FANTASY VALEDICTORY SPEECH OF REBEL STUDENTS

16 08 2012

Bago ang lahat, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na itong talumpati ko ay tinatawag ko na DARK SPEECH. Hindi dahil may layunin itong masama, gusto ko lang imulat ang mga mata ninyong lahat sa mga nangyayari at nangyari na sa ating eskwelahan. Maaring makasakit ito ng damdamin ng iba. Pero huwag kayong mag-alala kung hindi kayo papayag na ituloy ang Dark Speech ko magpapaka mainstream nalang ako at magsasalita ng mga pasasalamat at inspiring na mensahe para sa inyong lahat.

Ngayon tatanungin ko kayo, gusto niyo bang ituloy ko o hindi? Gusto ko din tanungin ang mga panauhin natin ngayon at ang punong-guro, okay lang po ba sainyo kung itutuloy ko?

Sinabi niyo yan ah, pumayag kayong lahat. Walang sisihan, sana ay patapusin niyo ako. Sana wala ng mas kikitid pa ang utak sa akin. Sisimulan ko na.

Sa aming mga kurakot na panauhin, na hindi ko naman alam bakit kailangan pulitiko pa, sa aming principal na kalbo, mga magigiting na guro (yung iba lang), at mga kapwa ko estudyante, magandang hapon. Sa pulitiko na nag speech kanina na napaka-haba at napaka boring ng mga sinabi, hapon lang para sa iyo.

Apat na taon, (whew di pa kami inabutan ng K-12 education sayang) maraming nag-tatanong bakit ang isang rebeldeng estudyanteng katulad ko ang naging valedictorian. Inggit naman kayo? Partida hindi pa ako nag rereview ng husto niyan.

Gusto ko lang sabihin sa inyo na nag-tayo ako ng underground organization sa eskwelahan na ito, nakakadismaya, sa sampung gurong naimbitahan ko na sumali apat lang ang pumayag. Marahil gulat ang iba, huwag kayong mag-alala walang namatay sa amin dahil sa hazing. Naospital lang ng dalawang linggo, pinalabas nalang namin na nasagasaan siya ng tricycle.

Dahil sa underground organization na ito, natuturuan namin ang mga mentally challenge naming mga kaklase, kaya sa mga puro aral lang jan na wala ng naging social life tapos nag-tatampo bakit mas mataas pa sakanila minsan ang mga kaklase niya na wala naman daw ginagawa ito na ang sagot sa lahat ng inyong katanungan. Hindi laging kayo ang magaling, tamad lang talaga sila.

Sa estudyanteng nasira ang buhay dahil sa kanyang scandal, kasalanan mo na yun! Hindi naman sex scandal pero vinideohan ba naman niya ang sarili niya na nag-papalobo ng sipon, ayun tuloy lahat ng cellphone na may bluetooth sa paaralan na ito may kopya nun.

Kay Mang Erning na tagapangalaga ng aming eskwelahan maraming salamat sa iyo. Tunay kang mabuting tao, pero ang ayaw lang namin ay ang pag-aalaga mo ng mga hayop sa aming eskwelahan, Manong pumapasok kami na puro tae ng kambing ang nasa hallway namin, ang galing pa ng kambing mo pati 2nd at 3rd floor may tae.

Naawa din naman kami sa iyo eh nung dumating ang panahon na nawala ang kambing mo. Naaalala mo pa ba nung birthday ni Tonyo? Handa po niya kambing, at kambing mo yun! Nadulas kasi siya noon tapos dumikit sa uniporme niya ang mga tae ng kambing kaya kasama ako at apat na estudyanteng kapag walang pasok ay nag tratrabaho bilang matadero sa palengke, ninakaw namin ang kambing mo. ANG SARAP!

Mula noon wala ng mga hayop sa eskwelahan, pati yung aso’t pusa na alaga ni Mang Erning dinale narin namin, yung pusa malamang yun na yung benta sa canteen na siopao, at yung aso binenta namin at yung perang kinita binigay namin sa nasunugan naming kamag-aral.

Sa kalbo naming principal, laki ng galit namin sa iyo, nag pa cheerdancing competition ka pa bawal naman ang lifting! Pati  modern dance competition na bawal ang tumbling?! Oo nga’t concern ka lang baka maaksidente kami pero sana naman bago kami nag praktis ng routines namin sinabi mo na agad, at sana hindi ito sapilitan, lalo na ako na di marunong sumayaw. Bugbog ako sa praktis, pumayag lang akong sumayaw dahil may plus grade daw sa English, Math at Science. Anong connect ng mga subject na ito sa pagsasayaw?

Ito pa ang matindi, binagyo tayo at lumubog ang ating eskwelahan. Dahil dun nag pasya ka na wala ng foundation day, intrams, field trip at camping. Wow sobrang KJ niyo po.

Sa mga estudyanteng nabubugbog ko kapag flag ceremony, gusto ko lang sabihin na sana matuto kayong gumalang sa watawat ng Pilipinas. Malaman niyo sana ang tamang liriko ng pambansang awit. Ayaw na ayaw ko ring naririnig ang Panatang Makabayan ninyo. Sabi ba naman “Panatang Makabayan iniibig ko ang kalabaw….” anong gusto niyong ipahiwatig? tsk.

Sa mga officials ng Parents and Teachers Association (PTA) natin, ibalik niyo na ang pondo ng eskwelahan. Kung hindi tayo nasalanta hindi namin malalaman na nilimas niyo na pala ang mga pera na dapat ay nakalaan sa aming mga estudyante. Dinaig niyo pa tong mga pulitikong panauhin natin ngayon.

Sa mga Dota boys na kahit may klase nag kwe-kwentuhan tungkol sa larong yan, gusto uwian agad dahil mag-dodota at makiki pag pustahan. Magtino-tino kayo, nakita ko itong grupong to na kahit binabagyo na ang lahat DOTA parin ang nasa  isip. Sinuspend ang klase dahil signal number 3 na pinauwi ng maaga ang mga estudyante DOTA parin? Tapos may sinaksak pa dahil sa kaka-trashtalk. Good luck nalang sainyo!

Sa mga ubod ng dayang estudyante, pag-patuloy niyo lang yan, yung tipong harap-harapan sa teacher kung mandaya. Gusto laging check your own paper dahil doctor sila, chinecheck-up ang sagot at kung may mali reresetahan ng tamang sagot. KARMAHIN sana kayo, kung may mangyari man sa inyong masama isipin niyo nalang nangyari yun dahil nandaya kayo sa exam, quiz, recitation, seatwork at homework.

Sa mga teacher na walang aksyon alam na nga na may dayaang nangyayari wala parin silang nakikita. Bilib sa mga mandaraya, “Wow pogi nataasan mo yung magiging valedictorian niyo sa exam ang galing mo naman…” habang naririnig ko na sinasalita ng guro namin yan sa mandaraya kong kaklase ay sumasakit ang ulo ko. Hindi lang dahil pinuri siya sa kadayaan niya, tinawag pa siyang pogi.

Para sa akin tama lang ang pangongopya, BASTA NAG-PAALAM KA! Sharing ang tawag dun. Kung ayos lang na kopyahin ng kaklase mo sagot mo, GO! Ang di ko lang matanggap ay ang pangongodigo at pagiging doktor. Alam niyo na ibig ko sabihin. Please lang kung ayaw kayo pakopyahin wag niyo na pilitin. Sus, sabi nga sa kanta ng Asin, “magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba”.

At sa lahat ng haters ko, sa mga taong nag-sabi na wala akong mararating sa buhay, sa mga skwater na ilang beses akong inabangan sa kanto para bugbugin, at sa mga nag-aalipusta sa mga estudyanteng mahihina, PAKYU KAYO! MGA ULUL!

Bago ako mag-tapos gusto ko lang humingi ng paumanhin sa lahat ng mga nasaktan ko sa talumpati na ito. Ganun ang buhay, hindi kayo matututo kung hindi niyo nalalaman ang pagkakamali niyo at kung hindi kayo nasasaktan. Ako mismo na bilang isa sa mga estudyanteng problema ng eskwelahan ay napakaraming pag kakamali sa buhay. Pero ito ako nasa harap niyong lahat at nagsisilbing boses nyo. Katulad ko, alam kong gusto niyo din ng pagbabago.

Muli, sa aming mga kurakot na panauhin, na hindi ko naman alam bakit kailangan pulitiko pa, sa aming principal na kalbo, mga magigiting na guro (yung iba lang), at mga kapwa ko estudyante, magandang hapon. Sa pulitiko na nag speech kanina na napaka-haba at napaka boring ng mga sinabi, hapon lang para sa iyo.

MABUHAY TAYONG LAHAT!

Advertisements

Mga Tugon

Information

21 responses

17 08 2012
Louie

nice!!!!!! Astig mo dre!!!!

17 08 2012
olops001

Thank you

17 08 2012
rosette

hihi :”> super like eler :)) benta nnman sakin tong gawa mo haha. dame kong tawa mga 1M haha.

18 08 2012
olops001

Thank you Rosette!

18 08 2012
kimberly apple fernandez amande

ang galing … hahaha ! ang kulit .,,

19 08 2012
Iulia Kieth

You already!! mwaa :’D

20 08 2012
twopixeljourney

Galing mo Eler! Mukhang di mo na ko kailangan. Hahahaha!

22 08 2012
a solemn punch

Ayos to ah! Hahahaha. Ang dami kong tawa dito.

22 08 2012
olops001

salamat po sa pag visit 🙂 buti naman po at nagustuhan niyo.

22 08 2012
J. Kulisap

Nakakamiss maging estudyante sa apat na sulok ng paaralan.

Black Satire ba ire? Kahit ano pa, natatawa ako. Naalala ko tuloy yong 3 Idiots na Indian Movie. May binagong salita yong tatlong bida sa speech nong kalaban (competitor) nilang kaklase.

Mukhang maraming naglalaro sa utak mo olops. Ipagpatuloy mo ‘yan.

o/\o

22 08 2012
olops001

hehe salamat po, oo nga yung sa 3 idiots yung ibang salita pinalitan pala ng fart at bossoms haha.

23 08 2012
realdale

ang galing! astig!

23 08 2012
olops001

salamat po sa pagbisita

23 08 2012
japchae

ang galing..nakakaloka ^^

23 08 2012
olops001

Maraming salamat po, isa po pala kayong guro. Mabuhay po kayo. Saludo ako sa lahat ng guro sa buong mundo.

23 08 2012
japchae

Reblogged this on JAPCHAE writes and blogs … and commented:
I found it so funny ^^

27 08 2012
ambisyosangnanay

ang galing..dahil dyan certified fan mo na’ko!

27 08 2012
olops001

Naku salamat po!

30 08 2012
Lou

Super tawa ako dito, sana ganito ka-cool iyong speech ko noong hayskul. lol

23 09 2012
jemsantos

=))) Tawang tawa po ako. HAHA. Grabe, namiss ko tuloy maging highschool.

8 03 2013
Gem

Bentaaa! 😀 Napangiti ako ng speech na ‘to! Saludo ako sa ‘yo! Rakenrol! \m/ 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: