IBA’T IBANG URI NG MGA GURO

22 08 2012

Technology is just a tool. In terms of getting the kids working together and motivating them, the teacher is the most important. – Bill Gates

Ang mga guro, sila lang naman ang mga buhay na bayani ng ating panahon. Iba-iba ang mga katangian, mga pamamaraan ng pagtuturo pati mga asal. Yung ibang estudyante may paborito yung iba wala. Sa mahigit sampung taon kong nag-aaral nakasalamuha na ako ng iba’t ibang uri ng mga guro.

Guro #1

Ako yung guro na sobrang ganda, kung nagtuturo ako sa klase lahat ng lalaki masaya. Ang puti ng mga legs ko, crush na crush ako ng karamihan ng estudyante. Marami sakanila ako ang paborito, malapit at malambing ako sa lahat. Kapag teacher’s day ako lang naman nilalaban nila sa pagandahan, panalo lagi sa best in costume. Ako din may pinakamaraming followers na estudyante sa twitter. Kaso yung iba nakakainis lang, mga walang respeto, masyadong bastos ang mga isipan. Ang gusto ko lang naman ay maayos akong tignan kapag nag klaklase.

Guro #2

Sa liit kong ito takot sa akin ang mga estudyante, ika nga nila “terror”. Lagi akong may hawak na mga susi na kinakalansing ko kapag dumadaan sa hallway. Marinig palang nila yun, alam na nila na padating ako. Ang mga lalaking problema ng eskwelahan napapatino ko. Kapag maingay ang klase at pumasok ako ay tatahimik. Lahat halos nanginginig kapag ako ay nagalit. Marami akong pinapagawa sakanila, may mga dapat pang sundin na format, minsan nga may estudyante ako na hindi nag lalagay ng petsa sa kanyang papel at siya ay aking pinagalitan. Kahit kailan hindi pa ako nanalo ng teacher of the year.

Guro #3

PUNYETA KA! Ako nga pala yung palamurang guro, minumura ko mga estudyante ko. Galit ako lagi sa mundo. Galit ako lalo na sa mga hindi nag rereview ng maayos. Kung pwede lang siguro akong murahin pabalik pinag mumura na nila ako. Pero sigurado naman kapag ako ay nakatalikod na puro mura ang inaabot ko. Madalas akong nakakausap ng admin ng eskwelahan. May mga matatapang na estudyante pa palang nag-susumbong akala ko lahat madadaan sa mura. Minsan ako yung nanakit ng estudyante, humihingi pa ng regalo kapalit grades. Ngayon na ang huli kong pagtuturo sa eskwelahan, sinibak na kasi ako sa trabaho ko at makukulong ako. PUNYETANG MGA ESTUDYANTE TO!

Guro #4

Ako yung guro na nagpapamulat sa mga estudyante ko na walang yayaman sa pag-teteacher. Kaya ito nag-aasawa nalang kami ng mayayaman. Mahirap lang ang buhay namin, tanging kayamanan ko lang ay ang kaalaman ko sa aking tinuturo at ang mga mahal kong estudyante. Basta masaya ako na nakikita ko na nagiging matagumpay sa buhay ang mga estudyanteng dumadaan sa kamay ko.

Guro #5

Ako na ata ang pinakamabait na guro, masaya kapag nag-klaklase at nagbibigay ng napakaraming bonus. Mataas ako mag-bigay ng grade basta kilala kita. Kapag nakikita kong napakarami na ng mga ginagawa ng aking estudyante sa ibang asignatura ay hindi ko na sila ibabaon pa sa mga gawain. Maaga ako kung mag dismiss ng klase. Teacher of the year award lagi ang nakukuha ko. Lahat ay binibigyan ko ng pangalawang pagkakataon minsan pa nga hanggang apat pa. Pero minsan inaabuso ng iba ang kabaitan ko. Hindi na sila nag-aaral ng maayos, at di na nag-papasa ng mga gawain na dapat ipasa. Minsan huli pa sa naitakdang deadline. Lagi nilang sinasabi, “wag na tayong mag review si Sir lang yun mabait yun”, “wag na tayong mag pasa si Sir lang yun”, “onting uto lang kay Sir papayag na yun”. Kaya minsan nagiging mahigpit din ako.

Guro #6

Ako yung guro na may dala-dalang anak sa eskwelahan, kaya ang mga estudyante ko kilala din pati anak ko. Kapag may klase nakaupo din ang anak ko kasama ang mga estudyante. Pero minsan nakikipag laro ang aking anak sa kanila. Natamaan ng bola ng baseball ang mukha ng anak ko. Kahit inaawat na ako ng mga kapwa ko guro, sinugod ko ang estudyanteng nakatama sa anak ko. Gustong-gusto ko siyang suntukin, pinagsisigawan ko siya at dinuro-duro. Ako yung tipong machong-macho, pinakamalaking katawan sa lahat ng mga guro. Wala namang magawa ang estudyanteng yun kung hindi ang mag-sorry at umiyak, pero ang laki parin ng galit ko. Sa pag-kakataon na iyon, magulang ako hindi ako guro.

Guro #7

Ako yung guro na kahit Araling Panlipunan ang tinuturo ko ay hinahaluan ko ng mga green jokes. Nagiging sex education na ito minsan. Ganun talaga, yun ang technique ko para hindi sila antukin sa klase. Sobrang komedyante ko, di lang sa mukha pati sa pananalita. Kahit kailan wala pa akong nakitang estudyante na natulog sa klase ko.

Guro #8

Reporting, wala ng ibang ginawa ang mga estudyante ko kung hindi mag reporting. Buong taon reporting ang ginagawa. Ako naman kapag medyo malabo lang ang pagpapaliwanag ng mga reporter dun lang ako nag-tuturo. Madalas kapag quizzes reporters lang ang mataas ang scores.

Guro #9

Sure ako masaya lagi mga estudyante ko, laging walang pasok. Pala absent yata ako, kung hindi absent late naman. Ang mga nagagalit lang ay yung mga nag-aaral ng maayos. Merong mga estudyante na kahit tatlong oras na akong late ay inaantay parin nila ako, mga masisipag! Minsan ganito technique ko, late na nga ako papasok sa klase papagawin ko pa sila ng activity tapos aalis ulit. Iiwanan ko sila! Saan ako pumupunta? Ayun minsan nakikipag kwentuhan sa mga janitor, minsan nag-babasketbol kasama ang mga irregular na estudyante. Minsan pa nga iniwan ko ang mga estudyante ko sa laboratory class nila tapos pag-balik ko nasunog na nila yung kwarto. Minsan may mga naaksidente na dahil naglilikot pala sila kapag wala ako. Teka late na pala ako sa next class ko.

Guro #10

Ako ang pinakamatalinong guro sa lahat, marami na akong nakamit sa buhay, matanda na pero kaya paring makipagsabayan sa mga batang guro. Sa sobrang talino ko kaya kong talunin si Kuya Kim sa paramihan ng trivia. Master na master ko ang tinuturo ko, kaya kong magturo ng walang power point, marker lang ang dala ko pwede na. Kabisado ko kasi ang libro. Sa sobrang dami ng tinuturo ko hirap mag review ang mga estudyante ko, ang dami kasi nilang notes at lahat pwedeng lumabas sa mga pagsusulit.

Guro #11

Ginawa ko ng museo at aklatan ang advisory classroom ko, punong puno din ito ng mga collection ko tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Naka dikit sa mga pader ang mga sinaunang barya dahil coin collector ako. Puro halaman din ang classroom na hinahawakan ko, isa na itong maliit na kagubatan. Best in classroom ang laging napapanalunan ng advisory class ko.

Guro #12

Batang-bata, minsan napagkakamalan akong student teacher. Kadalasan mas matanda pa sa akin ang mga estudante ko. Kinakaya-kaya lang nila ako minsan dahil mas matanda sila. Pero hindi yun dahilan para hindi nila ako respetuhin. Malapit ako sakanila, tulad ng ibang guro kaibigan ako ng mga estudyante ko lalo na kung walang pasok. Isa ako sa pinakamabait na guro dahil ramdam ko ang mga estudyante ko. Fresh grad kaya ako!

Guro#13

Ako yung guro na may estudyanteng anak ko. Pero hindi yun dahilan para hindi na siya mag-aral. Nagtataka ang karamihan ng estudyante ko dahil lagi siyang mataas sa mga quizzes namin, sikreto ko nalang yun kung may ginagawa akong magic bakit ang taas ng mga grades niya. Top 1 ata anak ko! Di niyo ba naisip na maaaring inspired lang siya kaya pinagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral. Kasi kung bumagsak siya lagot siya sa akin. Bantay sarado siya. Kaya may mga pagkakataon na ayaw kong I-handle anak ko dahil maraming iniisip ang mga tao.

Guro #14

Ako ang tindera ng eskwelahan, talo ko pa ang canteen kung mag benta ng mga pagkain at sari-saring kagamitan. Kapag bumili ka may plus grade ka! Pero hindi ko naman pinipilit ang mga estudyante kong bumili, business minded lang ako talaga. Minsan pa nga sinasali ko pa sila sa networking ko eh. Habang nag tuturo ako kumakain ang lahat. Motto ko walang dapat nagugutom sa klase. Pero minsan nayayari din ako, yung estudyante ko nakakain ng buhok sa pastillas na ginawa ko, ayun libre tuloy siya ng limang pastillas.

Maraming salamat sa lahat ng mga naging guro ko simula kinder, hindi lang lessons tungkol sa English, Math at Science ang itinuturo niyo kung hindi mga kagandahang asal na maari naming magamit sa buhay. – Eler Villegas

—————————————————————————————————–
MABUHAY ANG MGA GURO!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

38 responses

22 08 2012
25pesocupnoodles

Wala bang guro sa inyo na nagtitinda ng mga longganisa, hotdog, atbp, kadalasan Pampangaโ€™s best, hahaha? Sa amin kasi meron, pati mga ube, pulvoron, at mga kakanin. PAg di ka bumili wala kang plus na grade sa quiz. hahaha. gandang gabi po. Nakikitsismis lang sa iyong mga Guro.

Akoman ay proud sa aking mga naging Guro, akin silang tinatangi, sa kanila ko marahil natutunan ang mga bagay na hindi matatagpuan sa bahay.

22 08 2012
olops001

WOW! oo nga pala! haha, salamat po sa pag remind, kaka post palang naman pwede ko pa I-edit may mga guro din po akong ganyan. HAHA, credits sayo sir!

22 08 2012
25pesocupnoodles

hahaha akala ko abssnt sa inyong paaralan ang Guro na businessminded. sa kanya ko natutuhan ang pagiging businessminded…

22 08 2012
olops001

HAHA, nice read my edited post na po yung guro number 14

22 08 2012
25pesocupnoodles

naku paano yan ,baka mapagkamalan malabo mata ko hehehe…

22 08 2012
olops001

okay wait edit ko ulit nakalimutan ko ilagay name mo

22 08 2012
25pesocupnoodles

salamat at magandang gabi na rin. olops d other reindeer, aga ng pasko sa yo ah.

22 08 2012
olops001

haha, may tanong po ako paano yung name niyo magiging link para pag clinick yung name mo na 25pesocupnoodles mapupunta sila sa blog site mo?

22 08 2012
25pesocupnoodles

sa edit portion ng comment meron
tapos highlight mo ung word na paglalagyan ng link, then, may window lalabas, dun mo ilalagay ung url ng gusto mo i link..

22 08 2012
potsquared

parang dumaan ako lahat jan!! ahahahaha! panalo! walang pinalampas!

22 08 2012
olops001

HAHA, sir potsquared nasa Japan po kayo ngayon?

22 08 2012
potsquared

wag mo na akong tawaging sir… potpot na lang itawag mo sa akin… at oo, nasa japan ako ngayon… *giling giling*

22 08 2012
olops001

hehe, kayo po pala yung viewer ko from Japan. Ingat ka dyan potpot!

22 08 2012
potsquared

maraming salamat! ehehehehehe… ikaw din mag ingat jan! woohoo!!

23 08 2012
japchae

wahaha..I enjoyed reading this. Nakakarelate ako. Not because I am a teacher in profession pero noong high school ako, super polvoron at iced candy naman and bentahan ng aking guro sa T.H.E. (T.L.E.) na ata ngayon hehehe….sobrang totoo…

24 08 2012
J. Kulisap

Takot ako sa Math Teacher. Si Mrs. Dorothy..kilala mo? Hahaha.

Pero hindi kayang pantayan ang kanilang dedikasyon matuto lamang tayong mga mag-aaral.

๐Ÿ™‚

24 08 2012
olops001

Tama ka jan kudos sa mga guro

25 08 2012
twopixeljourney

Naalala ko si 2, 6, 7, 8, 13 & 14. Nostalgic!

25 08 2012
olops001

aba syempre iisa lang naman mga naging guro natin sa apat na taon eh

26 08 2012
Marya

Parang naging estudyante ako ng lahat ng nabanggit mo, maliban sa teacher na tindera pa…heheh. may naging prof nga ako na right minus wrong ang exam. Yung exam 20 items na true or false tapos 10 minutes mo lang sasagutin. Kapag late ka, 0 na ang score mo. Pagkatapos ng exam, ipinopost niya sa bulletin board yung ranking. Kung highest ka, naka-post din ang 1×1 id picture mo. YUng lowest minsan negative ang score. Buti na lang, hindi pangalan kundi student number lang ang nilalagay…hayst. hindi ko siya malilimutan dahil muntik na akong bumagsak sa subject na yun. hahahah..Kahit pinapaiyak niya ako tuwing bigayan ng results, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya. Ang ganda ng post na ‘to. Dapat ngang pasalamatan sina Ma’am at Sir. ๐Ÿ™‚

26 08 2012
olops001

Tama! Kahit na pahirap sila sa atin minsan kahit papano may mga bagay tayong natutunan sa kanila. Grabe naman yung prof mo, ayaw na ayaw ko din yan yung write minus wrong.

26 08 2012
Manul-nulat ng Bayan

Isa ako sa mga Guro #12,,,,

26 08 2012
olops001

Wow, guro po pala kayo, ikinararangal ko po na napa-gawi sa aking munting site ang isang tulad niyo.

26 08 2012
Manul-nulat ng Bayan

walang anuman,,,sundalong guro po ako,,,,

26 08 2012
olops001

Mas lalo akong sumaludo sainyo, sundalong nakikipag-laban para sa bansa, isang guro, at isang manunulat. Isa ka na po sa mga iniidolo ko pag-dating sa pag gawa ng tula.

26 08 2012
Manul-nulat ng Bayan

salamat,,,,ikaw naman ay napakatiyagang gumawa ng mga pakuwentong sanaysay,,,,maganda ang iyong pagkakahabi…..

26 08 2012
olops001

Salamat po, ano mang kritisismo mula sa inyo ay tatanggapin ko upang malinang ko pa ang kakayahan ko sa aking pagsusulat.

26 08 2012
Manul-nulat ng Bayan

pansamantala ay tila wala,,,,ang pagkatuto ay mauunawaan at mapapansin mo man din sa sariling pamamaraan,,,,

8 09 2012
alexyvergara

I never knew that there are so many types of teachers until now. This may be a funny entry, but it’s very true. I grew up during a time when life wasn’t as hard as it is now, but I already experienced teachers who were enterprising–tindera ng bayan baga. I hate the lazy teachers who never did anything but ask their students to report.

There are those naman who did nothing but ask us to memorize and enumerate during quizzes. Walang katuturan! Yes, they come in all shapes and sizes.

By the way, konting puna lang (I hope you don’t mind). This entry would look more appealing if you put some pictures are graphics in it. Since it’s a bit long (at least by today’s standards), you can also try writting it in two installments. I’m new at blogging, and that has also been the comments of some of my friends, keep my entries short. Anyway, that it just me thinking. For all I know, this format is very effective for your readers. Keep it up. Thanks for sharing your gift with us.

8 09 2012
olops001

NOTED. Thank you for visiting my blog it’s an honor. After I wrote this blog entry I can’t find any pictures. That’s why I didn’t put any, however I try to insert pictures on succeeding articles. I am also new at wordpress but after 2 weeks of blogging I already have a thousand views. Anyway thank you for reading, I hope you take a look on my remaining blog posts.

4 10 2012
Miguel Cosnad

Galing ng blog post na ito. I am also a teacher, and I can classify myself as Guro # 5. ๐Ÿ™‚ Kudos! Namulat tayo sa iba’t ibang uri ng teachers. Ngunit kahit iba-iba, sila padin ang mga humuhulma ng mga susunod na henerasyon ng planetang ito. ๐Ÿ™‚ Happy Teachers Day!

4 10 2012
olops001

Happy Teacher’s day po, mabuhay po kayo.

4 10 2012
liza israel

i sha share ko lang ha.. ok! I’m a teacher.. siguro sa guro #2 ako..pero wala akong susi noh.. sabi ng iba salbahe daw ako(totoo naman!) nanakit dw ako ng mga bata(totoo naman pero d sila nasasaktan d ko masasabi nanakt ako kc nakangiti pa sila..pag nakikipag biruan kc sila sakin at pinapatulan ko biro at natawa ako napapahampas ako saknila..) pero kumabig mabait pla si mam pag mabait ka sa klase(nagulat ako!)..guro#4 pero d ako nag asawa ng mayaman.at totoong wlang nayaman sa pagiging teacher..dalawa lang yan mag asawa ng mayaman o mangurakot..hahahah! try mong basahin A B N K K B S N Pla ako ni BOB ONG….madadagdagan yan..and kung galing ka sa public school na mejo talagang mahirap…maiintindihan mo kung bakit my ibang teachers na na t.t.v. dahil sa pananakit…pressure kc ang mga guro na magkaroon ng mastery sa subject ang mga bata…at lagi nasasabon pag d yun naattain…Most of Public teachers obey without questions…sometimes just obeying na nakapikit ang mata….

4 10 2012
olops001

Maraming salamat po ma’am sa pagbabasa, Nasubukan ko din po magaral sa pampublikong paaralan at kita ko po talaga ang pag tyatyaga ng mga guro namin sa pagtuturo kahit na madami kami sa isang klase. Mabuhay po kayo, Happy Teacher’s Day!

5 10 2012
gicabacungan

Grabe! Naalala ko lahat ng mga naging teachers ko. Lahat, 1-14 me candidate ako.

8 02 2013
akosijonathandiesta

Mayroon yun combination let’s say yun fresh grad

26 06 2013
elleineoliva

Reblogged this on ged313edtech2 and commented:
Ikaw, saan ka nabibilang?

5 11 2013
ella

nakaka relate tlaga ung mga guro kc masyado nla taung minahal

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: