KOLEKSYON NG MGA TULA

28 08 2012

TRAPIKO

O trapiko bakit ka ganito?

minsa’y mabilis na para bang naghahabol

minsan namay mabagal at buhol-buhol

Ako’y naiinis at nag-iinit ang ulo

hindi maganda ang sistema ng trapiko

Ako ay nahuli sa klase

sa guro ako’y nayare

lagi daw akong late at nakaka toxic na

sabi ko naman aba ma’am na traffic lang

Maraming dahilan bakit sobrang traffic

maraming nag-sasabi this is not terrific

sa sobrang tagal ako’y nayamot

inantok saba’y nag kamot

umidlip hanggang nakatulog

Sa haba ng tulog hindi ko natanto

jeep ngayo’y umaandar ng mabilis

MA PARA PO lumagpas na ako

walang hiyang traffic to nakakainis

Related Blog: TRAFFIC STORIES

IMBESTIGADOR

Ako ang tunay na imbestigador

kung manlibak sagad-sagad

kung mag-pasya sure na sure

na para bang naka beast mode.

Lahat ng bagay nakikita

lahat ng mali napapansin

di inaalam ang istorya

pero mayroon nang katapusan

Pangit ka kahit mag pa parlor pa

alam ko yan dahil mascot ka

ayaw mong pakita mukha mo

dahil takot sila sayo

sa laki ng ilong mo kasya sampung tao

Di si Mike Enriquez ang tunay na imbestigador

hindi siya sing-lakas ng labintador

ako yun lumilipad at may pakpak

tawag nila sa akin Imbestigador Quack Quack

Related Blog: IMBESTIGADOR QUACK QUACK

GURO

Sa kanila ako’y saludo

magaling sa pagtuturo

buhay na bayani tawag ay guro

lahat titiisin para lang sainyo

Iba’t ibang uri iba’t ibang klase

kaya behave ka dapat kapag nag klaklase

baka ikaw ay mapagalitan

kasama ng iyong kakulitan

Salamat mga guro sa inyong kadakilaan

respeto ko sainyo’y nakalaan

paano na lang ang mundo kung wala kayo

Salamat salamat salamat  sa inyo

Related Blog: IBA’T IBANG URI NG MGA GURO

Lasing

Tagay pa sabi ng barkada

pero hindi ko na talaga kaya

ayoko na ayoko na

ako’y hilong-hilo na

Nag-iiba ang ugali kapag nalalasing na

minsan nama’y gumagaling sa ingles kapag naka-inom na

nag-huhubad ng T-shirt minsan pati brief

nag-hahanap ng away kapag naka-trip

Lasinggero ng bayan ang tawag sa amin

Araw-araw kami’y tumotoma

kahit atay ay may tama na

game parin kami sa inuman

kaya kung hindi na kaya

huwag nang mag-alinlangang

sumuko at sumuka na lang

lasing na talaga ako

Related Blog: BLOGGING LEVEL: LASENGGO

PS: Lahat ng nabanggit na tula ay akda ni Kevin Eler Villegas

————————————————————————————-
I am on Twitter: olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

14 responses

29 08 2012
25pesocupnoodles

ayos ang iyong apatang-tula ha, isang bagsakan apat ang laman. gandang umaga.

29 08 2012
olops001

magandang umaga din, hehe, para sulit ang pagbabasa ng mga tagasubaybay ko

29 08 2012
potsquared

ang galing… mahuhusay na mga kataga! ikaw na!

29 08 2012
olops001

salamat pot

29 08 2012
potsquared

walang anuman olops!

29 08 2012
Manul-nulat ng Bayan

magaling,,,,,ipagpatuloy mo

29 08 2012
olops001

Salamat

5 09 2012
Rocky

Galing !! :)))

13 09 2012
25pesocupnoodles

2nd liked…

13 09 2012
olops001

hehe, binasa mo nanaman? salamat.

13 09 2012
25pesocupnoodles

hahaha, yeah naman….

26 11 2012
KOLEKSYON NG MGA TULA VOLUME 2 « Serendipitous Wordsmith

[…] ——————————————— In case you missed KOLEKSYON NG MGA TULA VOLUME 1 […]

11 08 2013
johnjohn

?

9 12 2014
prencess fayman quo

maganda ang tulang guro,,, tuloy mo lang yan kuya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: