. Nalaman kong tao lang pala ang nasa loob ng mga mascot at init na init sila sa loob nito. Nabanggit ko pa ang Jollibee kahit hindi naman nila ako binayaran para i-advertise ito.

Naintindihan ko ang hirap ng buhay, na imbis na katakutan ang mga taong grasa dapat silang tulungan dahil nangangailangan sila ng kalinga. Araw-araw silang nakikipagsapalaran para lang mabuhay. Madumi man pero kapwa tao mo rin sila. Naging mas maingat ako dahil hindi nawawala ang mga masasamang loob. Baka nandiyan lang sila nag-aabang para kidnapin ka at gawing rekado ang laman-loob mo sa pagkain.

Ang uod nakakatulong pala sa kalikasan bakit kailangan matakot? Wala namang ngipin yan. Ang bulate napupuksa ng gamot kaya huwag na natin talakayin pa nangingilabot ako eh.

——————————————————————————————————
Fear makes us feel our humanity.”
~ Benjamin Disraeli

HAPPY HALLOWEEN! 

[Photo Courtesy of Vipee Gamotia Flores]

I am on Twitter: @olops001





IDEAL WOMAN

30 09 2013

Nangangarap tayo sa buhay, isa sa mga pangarap natin ang makatagpo tayo ng lalaki o babae na gusto natin. Yung pasok sa ating mga standards. Sabi nila swerte kapag ang nakatuluyan mo ay yung pinapangarap mo talaga, pero minsan naisip ko na parang napakaimposible na magkaroon ng lahat ng katangiang ito sa isang babae.

Lalaki ako, siyempre ang ilalagay ko yung ideal woman ko. (Kakaiba naman kung ideal man pa ang ilalagay ko).

Ideal woman ko siyempre mabait. Sino ba namang may gusto ng mala-terorista na babae. Kasing amo niya sana yung pusa sa bahay namin, pero sana hindi tumatae sa sahig.

Mahinhin pero malakas ang dating, yung tipong kapag naglalakad ay mararamdaman mo ang confidence niya sa sarili niya, na alam niya na maganda siya, na may nagmamahal sa kanya na katulad ko. Korny.

Gusto ko magaling magluto, yung hindi ako gugutumin kapag kasama siya. Kahit hindi chef pero magaling sa kusina. Gusto ko marunong din magluto ng exotic foods tulad ng ginisang pigsa.

Gusto ko matalino kasi minsan hindi ako nagiisip ng tama, gusto ko ng babaeng iisipin ang mas nakakabuti sa aming dalawa, ayaw ko ng padalos-dalos magdesisyon at kung darating sa buhay namin na mamimili siya kung anong kulay ang pwedeng ipalit sa itim na kulay ng buhok ko pagbibigyan ko siya. Kahit kulay Indigo pa.

Gusto ko yung babaeng matatanggap ako sa kahinaan ko. Yung babaeng susuportahan ako sa mga bagay na gusto ko. Yung kahit na ang pangit-pangit ko na dahil sa hirap ng trabaho nanjan parin siya. Yung kahit na lagi nalang akong talo sa sugal nanjan parin siya para hampasin ako ng troso. Yung kahit na binubugbog na ako ng problema sa buhay nanjan siya para salagin ito lahat dahil matibay siya, na gawa siya sa Titanium na hindi siya papayag na lahat ng problema ay papasanin ko.

Gusto ko ng babaeng kasama ako sa karamihan ng “first time” niya sa buhay. Kahit anong first time na pumasok sa isip mo sige yun na! Gusto ko mabango, may tamang personal hygiene. Ayaw ko ng makalat, nagtatapon sana siya sa tamang tapunan. Masinop at anal-retentive.

Yung kahit na sobrang tagal niya mag-ayos sa sarili niya ayos lang sa akin basta kaaya-aya siyang tignan. Kahit na late na kami sige lang paganda ka lang. Kahit na matutulog na kami sige lang paganda ka lang. Kahit na mag-aalmusal lang kami sige lang paganda ka lang. Kahit na sa phone ko siya kausap sige lang paganda ka lang. Basta kung saan ka masaya.

Sana may paninindigan siya sa buhay, yung may ipinaglalaban dahil sila yung mga taong nagiging matagumpay sa buhay. Gusto ko ng babaeng hindi manlulumo sa sarili niya dahil tumataba na siya. Gusto ko ng babaeng kapag nakikita niyang tumataba na siya mag woworkout siya imbes na maginarte na “eeeeehh tumataba na akoooo”. Yung babaeng hindi natatakot kumain ng kumain dahil alam niyang maganda siya kahit na tumataba siya. Yung babaeng tamang trip lang hindi mabisyo, masayahin at yung kayang tumayo sa sariling mga paa niya.

Gusto ko yung aalagaan ako kahit na sobrang malala na ang sakit ko, na kahit kinukuha na ako ng liwanag nanjan parin siya nakahawak sa mga kamay ko. Pangarap ko na kapag nauna akong mamatay sa kanya ako na ang last niya pero bukas parin ako sa posibilidad na kapag nahulog ang loob niya sa iba kapag wala na ako ay tatanggapin ko ito dahil yun ang makakapagpasaya sa kanya.

Gusto ko yung tunay, may tiwala sa akin at handang gawin ang lahat mapanatili lang ang relasyon namin na matibay at hindi basta-basta maitutumba ng hangin. Yung hindi maarte at madrama at madaling magpatawad.

Physical Appearance? Hmmm hindi na siguro importante yan. Kasi ugali naman ang nagpapaganda sa babae.

May mga pangarap tayo sa buhay pero naniniwala ako na kahit wala yung mga katangian na hinahanap mo sa kanya kapag yan binigay sa iyo ni Lord mamahalin mo siya.

—————————————————————————————-
The definition of a beautiful woman is one who loves me.
~ Sloan Wilson

AUGUST 14 – My Blog’s Anniversary
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

I am on Twitter: @olops001





SILID-ARALAN

8 08 2013

failing-at-cro

Natanggap ko na ang resulta ng mga exams ko. Karamihan bagsak!

Pinipilit kong tumawa nalang para naman kahit papano maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Mahirap talaga yung mga subjects na kahit anong pagsisikap mo na makapag-review ay babagsak ka parin. Minsan matatanong mo nalang sa sariili mo, “Bakit ganito? Ganito ba talaga ako kabobo?”

Minsan iisipin mo kung ano ba talaga ang mali, sa sarili mo nga ba o sa ibang bagay. Minsan sinisisi natin ang mga teachers kung bakit ganun sila magturo. Naiinis ka sa kung papaano siya magbigay ng exam. Minsan sinisisi mo yung internet niyo dahil hindi ka nakapagreview kakagawa ng kung ano-ano sa harapan ng kompyuter.

Pero sa huli malalaman mong ikaw mismo ang mali. Hindi pa sapat yung effort na ibinibigay mo para makuha mo yung gusto mo. Minsan talaga kailangan mo ring makarinig ng masasakit na salita sa teacher mo para magising ka sa katotohanan. May mga tao na mataas ang expectation sa iyo dahil sa katayuan mo sa buhay. Pero sana maintindihan nila na hindi ka magaling sa lahat ng bagay.

Nandito na ako sa point na nawawalan na ako ng pag-asa. Pero sinusubukan ko paring bumangon, sinusubukan kong bumawi at lumugar sa tama. Sabi nga nila “madadapa ka muna bago ka matutong lumakad”.

Minsan ayoko na mag-aral pero masaya ako kapag pumapasok ako sa school, masasaya mga tao at may tawanan lagi, nakakalimutan ko mga problema ko. Ang isang klase ay binubuo ng mga estudyante na may kanya-kanyang istorya sa buhay. Magkakaiba ang ugali, paniniwala at opinyon pero kayang bumuo ng isang matinding samahan. Pero kung anong nakikita niyo sa loob ng silid-aralan ay ibang-iba sa buhay nila paglabas ng eskwelahan.

May mga estudyante na malalaki ang problema sa pamilya pero sila pa ang magagaling magpatawa sa klase. May ilan na kahit may sakit na itinatago nakakayanan pang mag-excel sa lahat ng subjects. May mga mahihirap pero nagagawan nila ng paraan upang makabayad sa pagpapa-photocopy ng handouts nila.

Hindi natin sila pwedeng husgahan sa ano mang nakikita natin sa kanila sa loob lamang ng silid-aralan. Malay mo kaya pala siga yung kaklase mo dahil kapag nasa bahay siya binubugbog pala siya ng tatay niya. Yung kaklase mo kaya pala malandi dahil hinahanap lang niya ang pagmamahal na hindi naibibigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Yung kaklase mong ubod ng likot malay mo may sakit siya at bilang nalang ang mga araw niya sa mundo. Baka nga may ibang mga tahimik lang sa klase pero holdaper pala sa gabi.

Pero iba-iba man ang estado sa buhay, nasa eskwelahan tayo para mag-aral. Kung pumasa salamat kung bumagsak kawawa. Kaya matutong mag-adjust. Intindihin mo nalang din ang mga taong hindi nakakaintindi sa iyo. Minsan magka-iba talaga ang pinaniniwalaan niyo at darating sa punto na kailangan mo nang hayaan nalang siya kung saan siya masaya.

Tulungan mo sarili mo kung nahihirapan ka na. Huwag kang papadala sa lahat ng taong sumisira sa iyo. Ituloy mo lang ang buhay mo. Huwag mawawalan ng pag-asa. Maging masaya sa pag-aaral, dahil kung hindi ka masaya sa pag-aaral mo ngayon nasasayang lang ang oras mo sa buhay.

—————————————————————————-
Education is the ability to listen to almost anything without losing your temper or your self-confidence.
– Robert Frost

HAVE A GREAT WEEKEND!

I am on Twitter: @olops001

[Photo: Tweaky Blog]





HAPPY BIRTHDAY!

6 07 2013

On this day three years ago I almost died in an attempt of suicide. I celebrated my birthday alone. It was supposed to be another “happy birthday” for me but it wasn’t. The scene in my head of that moment is still crystal clear. I won’t forget it. It was like singing the birthday song by yourself and staring at your cake and imagining that you have visitors or you have your dad, mom and siblings waiting for you to close your eyes to take a wish and blow your candle cake. The difference is that I actually did it. I was miserable and I just want to end my life. I looked for something to use in order for me to kill myself.

I thought of stabbing my chest with a butter knife but it was ridiculous. I thought of drinking gasoline but the gasoline station is miles away. I thought of jumping somewhere high but our house doesn’t have a second floor. I thought of burning myself but I considered it painful. I realized I can’t even kill myself. That was the time I reconnected with the world. That was the time I finally became matured. That was the time I understood life. That life is cruel and can ruin a birthday. That life is sometimes unhappy and we should deal with it.

Two weeks before that day my mom and dad separated. It was hard for me to accept it. I was mad; I didn’t appreciate the value of family anymore. I made a gap between me and my parents. They didn’t know what I have been through. I accumulated anger and hatred and looked for something to cheer me up. But there wasn’t any. Anything that makes a person happy didn’t work for me but I survived.

Two weeks after that day it was my birthday. I almost died in an attempt of suicide. I have a lot of cake in my fridge that time four to be exact. I live alone and I don’t think I can consume that massive amount of cake just in time before it spoils. From then on I started to move on. I started to accept things like: I can’t devour a lot of cake because I’d be sick to it, I can’t move on if I’m not trying to move on, I can’t reach my goals if I am hopeless. I was ready to go. But where will I go?

On this day two years ago I celebrated my birthday somewhere nice. The scene in my head of that moment is still crystal clear. I can’t remember if I had a cake though. Little by little I accepted what my life had been through. I went somewhere for a change, I went to a place where I don’t know anyone. I started a new chapter of my life. I didn’t think of killing myself anymore. I decided to go where my mom is. So what’s next?

I moved on already, I decided to straighten my life. My near death experience taught me not to give up in life. As long as I’m breathing there’s a chance, I became a better person after those obstacles. I learned things like I should be contented of what I have. I work hard to reach my goals and I’m on my way there. I believe once again that there are good people in the society. There are people who have a greater problem than mine but they don’t choose the option of suicide. And I saw opportunities and grabbed some of it.

I thought life is easy, easy in a point that you can just play until you get tired and play again if you gained energy once more. You can plan of what will happen next but you should accept if your plan didn’t work. Birthday is a sign that you are becoming old but not a sign that you are becoming weak.  Every time I celebrate my birthday, I thank God for giving me another year to live. Another chance to prove my worth, that we can overcome problems because it is just a challenge.

On this day not so many years ago I was born. It was a “happy birthday” for me because I am the best gift that my mom and dad have. The scene in my head of that moment is not crystal clear. I don’t even remember it because I’m a baby. Now that I’m all grown up I’ll do whatever I need to do, I hope that when I read this after how many years, I will hit the pause button and say that:

I AM HAPPY I WAS BORN.

————————————————————
“Kada kaarawan mo alalahanin mo ang mga nangyari sa iyo sa loob ng isang taon. Naging produktibong mamayan ka ba ng bansa o naging problema?”
Eler Villegas

THANK YOU TO ALL WHO GREETED ME ON MY BIRTHDAY! (July 6,2013)

The baby in the picture is me.

I am on twiter: @olops001





TORPE!

16 06 2013

SPOILER ALERT: Ito ay isang walang kwentang istorya ng katorpehan. Huwag basahin maaawa ka lang sa lalaking ito dahil sobrang torpe niya.

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko. 

Diretso ang tingin at umupo sa upuan ko. Nakakasawa na puro nalang kalokohan ang pinaguusapan ng mga kaklase ko. Kaya tumingin ako sa paligid. Aba! May mga taga ibang section. Hindi lang pala course ko ang nandito halo-halo pala kami.

Tahimik lang ako sobrang boring ng subject na ito. Ang dami pang isinusulat…. Ganyan lang lagi ang routine ko sa subject na yun. Hanggang lumipas ang ilang buwan……..

Ilang buwan na ang nakalipas puro sulat parin kami. Laki na ng kalyo ko sa kamay. Kahit nagsusulat ang ingay parin ng mga kaklase ko. Ayoko na! Sawa na ako! Hindi ko na isusulat itong pinapakopya ng teacher namin sa board.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Hanggang sa nakita ko siya. Parang may spotlight na nakatutok sa kanya. Kumbaga sa camera naka macro mode ito. Siya lang ang maliwanag sa paningin ko at ang paligid ay malabo.

Sino siya? Bakit hindi ko siya napapansin noon? Bakit napansin ko siya kung kailan patapos na ang sem?

Pakitang gilas na ako mula noon. Nag rerecite na ako, ipinapakita ang speaking skills sa klase at sumabay sa mga daldalerong mga kaklase na wala namang kwenta ang mga pinaguusapan. Naaalala ko pa yung debate na pinaghandaan ko para lang magpakitang gilas. Pero absent siya noon hindi niya ako nakita. Pero ayos lang. Gusto ko parin siyang makilala.

Nagtanong ako sa mga kaklase ko kung sino siya. Basta mga kabarkada gagaguhin ka lang. Tinanong ko lang kung sino siya kung ano-ano na ang sinabi. Mas una pa nilang sinabing may “boyfriend na siya” kaysa sa pangalan niya.

BOOM! Inimagine ko nalang nagkaroon ng malaking pagsabog sa pila ng mga tricycle drivers na ang tataas maningil ng pamasahe. Inimagine ko nalang na may lumipad na tricycle at tinamaan ako nito. Inimagine ko nalang na hindi na nag seserve ng pagkain ang canteen namin. Inimagine ko nalang na hindi ko siya nakita.

May boyfriend na pala ibig sabihin hands off na. Respeto naman diba ayaw ko namang suntukin ako nung boyfriend niya. Mahirap na payatot lang ako. 3 years na sila ng boyfriend niya wala nang pag-asa ‘to hindi naman sila tatagal kung hindi nila mahal ang isa’t isa diba?

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko.

Last day na namin hindi ako nagreview sa final exam dahil sobrang dali lang naman ng subject. Joke lang tinamad lang ako magreview. 30 minutes lang tapos na ako mag test tapos na ang subject ko na iyon. Hinding-hindi ko na siya magiging kaklase pa.

Finollow ko siya sa Twitter. Wala lang finollow ko lang sa twitter walang ibig sabihin yun. Summer vacation na at nagtravel na ako pero nandun lang ako tahimik, nagaabang at nakikibalita. Nang biglang….

BREAK NA PALA SILA NG BOYFRIEND NIYA! Kulang nalang magsuot ako ng party hat at ipasarado ang buong street namin para painumin ang buong barangay!

Pero hanggang dun nalang ako. Dahil hindi ko naman maamin na gusto ko siya. Na gusto ko mabigyan niya ako ng chance na mapakita sa kanya na gusto ko siya. Puro lang ako pabibo, puro lang ako parinig, puro lang kwento, puro lang hype, puro lang pakitang gilas ako sa kanya. Teka bakit puro “puro” ang sentence ko na yun.

Gusto ko kasi sa personal ko sabihin ang lahat. Pero baka bigla akong himatayin. Sincere ako at baka lumabas na nagloloko lang ako kung sa chat lang ako aamin. Sana lang hindi pa siya nakakahalata. Sana lang wala pang nakakahalata. Gusto kong makasama siya. Gusto kong makita siya at magkakilala kami. Pero ‘wag nalang dahil torpe nga ako.

Hindi na yata ako aamin. Papakawalan ko nalang itong pagkakataon na ito. Ayokong maranasan ang heart break. Isa pa kakahiwalay niya lang sa ex niya. Tapos may mga bestfriends pa siyang lalaki. Hirap kaya nun, siyempre dadaan ka muna sa kanila. After ng mga bestfriends na lalaki dadaan ka naman sa mga bestfriends na babae. Wow nalang ang masasabi ko. TUMAL!

Ang alat mga tsong. Pero torpe talaga ako, hindi nalang ako aamin talaga. Magaaral nalang ako. Yung anatomy book ko nalang ang liligawan ko. Kapag nakita ko siya sa school itatago ko na masaya ako. Itatago ko na nakumpleto ang araw ko. Pwede ring magtago nalang ako sa room namin para naman hindi ko siya makita.

Gusto ko makuha ang number niya pero gusto ko personal. Ako si puro personal eh noh? Eh kung personal din akong umamin eh ‘di hindi ko nararamdaman tong feeling na ito. Yung feeling na gustong-gusto mo nang umamin pero naduduwag ka. Kaya hindi nalang ako aamin. Pero gusto ko talaga umamin. Oo ganito na kagulo ang utak ko ngayon!

Ano naiinis ka na? Sana hindi mo nalang binasa itong blog na ito! May spoiler alert nangang nakalagay eh!

Ayoko na! Ayoko na! Hindi na ako makapagreview! Hindi na ako makaligo. Joke lang ayaw ko ngang bumaho. Tinatanong ko na ang sarili ko, magiging torpe nalang ba ako habang buhay. Na baka ako nalang pala ang inaantay niya o sasabihin ko na?

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko. 

Oo na aamin na ako…………. balang araw (Pu@#$%  torpe parin)

——————————————————————
“O baka di ko na isip na mabagal ako at ako na lang pala ang hinihintay mo”
~ (Sige Na Naman) Parokya ni Edgar

HAPPY FATHER’S DAY!

Photo from wattpad.com

I am on Twitter: @olops001








%d bloggers like this: