IMBESTIGADOR QUACK QUACK

24 08 2012

Unang-una ito sa kasaysayan ng Pilipinas, dito niyo lang mababasa ang bagong bida na pag-uusapan ng lahat. Kung may DOCTOR QUACK QUACK siyempre meron ding IMBESTIGADOR QUACK QUACK!

Imbestigador Quack Quack – Feeling imbestigador ng bayan, taong nag-sasalita ng patapos na hindi naman inaalam ang tunay na nangyari.

Mga misteryong nalutas ng mga Imbestigador Quack Quack (IQQ):

Misteryo #1

Sa isang baryo may natagpuang patay, wasak ang ulo at labas ang laman loob, mayroon itong katabing stuff toy sa kanyang bangkay. Huling nakita siya ay naglilinis siya sa kanyang bakuran. Ang stuff toy na katabi niya ay bigay ng kanyang kaibigan na kamakailan lang ay nakaaway niya dahil sa pag-nanakaw ng kambing.

IQQ ANALYSIS: Walang duda buhay ang stuff toy niya at pinatay siya nito. CASE CLOSED!

Misteryo #2

Sa isang barangay sa Quezon City nagkakawalaan ang side mirror ng mga sasakyan. Kasabay nito ay nakaka-kita ang mga residente ng malaking ahas sa mga kanal. Tuwing gabi nag kakaroon ng gang war at kinabukasan ang mga sasakyan ay nawawalan na ng side mirror. Maraming residente ang nagagalit at gustong mahuli ang tirador ng salamin.

IQQ ANALYSIS: Maraming daga sa kanilang mga kanal, kaya nag-kakaroon ng mga ahas na nagkataon na inaalagaan ng mga gangster para gamiting armas sa kanilang pakiki-pag laban. Yung side mirror ang nagsisilbi nilang granada. CASE CLOSED!

MISTERYO #3

Sa klase laging mataas ang nakukuhang score ni Tomy, siya ang top 1 lagi at bilib sakanya ang mga guro. Dahil doon siya ang inilalaban ng kanilang paaralan sa iba’t ibang quiz bee competitions. Ngunit kahit minsan hindi pa siya nananalo at nakapag-uwi ng mga parangal.

IQQ ANALYSIS: Loko-loko talaga siya, batang asa sa kodigo, hanep kung mag recite hindi naman matalino. Teacher’s pet lang siya at nang-uuto lang ng mga tao kaya akala ng iba matalino na siya. Salamat sa mga competitions bawal mandaya dun buti di siya nanalo. CASE CLOSED!

MISTERYO #4

Hindi pumasa si Maki sa Nursing Board Exam, sobrang nalungkot ito at nagpakamatay. Pinag-handaan niya kasi ito ng husto. Puyat siya lagi dahil sa kaka-basa. May suicide note siyang iniwan at nag-papasalamat siya sa kanyang mga magulang sa walang sawang pag papa-aral sakanya. Pero hindi na raw niya kaya pangatlong beses na niyang nag-take pero hindi parin pumasa.

IQQ ANALYSIS: Pangit eskwelahan niya, hindi nag tuturo ng maayos. 60% passing rate lang, dapat 100%! O baka naman bobo lang talaga siya. CASE CLOSED!

MISTERYO #5

Nakitang mag-kasabay umuwi ang gwapong guro at magandang estudyante, mag-kasama sila sa tricycle at tila masaya sa samahan ng isa’t isa. Sa klase laging active ang babae habang nagtuturo ang teacher at matataas ang grado ng babae. Ang guro naman ay nakikitang nakikihalubilo at nakikipag-laro sa ibang babaeng estudyante.

IQQ ANALYSIS: Chickboy itong guro na ito, nakikipag relasyon sa kanyang estudyante, hindi rin siya loyal sa estudyante na kanyang ka relasyon dahil nakikihalubilo pa siya sa ibang babaeng estudyante. Pinag nanasahan niya ang mga ito. CASE CLOSED!

MISTERYO #6

Sa isang fast food restaurant tumatambay ang mga nag-nenetworking. Doon nila isinasagawa ang mga seminar para sa mga gusto nilang i-recruit.

IQQ ANALYSIS: Mga scammer sila, scam lang yan tapos naniniwala sila, pipilitin ka nila tapos peperahan at kapag nakuha na ang pera wala na silang paki-alam sayo! Mag-ingat sa mga ganitong business isang Pyramiding Scam! CASE CLOSED!

MISTERYO #7

Si LeBron James ay nagsusulat sa kanyang kaliwang kamay pero kanan ang gamit sa pag shoot ng bola. Si Rogelio din ay nagsusulat sa kanyang kaliwang kamay pero kanan ang gamit sa pag shoot ng bola.

IQQ ANALYSIS: Ang dali naman nito, eh di si Rogelio ay nag-papanggap lang na si LeBron James isa siyang trying hard copy cat! CASE CLOSED!

MISTERYO #8

Si Troy ay isang mabuting asawa, ngunit isang araw nakita siya na may kasamang babae at mas bata pa sakanya. Makinis ang balat ng babae at magka hawak kamay pa sila. Matangkad at tila photogenic ang pangangatawan nito. Umaakbay pa si Troy sa babae at nilalambing. Si Troy ay may anak na model na hindi pa nakikita ng lahat dahil sa ibang bansa nakatira at matagal nang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas.

IQQ ANALYSIS: Walang duda kabit niya yun! Two timer na matanda! Pero ang galing pumuli ang ganda ng kabit, sikat na model daw yun sa states! CASE CLOSED!

MISTERYO #9

Sa classroom nawala ang pera ni Richia na pang-tuition niya sana, at nag-iiyak ito. Dumating ang guard at mga guro ininspeksyon ang bag ng mga kaklase ni Richia, pero wala silang nakita. Bago nangyari ang lahat nilalagnat si Daniel at pinauwi ng maaga dahil sa karamdaman.

IQQ ANALYSIS: Si Daniel ang magnanakaw, malamang pinambili na niya ng gamot yun! Tsk tsk. Kawawa naman si Richia, kung hindi si Daniel malamang yung guard. CASE CLOSED!

MISTERYO #10

Si Mac ay isang matalinong bata ngunit malaki ang problema sa pamilya. Dahil dun naapektuhan ang kanyang pag-aaral. Hindi na siya ganung nakaka pag participate ng maayos at hindi na kataasan ang mga nakukuhang scores sa mga pag-susulit. Nagka-sakit pa siya ng appendicitis na lalong nag pagalit sa kanyang mga magulang. Sinisisi pa siya ng mga ito dahil sakitin ang bata.

IQQ ANALYSIS: Wala ng pag-asa ang batang iyan. Walang mararating sa buhay yan, titigil yan sa pag-aaral at mamamatay sa hirap. CASE CLOSED!

MISTERYO #11

Masarap kumain sa isang karinderya na masarap na mura pa! Lalo kung kambing ang pangunahing putahe nila. Si Recolito ay dinala ang kanyang mga kabarkada dito. Sarap na sarap silang kumain pero may kasama siyang IQQ na kaibigan. Iniisip nito kung ano ba meron sa karinderya na ito bakit sarap na sarap sila.

IQQ ANALYSIS: Kadiri naman tong si Recolito ang low class ng dating kung sana sa first class resto kami kumain eh di sana masaya pa. Ang dumi-dumi naman dito, hindi nila hinuhugasan ang kutsara’t tinidor. YUCK! Kadiri talaga, skwater siguro tong si Recolito kaya sanay sa mga ganitong lugar. Yung kambing hindi pa luto! Dapat sheep nalang yung pagkain. Walang hygiene to si Recolito. CASE CLOSED!

MISTERYO #12

Si Imbestigador Quack Quack #1 ay nakasalubong si Imbestigador Quack Quack #2. Nag-kasalubong at nag-katitigan sila sa daan at kahit na lumampas na sila sa isa’t isa lumingon sila at nakatitig parin sa isa’t isa habang nag-lalakad.

IQQ#1 ANALYSIS: Ang pangit naman nito, mukhang alimango, hindi na nahiya sa sarili. Ang pangit pa ng pantalon butas butas ang jeproks ng style. Tapos naka-tsinelas lang ng Havaianas, ako tsinelas ko Lacoste mas mahal! Walang pinag-aralan to at nakiki-uso lang sa mundo. Isa siyang buhay na munggo. (Insert bad words here)

IQQ#2 ANALYSIS: Feeling mayaman tong isang ito, sure ako fake lahat ng suot niyan pati tsinelas niya butiki naman ang tatak. Ang pangit pa ng buhok at mukang bangag, adik siguro sa droga to. Lamang lang siguro siya sa akin ng tatlong paligo pero balat niya parang maong! Grabe sobrang pangit niya, siya na siguro ang pinaka pangit kong nakita ngayong araw. PANGIT MO! (Insert bad words here)

Everybody’s talking trash these days, so why not keep quiet? – Dennis Rodman

Ngayon alam niyo na kung ano ang Imbestigador Quack Quack malamang may mga tao na kayong naiisip at mga karanasan na naaalala.

I am on Twitter: @olops001 please follow and share my blog kung na tripan niyo. SALAMAT!

Advertisements

Mga Tugon

Information

6 responses

24 08 2012
potsquared

yung misteryo 5 at 12 hindi closed ah…. on going case pa rin ba? hihihihi.. tawa ako dito ah… may naaalala nga akong ganyang mga tao.. ehehehehehe

24 08 2012
olops001

haha yung 5 nakalimutan ko lang lagyan pero yung 12 special case siya kasi nag titirahan ang dalawang IQQ

28 08 2012
potsquared

ahh ok.. ehehehehe.. nice!! may special case talaga.. hehehehe

25 08 2012
twopixeljourney

Nasama pa kami ni Daniel! Hahaha. Dami kong tawa sa Misteryo ni Recolito. Ayos!

25 08 2012
olops001

haha salamat!

28 08 2012
KOLEKSYON NG MGA TULA « Serendipitous Wordsmith

[…] Related Blog: IMBESTIGADOR QUACK QUACK […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: