MEDICAL HUMOR

18 08 2012

A man walks into a doctor’s office. He has a cucumber up his nose, a carrot in his left ear, and a banana in his right ear.

“What’s the matter with me?” He asks the doctor.

The doctor replies, “You’re not eating properly.”

-Anonymous

MEDICAL/HEALTH CARE STUDENTS

  • Kapag medical student ka hindi na uso ‘yung kapag nalalag pagkain mo sasabihin mong “Pwede pa ‘to wala pang five seconds.”
  • Kapag may nahimatay sa daan o may nagseizure, tapos nakauniform ka, lahat ng tao titingin sa ‘yo, nakakahiya kung hindi mo alam first aid non.
  • Kapag may nag tanong sayo ng “doktor ka ba?” ang sarap sumagot ng “Aba opo doktor ako gusto niyo po resetahan ko kayo?”
  • Dahil puti uniform mo kawawa ka kapag umuulan tapos naputikan ka.
  • Chinecheck mo lagi mga inuupuan mo baka madumi.
  • Di ka mayasdong naniniwala sa mga commercial dahil alam mo kung ano ‘yung mga medical terms na pinagsasabi nila.
  • Ayaw mo nang painumin ang lola mo ng gatas para sa osteoporosis baka kasi ang problema ng buto niya ay ang pag-aabosorb ng calcium.
  • Kilala mo ang mga active ingredient ng gamot na iniinom mo.
  • Inayawan mo ang amoy ng ammonia sa Chemistry class n’yo,
  • Uvula pala ang tawag sa mala-punching bag sa bunganga mo, akala mo kasi noon tonsils.
  • Pero kahit alam mo na ang effects ng paninigarilyo at pag-inom ‘di ka parin tumitigil.
  • Siguro isa ka sa mga nagsusulong na gawing legal ang marijuana sa Pilipinas.
  • Kapag natapos mo na ang unang 4 o 5 year course mo, dadampi sa utak mo na pwedeng kumuha ka pa ng kursong Medicine, pero tatamarin ka.
  • ‘Di ka bilib sa mga albularyo.
  • May kalansay kayo sa Anatomy class ninyo tapos pinaglalaruan ninyo kung naka trip kayo. Gaya nito:

“Never go to a doctor whose office plants have died.” – Erma Bombeck

People’s wrong notions about medical courses

Ilan lang ito sa mga kurso na malamang may mga unggoy na magsasabi kung ano magiging trabaho mo:

  1. Nursing- Katulong trabaho niyan, malamang magiging call center agent yan pagka-graduate dahil sobrang dami na nila.
  2. Physical Therapy- Masahista yan pagka-graduate, tol masahe mo ako kapag nakatapos ka na ah.
  3. Pharmacy- Tindera ng gamot sa botika pati napkin, chocolate at chichirya.
  4. Medical Technology- Wow pare taga-examine ka ng tae ng tao, tapos pwede tayo mag Shabu Lab, pwede ka maging Drug Lord!
  5. Respiratory Therapy- Kapag hindi ka maka-hinga taga nebulizer ‘yang mga ‘yan, masahista din ng lungs ‘yan.
  6. Midwifery- Mga kumadrona, kapag nabuntis mo girlfriend mo lapit ka sa kanila kaya nila mag-abort.
  7. Radiation Technology- Sure yan makakalbo at mababaog sila dahil sa radiation.
  8. Psychology- Mga manghuhula ‘yang mga makakapagtapos diyan, lumapit ka lang sa kanila sasabihin nila kapalaran mo.

Ang sarap kotongan ng mga ignoranteng nagsasabi ng ganyan, importante talaga ang edukasyon.

Excuse notes from parents:

  • Ang aking anak ay pinagbawalan ng doktor na huwag magpagod hindi siya pwedeng mag-PE ngayon. Pagbawalan po ninyo sana siyang maglaro ng basketball at tumakbo-takbo.
  • Paki excuse po si Lita sa klase. Nilalagnat siya, 36 degrees celcius ang temperatura niya.
  • Sa mga kinauukulan: Pakiekscuse po si John sa pagiging absent niya noong February 28,29,30,31,32,33 at 34.
  • Pakiexcuse po ang aking anak sa pagiging absent niya kahapon. Nagtae siya at tumagos sa kanyang pantalon.
  • Ang sakit ng puson ng anak ko, nagsisisigaw siya sa kanyang kwarto. Pakiexcuse nalang siya sa klase.
  • Ipagpaumanhin po ninyo kung si Totoy ay di nakapasok kahapon, umaambon po kasi, mahina ang kanyang resistensya.
  • Ang aking anak ay naDengue dahil kinagat niya ang lamok na may dala nito. Pakiexcuse po sana siya.
  • Hindi nakapasok si Junior sa kadahilanang umiinom pala siya ng estrogens akala niya amino acid, sobrang naging emotional ang loko. May tumor sya sa dibdib este nakaroon siya ng boobs.
  • Nagbaha po sa highway kahapon, walang bangka baka mag ka leptospirosis ang anak ko kaya hindi ko siya pinapasok.
  • Ma’am at Sir ang anak ko po ay may speech disorder sana po wag n’yo siyang isali sa mga activities sa pagbabasa.
  • Hindi nakapagquiz ang aking anak kahapon dahil meron siyang UTI. Bawal na daw kasi mag CR kapag nagsimula na ang pagsusulit. Payagan po ninyo sana siyang mag quiz mag-isa. Magdadala siya ng arinola.
  • Sa sobrang payat ng anak ko dahil sa anorexia nervosa nakaiwas siya sa patak ng ulan, pero may malakas na hangin nilipad siya at hindi nakapasok ng klase. Pakiexcuse nalang.
  • Ang aking anak ay di nakapasok sa eskwelahan dahil sa sipon na kulay green. Hindi po ito normal sa amin, kadalasan kasi kulay yellow. Payagan po ninyo sana siyang kumuha ng nakaligtaan niyang pagsusulit.
  • Ipagpaumanhin po ninyo ang hindi pagpasok ng aking anak sa unang dalawang linggo ng pasukan, pangit daw po kasi siya kaya naisipan niyang mag paplastic surgery.
  • Ipagpaumanhin po ninyo, hindi makakapasok sa summer class ang anak ko, mag papatuli kasi siya, magiging ganap na siyang binata.
  • Hindi po nakapasok ang aking anak nang tatlong linggo sa kadahilanang tinanggal ang kanyang apendiks. Matinding kalungkutan ang kanyang nadama dahil hindi na kumpleto ang parte ng kanyang katawan. Sa ngayon naghahanap kami ng apendiks upang maisagawa ng kanyang surgeon ang apendiks transplant.
  • Hindi na makakapasok ang aking anak dahil grounded siya! Gagong to binenta isa niyang kidney, pambili daw ng PSP.
  • Dalawang linggo nang hindi nakapasok ang aking anak, nafractured buto niya sa kanyang dalawang kamay, hindi pa siya makapagsulat.
  • Ang aking anak ay absent….. never mind ako pala teacher niya.

The art of medicine consists of amusing the patient while Nature cures the disease. – Voltaire

Advertisements

Mga Tugon

Information

23 responses

21 08 2012
bagotilyo

mejo nakarelate ako bilang nurse :p

21 08 2012
olops001

nice nurse po pala kayo salamt po sa pag visit sa site ko.

21 08 2012
bagotilyo

walang anuman… karangalan ko ang magawi dito 😀

22 08 2012
a solemn punch

Coolet!

22 08 2012
25pesocupnoodles

“Kapag may nahimatay sa daan o may nag seizure, tapos naka uniform ka, lahat ng tao titingin sayo, nakakahiya kung hindi mo alam first aid nun.”

Obligado talaga na mag-react sa gitna ng pagka gulat, hahahaha. Dapat laging handa para di mapahiya, ahehehee.

22 08 2012
olops001

Nangyari po kasi sakin sa tunay na buhay yung may nahimatay, grabe po wala po akong nagawa, talgang hiyang hiya ako eh. Pinaypayan ko nalang siya.

22 08 2012
25pesocupnoodles

at least u reacted di ba, malaki ang tulong ata ng paypay sa isang nahimatay. hehe :), smile smile lang.

24 08 2012
nette

Pero kahit alam mo na ang effects ng paninigarilyo at paginom di ka parin tumitigil. – HAHAHAH =)))

24 08 2012
olops001

ALAM NA!

24 08 2012
Mouen

😀

25 08 2012
Louie Buan

“Uvula pala ang tawag sa mala punching bag sa bunganga mo, akala mo kasi noon tonsils.”

Relate. Tonsil nga tawag ko dito. Ahaha

25 08 2012
olops001

hehe thanks sa pag visit! sana magustuhan mo pa yung iba ko pang posts

26 08 2012
eloisa soriano canlas

hahahah! repost 🙂

26 08 2012
olops001

sure!

26 08 2012
eloisa soriano canlas

trueness kuya 😀

27 08 2012
chilledhoney

Gustong gusto ko ito hihihii!!!

Bilang nurse at bilang ordinaryong mambabasa…. As in aliw ako….

Yung mga nagsasabi ng mga mababaw at hungkag na pananaw tunglong sa work natin…. SUNUGIN!!!

Nalilimutan nilang ang katapat ni Nightingale sa Pinas ay si Tandang Sora… Nag alaga rin ng mga sugatan sa laban, habang siya mandin ay may tangang itak at handang iunday sa kalaban!

Eskuseme! Di ako katulong no? Kayganda ko namang katulong hihihih!!

28 08 2012
olops001

oo nga po eh, ang ganda ganda mo. Mabuhay ang lahat ng nasa medical field

28 08 2012
chilledhoney

Ay teka, ala akong against sa mga katulong ha? Ang mga kasambahay ay napakalaking bahagi ng tahanang Pilipino, ako man ay pilay kung wala ang aking loyal na “ate”… Pero kung ikukumpara naman ang pagiging Nars sa gawain ng katulong, doon naman ako di papayag… sobra naman di ba?

Anyway, salamat salamat !

Nagfollow ka rin sa akin di ba? Pasyal pasyal ka sa pahina ko ha?

Pag may time ako, gagawa din ako ng post patungkol sa kadakilaan ng bawat trabaho…. 🙂

28 08 2012
olops001

consider it done ate, tagasubaybay ako sa mga gawa mo.

28 08 2012
chilledhoney

yey!!! 🙂

31 08 2012
Lou

dami kong tawa dito 🙂

2 09 2012
zezil

Dami kong tawa especially dun sa hinimatay. Haha. So Med ka pala. Natawa din ako sa excuse letters. :b

4 12 2012
jonellyn dare

Pharmacy- Tindera ng gamot sa botika pati napkin, chocolate at chichirya.

very true! haha grabe pag may nagsabi sakin nyan babanatan ko nlng ng “may board exam po yon baka sakaling hindi nyo alam.” 🙂

sobrang nkarelate sa paglalaro sa kalansay.kinakausap ko pa kaya yan.haha 😀

nice blog.thumbs up!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: