EUTHENICS MY FAVORITE SUBJECT

15 08 2012

Euthenics – Ito ay 1 unit subject sa school na pinapasukan ko, madali lang naman ito GMRC lang siya kung tutuusin at pag-aaralan lang naman ang maikling history ng aming eswelahan at kakabisaduhin ang mission at vision nito. Ganun lang kayang-kaya mo na makakuha ng 1.0 na marka kung nag-kataon.

Ako nga pala si Gian at pangatlong beses ko nang inuulit ang subject na ito.

1st try

First year pa ako noon, ganado sa pag pasok at ganado pa sa pag-aaral lalo na sa Euthenics. Ngunit sa kalagitnaan ng school year tinamad na ako. 11:00 kasi pasok ko dun, mabilis ako magutom kaya nag-lulunch ako ng maaga. Minsan naman sobrang late na ako, 11:45 na pag katapos ko kumain, kaya di na talaga ako papasok. Kung pag-uusapan lang naman ang pagiging late, wala talaga akong excuse doon kasi nag boboarding house lang ako sa tawid ng aming school. Minsan pa nga kapag absent ako sa klase nakikita ako ng mga kaklase ko kapag dumungaw sila ng bintana na kumakain lang ako sa canteen ng boarding house namin. Naka pambahay pa raw ako.

Dahil dun na-miss ko ang 3 quizzes at hindi nakapag pasa ng project. Kung iniisip mo na tatlong quiz lang naman ang namiss ko, marami na yun dahil once a week lang naman ang meeting.

FDA (Failure Due to Abesences) nakuha ko, dinala ko pa nanay ko para ireklamo pero wala na kaming nagawa, kumpleto pala sa records ang prof ko at napatunayan na hindi ako pumapasok. Sawi ako sa unang subok kong makapasa sa napakadaling subject na ito.

2nd try

Second year na mga kaklase ko, ako second year din naman irregular ngalang dahil sa Euthenics na ito. Maganda ang schedule ko, hanep kapag irregular ang luwag ng sched. Pero laking dismaya ko na naipit ang araw ng pagpasok ko sa Euthenics. Friday ba naman, eh Thursday wala akong pasok, eh di sana mas maaga akong makakauwi sa Pampanga. Ito pa ang matindi ito lang ang pasok ko kapag Friday. Kaya ayun di ko nanaman siya pinapasukan, Thursday palang uuwi na ako sa bahay namin para mahaba ang bakasyon ko. Ang init kasi sa B-House eh. Iba na ang prof ko ngayon, mas okay kaysa dati. Wala masyado pinapagawa, kaya relax relax lang ako sure na papasa na ako.

May bad news akong natanggap, binago ang mission at vision ng school namin, panibagong kabisaduhan nanaman, nakabisado ko na nga ang lumang bersyon tapos binago nanaman. Tinamad nanaman ako ng husto at di ko na yun pinansin. Kahit madalas absent, pumapasok din naman ako paminsan-minsan. Pero wala naman yung prof laging absent, kapag pumapasok ako.

Sana di nalang ako nagloko nung first year ako…..

Noong kuhaan na ng grade excited ako na makita ang grades ko lalo na dito sa Euthenics pero laking gulat ko ng makita kong FDA nanaman! Noong mga panahon na yun gusto ko ng pasabugin ang B-House na tinutuluyan ko. Sobrang bad influence kasi ng ambiance dun. Basta kayo na mag-isip kung anong mga ginagawa namin doon. Dinala ko nanaman nanay ko para magreklamo bakit FDA nanaman binigay sa akin, ayun wala nanaman kaming nagawa dahil kumpleto nanaman sa records ang prof ko na hindi ako pumapasok. Nayari nanaman ako sa nanay ko.

3rd try

Third year na kami, puro major na ang pinag-aaralan, wala na akong panahon para isingit pa ang napakadaling Euthenics na dalawang beses ko nang na-take. Pangit pa ng sched ko, kapag Wednesday mga kaklase kong regular 11 ang pasok, pero ako 8:00 dahil sa Euthenics. Sobrang aga! Antok pa ako ng mga ganung oras kasi may inuman sa B-house kapag Tuesday. Kapag Euthenics class ko ngayon minsan apat lang pumapasok, pano naman kasi yung klase ko ngayon kasama ko ang ibang irreg na ilang beses na rin kinukuha ang Euthenics.

Sa totoo lang ipapasa ko na ito, promise yan, baka di ako maka graduate nyan dahil sa napakadaling subject na ito…..

Pero gusto ko lang malaman niyo na hindi ko parin kabisado ang mission at vision ng school at nagkaroon na ng Alma Mater Hymn ang school namin, di pa naman ako marunong kumanta! Habang tumatagal mas dumadami na ang dapat gawin sa Euthenics. Dumadami nga ba? O dahil pumapasok na ako ngayon at nalalaman ko na lahat ng dapat gawin?

Isa nalang finals nalang inaantay ko, perfect ko ang prelims at midterm exam namin, salamat sa matalinong first year na kapatid ko. Kaklase ko siya!

Advertisements

Mga Tugon

Information

2 responses

8 06 2013
Cordia ak

Dahil first year college na ko sa pasukan, sinearch ko kung ano yung Euthenics at isa to sa mga lumabas. Nice one. Madali lang pala yun! Haha.

17 06 2013
radix atsocad

ahahaha ganun pala yun…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: