CRAB MENTALITY

30 08 2012

“If I can’t have it neither can you”

Utak Talangka – isa sa mga hindi magandang ugali ng mga Pilipino. Taong ayaw na may nakaka-lamang sa kanya, kapag nakaka-angat sa buhay ang isang kababayan ay sisiraan niya ito at pag-iisipan ng masama. Maihahalintulad ito sa mga crabs o alimango na kapag nilagay mo sa timba ay nag uunahan makapunta sa bunganga ng timba, kapag makakalabas na ang isa ay hahatakin siya ng ilang alimango upang hindi makalabas ng timba.

Ito ang iba’t ibang istorya ng pagka crab mentality nating mga Pilipino.

Crab #1.

Sikat ang parlor business ko dito sa amin, lahat ng mga tao sa barangay namin ay suki ko. The best dito, magaling ang mga nag gugupit at marurunong ang mga empleyado ko. Higit sa lahat mura kaya tinatangkilik ng aking mga customer. Dahil dun mataas ang kita ko at pwede na akong mag open pa ng isa pang business. Pero noon yun kung hindi lang nag tayo ng isa pang parlor ang kapitbahay ko sa tapat mismo ng parlor ko. Customer ko lang siya dati, pero hindi ko alam pinag-aaralan na niya pala ang pasikot-sikot sa business ko. Mula noong binuksan niya ang parlor niya nabawasan na ang mga customer ko at nagsi-lipat sakanya. Paano ba naman kasi mas malaki at mas maganda ang parlor niya sa akin. Mas minurahan pa niya ang mga offers dito. UTAK TALANGKA!

Crab #2

Si Nina ay ang pinaka sikat na babae sa aming eskwelahan. Sexy, maganda, matalino, mayaman at lahat na ata ng hinahanap ng mga lalaki ay nasa kanya na lahat. Ako? Pangalawa lang ako sakanya. (sabi nila) kaya kung may bago siyang relo, aba syempre may bago din akong relo glow in the dark pa! Naka high heels siya kung pumapasok, aba syempre ako din 3 inches higher pa! May apat siyang cellphone, aba syempre sakin walo! May boyfriend siya na journalist, aba syempre boyfriend ko buong basketball team ng school namin! Ganyan ako ayaw mag-patalo!

Crab #3

Si Rogelio ay isang bayani, namatay siya ng may paninindigan. Ipinagtanggol lang naman niya yung crush niya sa isang holdaper, ngunit sa kasamaang palad nasaksak siya sa kanyang leeg. Dahil doon isa siyang halimbawa na kapag gusto mo ang isang tao hahamakin mo ang lahat makuha lang siya. Di ako papatalo! Kaya ito ako ngayon kasama ang kaibigan ko na binayaran ko na holdapin ang crush ko. Tapos kunyari sasagipin ko siya at bubugbugin ang mag-nanakaw na kaibigan ko. Nice Idea! Kuha ko na si crush buhay pa ako!

Crab #4

BADTRIP! Lagi nalang akong top 2 sa klase! Di ko matalo yung top 1 namin, sobrang talino talaga. Ginawa ko na ang lahat, nangodigo na ako, nandaya na ako sa exam naka headset ako habang nag-eexam at naka record ang lahat ng nireview ko dun na naka play at naka repeat pero wala parin. Eh buti may video ako na nangugulangot siya sa klase, ikakalat ko ito para masira ang buhay niya! HAHAHAHA!

Crab #5

Sa aming barkadahan ako nalang ang hindi pa successful sa buhay, lahat sila nakaka-angat na sa buhay. Sobrang nainggit ako dahil ako nalang ang natirang lugmok sa kahirapan. Kaya lahat sila sinira ko ang buhay. Inagaw ko ang asawa ng isa kong kaibigan, ang isa naman ay nawalan ng trabaho dahil pinagbantaan ko ang boss niya na kung hindi niya tatangalin sa trabaho ang kaibigan ko kikidnapin ko ang mga anak niya. Dapat ako lang ang yayaman! Nandito ako sa harap ng bangko ngayon, hoholdapin ko ito!

Crab #6

Ako pinakamatapang sa aming fraternity ayaw kong may mas tatapang pa sa akin. Naganap ang gang war namin kagabi, at ako ang nag volunteer na mag papasimula ng gulo ibig sabihin ako ang unang susugod sa kalaban. Dahil dun ako ay napahamak. Noong sumugod ako naduwag ang mga kakampi ko at iniwanan akong mag-isa. Para akong sisiw na naligaw sa butas na punong-puno ng ahas. Nandito ako sa ospital ngayon, putol na ang isang kamay ko at hindi na makakatayo habang buhay.

Crab #7

Magaganap ang aking debut ngayong buwan at gusto ko magarbo ito. Kaya ang aking mga magulang ay pinag-hahandaan ito. Gusto ko singer sa debut ko si Charice, at gusto ko may bago akong sasakyan. Nakuha ko ang idea na ito sa palabas sa TV, ang ganda ng birthday celebration nila at gusto ko mas maganda pa dun sa akin. Sikat ako at marming dadalo sa aking kaarawan kaya, MOMMY AT DADDY KUNG AYAW NIYONG MASIRA BUHAY KO PLEASE GUSTO KO NG ESPESYAL NA DEBUT!

Crab #8

Ayoko si PNOY panot siya at puro sisi nalang sa nakaraang administrasyon ang ginagawa niya. Hindi ako bilib sa mga ginagawa niya ngayon. Dapat ako nalang ang nanalo noong nakaraang eleksyon. Mga komunista ang mga yan, mga tao kasi eh, hindi naniwala sa akin. Ako naman talaga ang tunay na mahirap ah. Promise walang biro! Orange ang kulay ng mundo!

 Crab mentality is just a simple case of greed and jealousy. No further explanation is required. – Ver Pangolino

Muli maraming salamat sa lahat ng mga nag-babasa ng aking blog. Mabuhay!

I am on Twitter : @olops001





KOLEKSYON NG MGA TULA

28 08 2012

TRAPIKO

O trapiko bakit ka ganito?

minsa’y mabilis na para bang naghahabol

minsan namay mabagal at buhol-buhol

Ako’y naiinis at nag-iinit ang ulo

hindi maganda ang sistema ng trapiko

Ako ay nahuli sa klase

sa guro ako’y nayare

lagi daw akong late at nakaka toxic na

sabi ko naman aba ma’am na traffic lang

Maraming dahilan bakit sobrang traffic

maraming nag-sasabi this is not terrific

sa sobrang tagal ako’y nayamot

inantok saba’y nag kamot

umidlip hanggang nakatulog

Sa haba ng tulog hindi ko natanto

jeep ngayo’y umaandar ng mabilis

MA PARA PO lumagpas na ako

walang hiyang traffic to nakakainis

Related Blog: TRAFFIC STORIES

IMBESTIGADOR

Ako ang tunay na imbestigador

kung manlibak sagad-sagad

kung mag-pasya sure na sure

na para bang naka beast mode.

Lahat ng bagay nakikita

lahat ng mali napapansin

di inaalam ang istorya

pero mayroon nang katapusan

Pangit ka kahit mag pa parlor pa

alam ko yan dahil mascot ka

ayaw mong pakita mukha mo

dahil takot sila sayo

sa laki ng ilong mo kasya sampung tao

Di si Mike Enriquez ang tunay na imbestigador

hindi siya sing-lakas ng labintador

ako yun lumilipad at may pakpak

tawag nila sa akin Imbestigador Quack Quack

Related Blog: IMBESTIGADOR QUACK QUACK

GURO

Sa kanila ako’y saludo

magaling sa pagtuturo

buhay na bayani tawag ay guro

lahat titiisin para lang sainyo

Iba’t ibang uri iba’t ibang klase

kaya behave ka dapat kapag nag klaklase

baka ikaw ay mapagalitan

kasama ng iyong kakulitan

Salamat mga guro sa inyong kadakilaan

respeto ko sainyo’y nakalaan

paano na lang ang mundo kung wala kayo

Salamat salamat salamat  sa inyo

Related Blog: IBA’T IBANG URI NG MGA GURO

Lasing

Tagay pa sabi ng barkada

pero hindi ko na talaga kaya

ayoko na ayoko na

ako’y hilong-hilo na

Nag-iiba ang ugali kapag nalalasing na

minsan nama’y gumagaling sa ingles kapag naka-inom na

nag-huhubad ng T-shirt minsan pati brief

nag-hahanap ng away kapag naka-trip

Lasinggero ng bayan ang tawag sa amin

Araw-araw kami’y tumotoma

kahit atay ay may tama na

game parin kami sa inuman

kaya kung hindi na kaya

huwag nang mag-alinlangang

sumuko at sumuka na lang

lasing na talaga ako

Related Blog: BLOGGING LEVEL: LASENGGO

PS: Lahat ng nabanggit na tula ay akda ni Kevin Eler Villegas

————————————————————————————-
I am on Twitter: olops001





TRAFFIC STORIES

26 08 2012

Katulad nga ng sinasabi sa aking tagline “Traffic is the main problem of the Philippines”. Grade 3 palang ako opinyon ko na ito sa buhay, bigla ko nalang itong naisip dahil napakalayo ng bahay namin sa school ko. Kapag hinahatid ako ng parents ko sa school ay consistent kami na natatagalan dahil sa trapiko.

Hindi lang ako ang inis sa sistema ng trapiko sa ating bansa. Tunghayan ang iba-ibang kwento ng mga tao sa daan kapag nabiktima sila ng traffic.

Kwento #1

ANO BA YAN! Traffic nanaman, late na late na ako sa klase ko. Kapag pumasok ako ng klase tatanungin ako ng teacher ko kung bakit ako late sasabihin ko naman “Na-traffic po kasi ako” tapos sasabihin niya “eh di, maaga kang gumising tapos umalis ka ng maaga sa bahay niyo para kahit abutan ka ng traffic makakahabol ka sa klase!” WOW lang talaga. Kahit hindi naman gawin yun eh. Minsan nabibiktima lang talaga tayo ng sistema ng trapiko, normal na alis ko ng bahay araw-araw ay 7 o’clock, kahit 7:30 pasok ko nakaka-abot ako. Tansyado ko na yun! Minsan lang talaga sadyang mapaglaro ang traffic. Kaya sa lahat ng teacher na tagline na nila ang mag-sabi ng “eh di, maaga kang gumising tapos umalis ka ng maaga sa bahay niyo para kahit abutan ka ng traffic makakahabol ka sa klase!” WOW lang talaga. Sana maging official excuse ang “na-traffic kasi ako!”

Kwento #2

Wooooooo! Patay ako sa boss ko, late nanaman ako. Nakakainis kasi itong ginagawang kalsada sa amin, dahil dun sobrang traffic mas mabilis pa kung mag lalakad ka nalang. Dalawang oras na ako dito sa jeep, wala pang isang kilometro ang nai-andar nito. Grabe talaga! Iniisip ko kasi kapag bababa ako baka biglang bumilis ang daloy ng trapiko. Teka nga bababa na nga ko. “PARA PO!”……..

SABI KO NA NGA BA EH! KUNG KAILAN BUMABA AKO LUMUWAG ANG DALOY NG TRAPIKO.

Kwento #3

Bakit traffic? Bakit ang daming tao? Tsk. Maka baba nga din sa sasakyan ko, Ahh kaya naman pala, may shooting dito. Hindi barilan kundi shooting ng pelikula ni Papa P. Sinarado ang daan, ngayon traffic na. Stuck up na ako dito sa traffic na ito! Hindi na ako maka-alis manunuod na ngalang din ako ng shooting mukang maganda. Si Papa P. pa naman yan!

Kwento #4

Gumuho ang tulay dito dahil sa lindol, buti wala pa ako sa tulay nung lumindol. Thank you Lord! Pero paano niyan, na traffic na ako? Ito lang daanan papunta sa pupuntahan ko. Hindi narin ako maka ikot dahil buhol-buhol na talaga ang mga sasakyan. Pero ayos lang ang mahalaga nabuhay ako.

Kwento #5

Boom! ito na ata pinaka-nakakatakot na traffic nakita ko, nasa itaas ako ng fly-over at nakikita ko ang mabigat na daloy ng trapiko sa baba. Grabe ang daming sasakyan! Nag-karambola pa ang 20 na sasakyan, at may mga katawan na nakahiga sa daan. Ayaw ko makita yan. Hindi ako makakatulog, isa nanamang aksidente. Ang daming tao sa daan. Tinutulungan ang mga na aksidente.

Kwento #6

“Iboto niyo po sa darating na eleksyon, Atty. Kurakot K. Kurakot, tumulong siya sa mga nasalanta ng bagyo at namigay ng relief goods na may pangalan niya” Yan ang naririnig ko kapag na stuck ako sa traffic dahil sa motorcade ng mga nangangampanyang pulitiko. Dahil sa kanila bumibigat ang daloy ng trapiko. Sana lang kapag nanalo kayo, gandahan niyo sistema ng trapiko sa bansa! BADTRIP!

Kwento #7

Dahil sa traffic na ito hindi ko na madedeliver ang mga gulay na ito, sayang lang nabulok na sila dahil sa katagalan ng pag-usad ng mga sasakyan. Sayang ang mga sustansya nito na sana may mga lumusog pang bata sa Pilipinas. Nakapanghihinyang lang pati yung kita nawala. Lugi na nga sa pera may mga bata pang hindi makaka-kain ng gulay dahil wala ng magiging supply sa palengke nila.

Kwento #8

Pu!@#$%^&*() mga walang hiyang motorista to, sira-sira traffic light, hindi na kami naka-alis dito! T@#$%^&*() talaga! Mga ungas na traffic enforcer mga walang disiplinang mamamayan at ako? Ako lang naman ang laging mainit ang ulo sa kalsada. Ayaw kong may nakaka overtake sa akin dahil ako pinakamagaling na drayber! Pu!@#$%^&*() walang kwentang gobyerno, sisihin ang gobyerno! Sisihin ang twitter ng MMDA! Hindi man lang nag inform na may traffic pala dito. Nag tweet ako sakanila hindi naman nag rereply. Ugh!  (insert bad words here) Teka may MMDA bugbugin ko lang saglit!

Kwento #9

Traffic nanaman! Paano may mga nag-rarally no to RH-Bill daw, most of these losers are just jumping on the bandwagon. I bet half of those people don’t even understand the principles behind the fucking RH bill. All I want is these mofos educate themselves on matters before causing traffic. Basta may rally may traffic!

Kwento #10

Dahil sa traffic na ito, pinag-antay ko girlfriend ko ng matagal. Sobrang tagal. Sobrang nagalit siya sakin. Susunduin ko siya dapat sa school niya eh. Nakakainis talaga, dahil dun Cool Off kami ng isang linggo.

Kwento #11

Bakit kaya ganito, bahagyang babagal ang daloy ng trapiko kapag dumadaan sa parteng ito? Tapos bibilis ulit? Ahh kaya naman pala! Ang laki kasi ng billboard tapos naka two piece pa yung babae. Galing! Napatingin din ako at bumagal din andar ng sasakyan ko. Ang puti naman nun at ang sexy pa!

Kwento #12

Hala gabi na hindi pa ako nakaka-uwi ng bahay, papagalitan nanaman ako ng tatay ko, Grabe kasi yung traffic dito ngayon eh, tawag na ng tawag si Daddy. Patay nanaman ako nito, grounded nanaman ako nito for sure. Sa sobrang tagal lobatt na mga gadgets ko. Madalas naman kasi mabilis ang andar ng mga sasakyan dito eh tapos ngayon ang bagal. May nakikita pa akong tumatalon sa billboard ngayon. Ayun tumalon na siya mula sa itaas ng billboard! Kumusta kaya siya?

Kwento #13

Grabe na ito, gutom na gutom na ako! Pero stuck parin ako dito sa traffic. Tsk. Noong isang araw lang taeng-tae ako habang nasa jeep ayun tuloy sa jeep na ako tumae. Buti di nahalata ng mga kasama ko sa jeep, pero amoy mabaho talaga. Tapos one time nasa bus ako eh sobrang traffic, sumuka ako sa bulsa ng jacket ko. Byahilo kasi ako eh. Ako na ata ang may pinaka-nakakasalimuot na kwento pag-dating sa traffic.

Kwento #14

Dahil sa traffic na ito namatay ang isa sa mahal ko sa buhay. Inatake ata siya sa puso, sinugod namin siya sa clinic pero dead on arrival na siya. Kahit na busina na kami ng busina at pinapadaan na kami ng mga ibang motorista hindi parin kami nakaabot dahil pag-dating sa intersection sobrang nagka buhol-buhol ang trapiko. Paalam sa alaga kong aso.

Kwento #15

Wala akong paki-alam sa traffic! Babanggain ko lahat ng madaanan ko! HAHAHAHAHA! Patay kayo sa akin! Sasagasaan ko kayo! Boom! Boom! Boom! *bangga dito bangga doon* “Ano ayos ba binangga kita?” ” OO pre ayos! sarap sa feeling!” sagot sa akin ng binangga ko. — (Si Rogelio habang nakasakay sa Bump Car)

If I complain about a traffic jam, I have no one to blame but myself. -Steve Wynn

Ilan lamang yan sa libo-libong istorya sa likod ng trapiko. Kayo may istorya ba kayo?

Salamat sa mga taga-subaybay sa aking blog, wag sana kayong magsawa.

I am on Twitter: @olops001





IMBESTIGADOR QUACK QUACK

24 08 2012

Unang-una ito sa kasaysayan ng Pilipinas, dito niyo lang mababasa ang bagong bida na pag-uusapan ng lahat. Kung may DOCTOR QUACK QUACK siyempre meron ding IMBESTIGADOR QUACK QUACK!

Imbestigador Quack Quack – Feeling imbestigador ng bayan, taong nag-sasalita ng patapos na hindi naman inaalam ang tunay na nangyari.

Mga misteryong nalutas ng mga Imbestigador Quack Quack (IQQ):

Misteryo #1

Sa isang baryo may natagpuang patay, wasak ang ulo at labas ang laman loob, mayroon itong katabing stuff toy sa kanyang bangkay. Huling nakita siya ay naglilinis siya sa kanyang bakuran. Ang stuff toy na katabi niya ay bigay ng kanyang kaibigan na kamakailan lang ay nakaaway niya dahil sa pag-nanakaw ng kambing.

IQQ ANALYSIS: Walang duda buhay ang stuff toy niya at pinatay siya nito. CASE CLOSED!

Misteryo #2

Sa isang barangay sa Quezon City nagkakawalaan ang side mirror ng mga sasakyan. Kasabay nito ay nakaka-kita ang mga residente ng malaking ahas sa mga kanal. Tuwing gabi nag kakaroon ng gang war at kinabukasan ang mga sasakyan ay nawawalan na ng side mirror. Maraming residente ang nagagalit at gustong mahuli ang tirador ng salamin.

IQQ ANALYSIS: Maraming daga sa kanilang mga kanal, kaya nag-kakaroon ng mga ahas na nagkataon na inaalagaan ng mga gangster para gamiting armas sa kanilang pakiki-pag laban. Yung side mirror ang nagsisilbi nilang granada. CASE CLOSED!

MISTERYO #3

Sa klase laging mataas ang nakukuhang score ni Tomy, siya ang top 1 lagi at bilib sakanya ang mga guro. Dahil doon siya ang inilalaban ng kanilang paaralan sa iba’t ibang quiz bee competitions. Ngunit kahit minsan hindi pa siya nananalo at nakapag-uwi ng mga parangal.

IQQ ANALYSIS: Loko-loko talaga siya, batang asa sa kodigo, hanep kung mag recite hindi naman matalino. Teacher’s pet lang siya at nang-uuto lang ng mga tao kaya akala ng iba matalino na siya. Salamat sa mga competitions bawal mandaya dun buti di siya nanalo. CASE CLOSED!

MISTERYO #4

Hindi pumasa si Maki sa Nursing Board Exam, sobrang nalungkot ito at nagpakamatay. Pinag-handaan niya kasi ito ng husto. Puyat siya lagi dahil sa kaka-basa. May suicide note siyang iniwan at nag-papasalamat siya sa kanyang mga magulang sa walang sawang pag papa-aral sakanya. Pero hindi na raw niya kaya pangatlong beses na niyang nag-take pero hindi parin pumasa.

IQQ ANALYSIS: Pangit eskwelahan niya, hindi nag tuturo ng maayos. 60% passing rate lang, dapat 100%! O baka naman bobo lang talaga siya. CASE CLOSED!

MISTERYO #5

Nakitang mag-kasabay umuwi ang gwapong guro at magandang estudyante, mag-kasama sila sa tricycle at tila masaya sa samahan ng isa’t isa. Sa klase laging active ang babae habang nagtuturo ang teacher at matataas ang grado ng babae. Ang guro naman ay nakikitang nakikihalubilo at nakikipag-laro sa ibang babaeng estudyante.

IQQ ANALYSIS: Chickboy itong guro na ito, nakikipag relasyon sa kanyang estudyante, hindi rin siya loyal sa estudyante na kanyang ka relasyon dahil nakikihalubilo pa siya sa ibang babaeng estudyante. Pinag nanasahan niya ang mga ito. CASE CLOSED!

MISTERYO #6

Sa isang fast food restaurant tumatambay ang mga nag-nenetworking. Doon nila isinasagawa ang mga seminar para sa mga gusto nilang i-recruit.

IQQ ANALYSIS: Mga scammer sila, scam lang yan tapos naniniwala sila, pipilitin ka nila tapos peperahan at kapag nakuha na ang pera wala na silang paki-alam sayo! Mag-ingat sa mga ganitong business isang Pyramiding Scam! CASE CLOSED!

MISTERYO #7

Si LeBron James ay nagsusulat sa kanyang kaliwang kamay pero kanan ang gamit sa pag shoot ng bola. Si Rogelio din ay nagsusulat sa kanyang kaliwang kamay pero kanan ang gamit sa pag shoot ng bola.

IQQ ANALYSIS: Ang dali naman nito, eh di si Rogelio ay nag-papanggap lang na si LeBron James isa siyang trying hard copy cat! CASE CLOSED!

MISTERYO #8

Si Troy ay isang mabuting asawa, ngunit isang araw nakita siya na may kasamang babae at mas bata pa sakanya. Makinis ang balat ng babae at magka hawak kamay pa sila. Matangkad at tila photogenic ang pangangatawan nito. Umaakbay pa si Troy sa babae at nilalambing. Si Troy ay may anak na model na hindi pa nakikita ng lahat dahil sa ibang bansa nakatira at matagal nang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas.

IQQ ANALYSIS: Walang duda kabit niya yun! Two timer na matanda! Pero ang galing pumuli ang ganda ng kabit, sikat na model daw yun sa states! CASE CLOSED!

MISTERYO #9

Sa classroom nawala ang pera ni Richia na pang-tuition niya sana, at nag-iiyak ito. Dumating ang guard at mga guro ininspeksyon ang bag ng mga kaklase ni Richia, pero wala silang nakita. Bago nangyari ang lahat nilalagnat si Daniel at pinauwi ng maaga dahil sa karamdaman.

IQQ ANALYSIS: Si Daniel ang magnanakaw, malamang pinambili na niya ng gamot yun! Tsk tsk. Kawawa naman si Richia, kung hindi si Daniel malamang yung guard. CASE CLOSED!

MISTERYO #10

Si Mac ay isang matalinong bata ngunit malaki ang problema sa pamilya. Dahil dun naapektuhan ang kanyang pag-aaral. Hindi na siya ganung nakaka pag participate ng maayos at hindi na kataasan ang mga nakukuhang scores sa mga pag-susulit. Nagka-sakit pa siya ng appendicitis na lalong nag pagalit sa kanyang mga magulang. Sinisisi pa siya ng mga ito dahil sakitin ang bata.

IQQ ANALYSIS: Wala ng pag-asa ang batang iyan. Walang mararating sa buhay yan, titigil yan sa pag-aaral at mamamatay sa hirap. CASE CLOSED!

MISTERYO #11

Masarap kumain sa isang karinderya na masarap na mura pa! Lalo kung kambing ang pangunahing putahe nila. Si Recolito ay dinala ang kanyang mga kabarkada dito. Sarap na sarap silang kumain pero may kasama siyang IQQ na kaibigan. Iniisip nito kung ano ba meron sa karinderya na ito bakit sarap na sarap sila.

IQQ ANALYSIS: Kadiri naman tong si Recolito ang low class ng dating kung sana sa first class resto kami kumain eh di sana masaya pa. Ang dumi-dumi naman dito, hindi nila hinuhugasan ang kutsara’t tinidor. YUCK! Kadiri talaga, skwater siguro tong si Recolito kaya sanay sa mga ganitong lugar. Yung kambing hindi pa luto! Dapat sheep nalang yung pagkain. Walang hygiene to si Recolito. CASE CLOSED!

MISTERYO #12

Si Imbestigador Quack Quack #1 ay nakasalubong si Imbestigador Quack Quack #2. Nag-kasalubong at nag-katitigan sila sa daan at kahit na lumampas na sila sa isa’t isa lumingon sila at nakatitig parin sa isa’t isa habang nag-lalakad.

IQQ#1 ANALYSIS: Ang pangit naman nito, mukhang alimango, hindi na nahiya sa sarili. Ang pangit pa ng pantalon butas butas ang jeproks ng style. Tapos naka-tsinelas lang ng Havaianas, ako tsinelas ko Lacoste mas mahal! Walang pinag-aralan to at nakiki-uso lang sa mundo. Isa siyang buhay na munggo. (Insert bad words here)

IQQ#2 ANALYSIS: Feeling mayaman tong isang ito, sure ako fake lahat ng suot niyan pati tsinelas niya butiki naman ang tatak. Ang pangit pa ng buhok at mukang bangag, adik siguro sa droga to. Lamang lang siguro siya sa akin ng tatlong paligo pero balat niya parang maong! Grabe sobrang pangit niya, siya na siguro ang pinaka pangit kong nakita ngayong araw. PANGIT MO! (Insert bad words here)

Everybody’s talking trash these days, so why not keep quiet? – Dennis Rodman

Ngayon alam niyo na kung ano ang Imbestigador Quack Quack malamang may mga tao na kayong naiisip at mga karanasan na naaalala.

I am on Twitter: @olops001 please follow and share my blog kung na tripan niyo. SALAMAT!





IBA’T IBANG URI NG MGA GURO

22 08 2012

Technology is just a tool. In terms of getting the kids working together and motivating them, the teacher is the most important. – Bill Gates

Ang mga guro, sila lang naman ang mga buhay na bayani ng ating panahon. Iba-iba ang mga katangian, mga pamamaraan ng pagtuturo pati mga asal. Yung ibang estudyante may paborito yung iba wala. Sa mahigit sampung taon kong nag-aaral nakasalamuha na ako ng iba’t ibang uri ng mga guro.

Guro #1

Ako yung guro na sobrang ganda, kung nagtuturo ako sa klase lahat ng lalaki masaya. Ang puti ng mga legs ko, crush na crush ako ng karamihan ng estudyante. Marami sakanila ako ang paborito, malapit at malambing ako sa lahat. Kapag teacher’s day ako lang naman nilalaban nila sa pagandahan, panalo lagi sa best in costume. Ako din may pinakamaraming followers na estudyante sa twitter. Kaso yung iba nakakainis lang, mga walang respeto, masyadong bastos ang mga isipan. Ang gusto ko lang naman ay maayos akong tignan kapag nag klaklase.

Guro #2

Sa liit kong ito takot sa akin ang mga estudyante, ika nga nila “terror”. Lagi akong may hawak na mga susi na kinakalansing ko kapag dumadaan sa hallway. Marinig palang nila yun, alam na nila na padating ako. Ang mga lalaking problema ng eskwelahan napapatino ko. Kapag maingay ang klase at pumasok ako ay tatahimik. Lahat halos nanginginig kapag ako ay nagalit. Marami akong pinapagawa sakanila, may mga dapat pang sundin na format, minsan nga may estudyante ako na hindi nag lalagay ng petsa sa kanyang papel at siya ay aking pinagalitan. Kahit kailan hindi pa ako nanalo ng teacher of the year.

Guro #3

PUNYETA KA! Ako nga pala yung palamurang guro, minumura ko mga estudyante ko. Galit ako lagi sa mundo. Galit ako lalo na sa mga hindi nag rereview ng maayos. Kung pwede lang siguro akong murahin pabalik pinag mumura na nila ako. Pero sigurado naman kapag ako ay nakatalikod na puro mura ang inaabot ko. Madalas akong nakakausap ng admin ng eskwelahan. May mga matatapang na estudyante pa palang nag-susumbong akala ko lahat madadaan sa mura. Minsan ako yung nanakit ng estudyante, humihingi pa ng regalo kapalit grades. Ngayon na ang huli kong pagtuturo sa eskwelahan, sinibak na kasi ako sa trabaho ko at makukulong ako. PUNYETANG MGA ESTUDYANTE TO!

Guro #4

Ako yung guro na nagpapamulat sa mga estudyante ko na walang yayaman sa pag-teteacher. Kaya ito nag-aasawa nalang kami ng mayayaman. Mahirap lang ang buhay namin, tanging kayamanan ko lang ay ang kaalaman ko sa aking tinuturo at ang mga mahal kong estudyante. Basta masaya ako na nakikita ko na nagiging matagumpay sa buhay ang mga estudyanteng dumadaan sa kamay ko.

Guro #5

Ako na ata ang pinakamabait na guro, masaya kapag nag-klaklase at nagbibigay ng napakaraming bonus. Mataas ako mag-bigay ng grade basta kilala kita. Kapag nakikita kong napakarami na ng mga ginagawa ng aking estudyante sa ibang asignatura ay hindi ko na sila ibabaon pa sa mga gawain. Maaga ako kung mag dismiss ng klase. Teacher of the year award lagi ang nakukuha ko. Lahat ay binibigyan ko ng pangalawang pagkakataon minsan pa nga hanggang apat pa. Pero minsan inaabuso ng iba ang kabaitan ko. Hindi na sila nag-aaral ng maayos, at di na nag-papasa ng mga gawain na dapat ipasa. Minsan huli pa sa naitakdang deadline. Lagi nilang sinasabi, “wag na tayong mag review si Sir lang yun mabait yun”, “wag na tayong mag pasa si Sir lang yun”, “onting uto lang kay Sir papayag na yun”. Kaya minsan nagiging mahigpit din ako.

Guro #6

Ako yung guro na may dala-dalang anak sa eskwelahan, kaya ang mga estudyante ko kilala din pati anak ko. Kapag may klase nakaupo din ang anak ko kasama ang mga estudyante. Pero minsan nakikipag laro ang aking anak sa kanila. Natamaan ng bola ng baseball ang mukha ng anak ko. Kahit inaawat na ako ng mga kapwa ko guro, sinugod ko ang estudyanteng nakatama sa anak ko. Gustong-gusto ko siyang suntukin, pinagsisigawan ko siya at dinuro-duro. Ako yung tipong machong-macho, pinakamalaking katawan sa lahat ng mga guro. Wala namang magawa ang estudyanteng yun kung hindi ang mag-sorry at umiyak, pero ang laki parin ng galit ko. Sa pag-kakataon na iyon, magulang ako hindi ako guro.

Guro #7

Ako yung guro na kahit Araling Panlipunan ang tinuturo ko ay hinahaluan ko ng mga green jokes. Nagiging sex education na ito minsan. Ganun talaga, yun ang technique ko para hindi sila antukin sa klase. Sobrang komedyante ko, di lang sa mukha pati sa pananalita. Kahit kailan wala pa akong nakitang estudyante na natulog sa klase ko.

Guro #8

Reporting, wala ng ibang ginawa ang mga estudyante ko kung hindi mag reporting. Buong taon reporting ang ginagawa. Ako naman kapag medyo malabo lang ang pagpapaliwanag ng mga reporter dun lang ako nag-tuturo. Madalas kapag quizzes reporters lang ang mataas ang scores.

Guro #9

Sure ako masaya lagi mga estudyante ko, laging walang pasok. Pala absent yata ako, kung hindi absent late naman. Ang mga nagagalit lang ay yung mga nag-aaral ng maayos. Merong mga estudyante na kahit tatlong oras na akong late ay inaantay parin nila ako, mga masisipag! Minsan ganito technique ko, late na nga ako papasok sa klase papagawin ko pa sila ng activity tapos aalis ulit. Iiwanan ko sila! Saan ako pumupunta? Ayun minsan nakikipag kwentuhan sa mga janitor, minsan nag-babasketbol kasama ang mga irregular na estudyante. Minsan pa nga iniwan ko ang mga estudyante ko sa laboratory class nila tapos pag-balik ko nasunog na nila yung kwarto. Minsan may mga naaksidente na dahil naglilikot pala sila kapag wala ako. Teka late na pala ako sa next class ko.

Guro #10

Ako ang pinakamatalinong guro sa lahat, marami na akong nakamit sa buhay, matanda na pero kaya paring makipagsabayan sa mga batang guro. Sa sobrang talino ko kaya kong talunin si Kuya Kim sa paramihan ng trivia. Master na master ko ang tinuturo ko, kaya kong magturo ng walang power point, marker lang ang dala ko pwede na. Kabisado ko kasi ang libro. Sa sobrang dami ng tinuturo ko hirap mag review ang mga estudyante ko, ang dami kasi nilang notes at lahat pwedeng lumabas sa mga pagsusulit.

Guro #11

Ginawa ko ng museo at aklatan ang advisory classroom ko, punong puno din ito ng mga collection ko tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Naka dikit sa mga pader ang mga sinaunang barya dahil coin collector ako. Puro halaman din ang classroom na hinahawakan ko, isa na itong maliit na kagubatan. Best in classroom ang laging napapanalunan ng advisory class ko.

Guro #12

Batang-bata, minsan napagkakamalan akong student teacher. Kadalasan mas matanda pa sa akin ang mga estudante ko. Kinakaya-kaya lang nila ako minsan dahil mas matanda sila. Pero hindi yun dahilan para hindi nila ako respetuhin. Malapit ako sakanila, tulad ng ibang guro kaibigan ako ng mga estudyante ko lalo na kung walang pasok. Isa ako sa pinakamabait na guro dahil ramdam ko ang mga estudyante ko. Fresh grad kaya ako!

Guro#13

Ako yung guro na may estudyanteng anak ko. Pero hindi yun dahilan para hindi na siya mag-aral. Nagtataka ang karamihan ng estudyante ko dahil lagi siyang mataas sa mga quizzes namin, sikreto ko nalang yun kung may ginagawa akong magic bakit ang taas ng mga grades niya. Top 1 ata anak ko! Di niyo ba naisip na maaaring inspired lang siya kaya pinagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral. Kasi kung bumagsak siya lagot siya sa akin. Bantay sarado siya. Kaya may mga pagkakataon na ayaw kong I-handle anak ko dahil maraming iniisip ang mga tao.

Guro #14

Ako ang tindera ng eskwelahan, talo ko pa ang canteen kung mag benta ng mga pagkain at sari-saring kagamitan. Kapag bumili ka may plus grade ka! Pero hindi ko naman pinipilit ang mga estudyante kong bumili, business minded lang ako talaga. Minsan pa nga sinasali ko pa sila sa networking ko eh. Habang nag tuturo ako kumakain ang lahat. Motto ko walang dapat nagugutom sa klase. Pero minsan nayayari din ako, yung estudyante ko nakakain ng buhok sa pastillas na ginawa ko, ayun libre tuloy siya ng limang pastillas.

Maraming salamat sa lahat ng mga naging guro ko simula kinder, hindi lang lessons tungkol sa English, Math at Science ang itinuturo niyo kung hindi mga kagandahang asal na maari naming magamit sa buhay. – Eler Villegas

—————————————————————————————————–
MABUHAY ANG MGA GURO!

I am on Twitter: @olops001





BLOGGING LEVEL: LASENGGO

20 08 2012

You know why alcohol is better than milk? Pangit kasi pakinggan yung, “Tara tol, dede tayo!”


Lasing #1

Kakatapos lang ng inuman namin kanina, sobrang lakas ng tama ko. Mga kabarkada ko nag-yaya mag DOTA, gabing gabi na. Habang papunta kami sa komputeran kumakanta-kanta kami ng PUSONG BATO. Wala na kami sa sarili. Sa kainitan ng aming laro, nag kainitan din ng ulo. Ang lakas kasi mag trash talk ng kasama ko. Nag-kagulo sa shop at sinaksak ang kasama ko. Ngayon nandito kami sa police station. Nag papa medico legal, natanong niyo siguro paano ako nakaka pag blog, WIFI tong police station ang galing, dala ko nga IPAD ko ngayon eh. 🙂

Lasing #2

Itong blog kong ito ang magsisilbing huling paalam ko. Ito na din ang masisilbing Will and Testament ko sa mga anak ko. Maari kasi akong mamatay sa gagawin kong kalokohan, mga kabarkada ko kasi chinallege ako. Tatalon ako mula dito sa third floor ng condo ng kaibigan ko. Babagsakan ko swimming pool. GAME NA GAME AKO, ako pinakamatapang eh! Yun ngalang walang tubig yung pool.

Lasing #3

For those people who told me that I’m a nerd. Screw all of them! I hate them. Fucking circus animals! They don’t even know what’s Newton’s third law of motion is. But do you know that Root Beer’s main ingredient is Arctium lappa? If you don’t know it google it. I am the weakest in our class, they don’t like me on social events. They don’t care about me whenever I had a diarrhea. They laugh at me, calling me names like stinky nerd and Mr. poo poo in the pants with glasses. They will be kind to me if we have quizzes and activities, getting all my answers for free and still fat boys get my lunch! So now, I will be hacking  all of their facebook accounts! Oh wait I don’t know how to hack. hihi

Lasing #4

Ako na yata ang pinaka-kadiring tao sa mundo ngayon, sobrang kalasingan ko pinipilit ko parin mag blog. Umiikot na paningin ko, kahit naka-pikit ako umiikot parin ang mundo. Ito ako di ko na makayanan ang nararamdaman, dito na rin ako sumuka sa keyboard ko. Puro suka na nakikita ko, pati kamay ko puro suka na, naligo na ako sa sarili kong suka. Di na din kasi ako makatayo dahil natutumba-tumba ako. Teka susuka ako ulit……. ayan medyo nahihimasmasan ako kapag sumusuka pero mahihilo ulit. Grabe apat na bote lang naman ng pulang kabayo nainom ko ah. Masyado na kasi akong lumagpas sa hangganan ko. Ayoko na!!!!!!!!!!!!!! Ayan nanaman!!!!!!!!! SUSUKA NANAMAN AKO! SHIT!

Lasing #5

WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! 100 nakuha kong score sa videoke!!! HAHAHAHAHA! I am the best singer! I am a star! Sasali na ako sa American Idol! Ang saya saya lang talaga! Gumagaling akong kumanta kapag nakainom na. Meron pa akong 18 na kantang nakapila, ako na susunod dito sa kumakanta ngayon at tuloy-tuloy na. Medyo sawa na ata mga tao sa akin pero GAME PARIN AKO!!!!! Teka lang, My Way kinakanta nitong matandang to at ang pangit ng boses. Kinakasa ko na tong baril ko, barilin ko lang saglit.

Lasing #6

I am so high. Hindi lang ako lasing, tumira pa ako ng bato at damo. Chill chill lang, pero medyo nag-tatago kami TUS kasi baka mahuli kami ng Pulis.  Ito para akong lumulutang, ang sarap ng feeling, may mga nakikita akong palaka na lumilipad huhuliin ko sila. Grabe ang ganda ng sarili kong mundo. Tugtugan namin dito puro Bob Marley. Mamaya darating yung mga girls. May dala-dala barkada ko. Excited ako! Alam niyo na mangyayari mamaya.

Lasing #7

Pag natapos ko itong isulat ihahanda ko na ang armas ko. Mag-kakaroon kami ng gang war. Pag babatuhin ko sila ng bote ng alak. Handang-handa na kami makipag-away ng barkada. Grabe sobrang tapang ko ngayon. Handa na akong lagyan ng gripo ang tiyan ng mga kaaway. Sana manalo fraternity namin. Oo nga pala mag susuot ako ng rubber shoes, sure ako kung hindi pulis mga barangay tanod ang huhuli sa amin. Ready na ako sa mabilisang takbuhan. Alam ko na rin kung saan ako mag papa sikot-sikot sa mga maliliit na daanan. Sa game ko makipag-away ngayon, pinag-praktisan ko ang nanay ko. Inaway ko siya, nagagalit kasi bakit lasing nanaman daw ako. Kawawang ina, pero para sakanya ipapanalo ko ang gang war namin. Ito na sinusuot ko na itong panyo sa mukha ko, tinatakpan ko bibig ko. Naka Jersey T-shirt na rin ako ng Talk and Text Tropang texters. Handa na ako!

Lasing #8

Ako ngayon ay umiiyak, nag susumamo, sinasabi sa sarili bakit ko nagawa ito. Ang sakit sakit! Nag break kami ng girlfriend ko noong isang buwan. Ang saya-saya ko noong unang dalawang linggo hanggang pangatlong linggo nag mumukmok na ako tapos ngayon gusto ko na mag pakamatay. Inuna ko pa kasi ang Tetris at Diablo, ang saya kasing mag-laro ng Playstation at Xbox. Naaalala ko pa noon nilapitan niya ako habang nag cocomputer, sabi niya ” Baby namatay ang apat kong kaibigan dahil sa sunog” ang sagot ko sakanya “ULTRA KILL! by Jakiro Twin Headed Dragon”. Nag break kami dahil wala na akong oras sakanya. Tapos siya ngayon nakikita ko ang ganda-ganda, masaya sa buhay habang ako ito nag Bloblog at gusto nang magpakamatay. YUN NAG RANK UP AKO SA TETRIS DEMIGOD NA AKO!

Lasing #9

Yung kaibigan ko ang sagwa lang kinuha yung mahal ko, best friend ko pa man din siya! BAKIT? Bakit Best friend ko pa kumalantari sa mahal ko! BAKIT?! Shot pa daw sabi ng kaibigan ko, sho-shot pa talaga ako. Grabe ka kung nasaan ka man ngayon hindi kita best friend! Walang hiya ka! Pero naaalala ko noong una kitang makilala ang saya saya natin, tapos nadevelop at naging mag best friend tayo, nakaka miss lang. TEKA inlove na ata ako sayo bro! BROMANCE NA TO! Inagaw ng bestfriend ko mahal ko at the same time mahal ko best friend ko dahil BAKLA NA ATA AKO! ANG SAKIT LANG!

Lasing #10

Dii Ko NA Mak Ita itong Ketbord ko, Sbranggggggg hilo naaa AkAko di na ako makapag bloooog ng mAayo$. Sana gets niyoo PA ssinasabbbbbi ko. Sho t paa tayow pleeeez. DI Ako LASENGO noh Malakas lang akakak ako umiminum! TOOOOOOOOOOOOOT kayo!

PS: Lahat tayo may kabaliwang nalalaman tungkol sa mga iba’t ibang karanasan sa kalasingan. Pero sana kapag naka-inom na ay kaya itong dalhin at hindi sana matulad sa mga nabanggit.

I am on Twitter: @olops001





MEDICAL HUMOR

18 08 2012

A man walks into a doctor’s office. He has a cucumber up his nose, a carrot in his left ear, and a banana in his right ear.

“What’s the matter with me?” He asks the doctor.

The doctor replies, “You’re not eating properly.”

-Anonymous

MEDICAL/HEALTH CARE STUDENTS

  • Kapag medical student ka hindi na uso ‘yung kapag nalalag pagkain mo sasabihin mong “Pwede pa ‘to wala pang five seconds.”
  • Kapag may nahimatay sa daan o may nagseizure, tapos nakauniform ka, lahat ng tao titingin sa ‘yo, nakakahiya kung hindi mo alam first aid non.
  • Kapag may nag tanong sayo ng “doktor ka ba?” ang sarap sumagot ng “Aba opo doktor ako gusto niyo po resetahan ko kayo?”
  • Dahil puti uniform mo kawawa ka kapag umuulan tapos naputikan ka.
  • Chinecheck mo lagi mga inuupuan mo baka madumi.
  • Di ka mayasdong naniniwala sa mga commercial dahil alam mo kung ano ‘yung mga medical terms na pinagsasabi nila.
  • Ayaw mo nang painumin ang lola mo ng gatas para sa osteoporosis baka kasi ang problema ng buto niya ay ang pag-aabosorb ng calcium.
  • Kilala mo ang mga active ingredient ng gamot na iniinom mo.
  • Inayawan mo ang amoy ng ammonia sa Chemistry class n’yo,
  • Uvula pala ang tawag sa mala-punching bag sa bunganga mo, akala mo kasi noon tonsils.
  • Pero kahit alam mo na ang effects ng paninigarilyo at pag-inom ‘di ka parin tumitigil.
  • Siguro isa ka sa mga nagsusulong na gawing legal ang marijuana sa Pilipinas.
  • Kapag natapos mo na ang unang 4 o 5 year course mo, dadampi sa utak mo na pwedeng kumuha ka pa ng kursong Medicine, pero tatamarin ka.
  • ‘Di ka bilib sa mga albularyo.
  • May kalansay kayo sa Anatomy class ninyo tapos pinaglalaruan ninyo kung naka trip kayo. Gaya nito:

“Never go to a doctor whose office plants have died.” – Erma Bombeck

People’s wrong notions about medical courses

Ilan lang ito sa mga kurso na malamang may mga unggoy na magsasabi kung ano magiging trabaho mo:

  1. Nursing- Katulong trabaho niyan, malamang magiging call center agent yan pagka-graduate dahil sobrang dami na nila.
  2. Physical Therapy- Masahista yan pagka-graduate, tol masahe mo ako kapag nakatapos ka na ah.
  3. Pharmacy- Tindera ng gamot sa botika pati napkin, chocolate at chichirya.
  4. Medical Technology- Wow pare taga-examine ka ng tae ng tao, tapos pwede tayo mag Shabu Lab, pwede ka maging Drug Lord!
  5. Respiratory Therapy- Kapag hindi ka maka-hinga taga nebulizer ‘yang mga ‘yan, masahista din ng lungs ‘yan.
  6. Midwifery- Mga kumadrona, kapag nabuntis mo girlfriend mo lapit ka sa kanila kaya nila mag-abort.
  7. Radiation Technology- Sure yan makakalbo at mababaog sila dahil sa radiation.
  8. Psychology- Mga manghuhula ‘yang mga makakapagtapos diyan, lumapit ka lang sa kanila sasabihin nila kapalaran mo.

Ang sarap kotongan ng mga ignoranteng nagsasabi ng ganyan, importante talaga ang edukasyon.

Excuse notes from parents:

  • Ang aking anak ay pinagbawalan ng doktor na huwag magpagod hindi siya pwedeng mag-PE ngayon. Pagbawalan po ninyo sana siyang maglaro ng basketball at tumakbo-takbo.
  • Paki excuse po si Lita sa klase. Nilalagnat siya, 36 degrees celcius ang temperatura niya.
  • Sa mga kinauukulan: Pakiekscuse po si John sa pagiging absent niya noong February 28,29,30,31,32,33 at 34.
  • Pakiexcuse po ang aking anak sa pagiging absent niya kahapon. Nagtae siya at tumagos sa kanyang pantalon.
  • Ang sakit ng puson ng anak ko, nagsisisigaw siya sa kanyang kwarto. Pakiexcuse nalang siya sa klase.
  • Ipagpaumanhin po ninyo kung si Totoy ay di nakapasok kahapon, umaambon po kasi, mahina ang kanyang resistensya.
  • Ang aking anak ay naDengue dahil kinagat niya ang lamok na may dala nito. Pakiexcuse po sana siya.
  • Hindi nakapasok si Junior sa kadahilanang umiinom pala siya ng estrogens akala niya amino acid, sobrang naging emotional ang loko. May tumor sya sa dibdib este nakaroon siya ng boobs.
  • Nagbaha po sa highway kahapon, walang bangka baka mag ka leptospirosis ang anak ko kaya hindi ko siya pinapasok.
  • Ma’am at Sir ang anak ko po ay may speech disorder sana po wag n’yo siyang isali sa mga activities sa pagbabasa.
  • Hindi nakapagquiz ang aking anak kahapon dahil meron siyang UTI. Bawal na daw kasi mag CR kapag nagsimula na ang pagsusulit. Payagan po ninyo sana siyang mag quiz mag-isa. Magdadala siya ng arinola.
  • Sa sobrang payat ng anak ko dahil sa anorexia nervosa nakaiwas siya sa patak ng ulan, pero may malakas na hangin nilipad siya at hindi nakapasok ng klase. Pakiexcuse nalang.
  • Ang aking anak ay di nakapasok sa eskwelahan dahil sa sipon na kulay green. Hindi po ito normal sa amin, kadalasan kasi kulay yellow. Payagan po ninyo sana siyang kumuha ng nakaligtaan niyang pagsusulit.
  • Ipagpaumanhin po ninyo ang hindi pagpasok ng aking anak sa unang dalawang linggo ng pasukan, pangit daw po kasi siya kaya naisipan niyang mag paplastic surgery.
  • Ipagpaumanhin po ninyo, hindi makakapasok sa summer class ang anak ko, mag papatuli kasi siya, magiging ganap na siyang binata.
  • Hindi po nakapasok ang aking anak nang tatlong linggo sa kadahilanang tinanggal ang kanyang apendiks. Matinding kalungkutan ang kanyang nadama dahil hindi na kumpleto ang parte ng kanyang katawan. Sa ngayon naghahanap kami ng apendiks upang maisagawa ng kanyang surgeon ang apendiks transplant.
  • Hindi na makakapasok ang aking anak dahil grounded siya! Gagong to binenta isa niyang kidney, pambili daw ng PSP.
  • Dalawang linggo nang hindi nakapasok ang aking anak, nafractured buto niya sa kanyang dalawang kamay, hindi pa siya makapagsulat.
  • Ang aking anak ay absent….. never mind ako pala teacher niya.

The art of medicine consists of amusing the patient while Nature cures the disease. – Voltaire








%d bloggers like this: