CRAB MENTALITY

30 08 2012

“If I can’t have it neither can you”

Utak Talangka – isa sa mga hindi magandang ugali ng mga Pilipino. Taong ayaw na may nakaka-lamang sa kanya, kapag nakaka-angat sa buhay ang isang kababayan ay sisiraan niya ito at pag-iisipan ng masama. Maihahalintulad ito sa mga crabs o alimango na kapag nilagay mo sa timba ay nag uunahan makapunta sa bunganga ng timba, kapag makakalabas na ang isa ay hahatakin siya ng ilang alimango upang hindi makalabas ng timba.

Ito ang iba’t ibang istorya ng pagka crab mentality nating mga Pilipino.

Crab #1.

Sikat ang parlor business ko dito sa amin, lahat ng mga tao sa barangay namin ay suki ko. The best dito, magaling ang mga nag gugupit at marurunong ang mga empleyado ko. Higit sa lahat mura kaya tinatangkilik ng aking mga customer. Dahil dun mataas ang kita ko at pwede na akong mag open pa ng isa pang business. Pero noon yun kung hindi lang nag tayo ng isa pang parlor ang kapitbahay ko sa tapat mismo ng parlor ko. Customer ko lang siya dati, pero hindi ko alam pinag-aaralan na niya pala ang pasikot-sikot sa business ko. Mula noong binuksan niya ang parlor niya nabawasan na ang mga customer ko at nagsi-lipat sakanya. Paano ba naman kasi mas malaki at mas maganda ang parlor niya sa akin. Mas minurahan pa niya ang mga offers dito. UTAK TALANGKA!

Crab #2

Si Nina ay ang pinaka sikat na babae sa aming eskwelahan. Sexy, maganda, matalino, mayaman at lahat na ata ng hinahanap ng mga lalaki ay nasa kanya na lahat. Ako? Pangalawa lang ako sakanya. (sabi nila) kaya kung may bago siyang relo, aba syempre may bago din akong relo glow in the dark pa! Naka high heels siya kung pumapasok, aba syempre ako din 3 inches higher pa! May apat siyang cellphone, aba syempre sakin walo! May boyfriend siya na journalist, aba syempre boyfriend ko buong basketball team ng school namin! Ganyan ako ayaw mag-patalo!

Crab #3

Si Rogelio ay isang bayani, namatay siya ng may paninindigan. Ipinagtanggol lang naman niya yung crush niya sa isang holdaper, ngunit sa kasamaang palad nasaksak siya sa kanyang leeg. Dahil doon isa siyang halimbawa na kapag gusto mo ang isang tao hahamakin mo ang lahat makuha lang siya. Di ako papatalo! Kaya ito ako ngayon kasama ang kaibigan ko na binayaran ko na holdapin ang crush ko. Tapos kunyari sasagipin ko siya at bubugbugin ang mag-nanakaw na kaibigan ko. Nice Idea! Kuha ko na si crush buhay pa ako!

Crab #4

BADTRIP! Lagi nalang akong top 2 sa klase! Di ko matalo yung top 1 namin, sobrang talino talaga. Ginawa ko na ang lahat, nangodigo na ako, nandaya na ako sa exam naka headset ako habang nag-eexam at naka record ang lahat ng nireview ko dun na naka play at naka repeat pero wala parin. Eh buti may video ako na nangugulangot siya sa klase, ikakalat ko ito para masira ang buhay niya! HAHAHAHA!

Crab #5

Sa aming barkadahan ako nalang ang hindi pa successful sa buhay, lahat sila nakaka-angat na sa buhay. Sobrang nainggit ako dahil ako nalang ang natirang lugmok sa kahirapan. Kaya lahat sila sinira ko ang buhay. Inagaw ko ang asawa ng isa kong kaibigan, ang isa naman ay nawalan ng trabaho dahil pinagbantaan ko ang boss niya na kung hindi niya tatangalin sa trabaho ang kaibigan ko kikidnapin ko ang mga anak niya. Dapat ako lang ang yayaman! Nandito ako sa harap ng bangko ngayon, hoholdapin ko ito!

Crab #6

Ako pinakamatapang sa aming fraternity ayaw kong may mas tatapang pa sa akin. Naganap ang gang war namin kagabi, at ako ang nag volunteer na mag papasimula ng gulo ibig sabihin ako ang unang susugod sa kalaban. Dahil dun ako ay napahamak. Noong sumugod ako naduwag ang mga kakampi ko at iniwanan akong mag-isa. Para akong sisiw na naligaw sa butas na punong-puno ng ahas. Nandito ako sa ospital ngayon, putol na ang isang kamay ko at hindi na makakatayo habang buhay.

Crab #7

Magaganap ang aking debut ngayong buwan at gusto ko magarbo ito. Kaya ang aking mga magulang ay pinag-hahandaan ito. Gusto ko singer sa debut ko si Charice, at gusto ko may bago akong sasakyan. Nakuha ko ang idea na ito sa palabas sa TV, ang ganda ng birthday celebration nila at gusto ko mas maganda pa dun sa akin. Sikat ako at marming dadalo sa aking kaarawan kaya, MOMMY AT DADDY KUNG AYAW NIYONG MASIRA BUHAY KO PLEASE GUSTO KO NG ESPESYAL NA DEBUT!

Crab #8

Ayoko si PNOY panot siya at puro sisi nalang sa nakaraang administrasyon ang ginagawa niya. Hindi ako bilib sa mga ginagawa niya ngayon. Dapat ako nalang ang nanalo noong nakaraang eleksyon. Mga komunista ang mga yan, mga tao kasi eh, hindi naniwala sa akin. Ako naman talaga ang tunay na mahirap ah. Promise walang biro! Orange ang kulay ng mundo!

 Crab mentality is just a simple case of greed and jealousy. No further explanation is required. – Ver Pangolino

Muli maraming salamat sa lahat ng mga nag-babasa ng aking blog. Mabuhay!

I am on Twitter : @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

17 responses

31 08 2012
potsquared

tama ka. yan nga ang isa sa mga pangit na ugali nating mga pinoy.. hindi kasi uso sa atin ang “healthy competion” lating inggit ang umiiral sa atin kaya kaysa suportahan ang taong yun, pipilitin natin para bumagsak ito… sana mabago natin ang ugaling ito…

31 08 2012
DonQC06

Nakakainis talaga ang mga ganyan, hinahatak ka pababa. Good post 🙂

31 08 2012
KALOY

Masakit mang aminin, tama ka. Utak talangka ang pinagmulan kung kabit sabog ang mundo ng mga Pilipino. At ang mahirap, kabahagi tayo ng republikang ito.

31 08 2012
olops001

oo nga eh, dapat talaga may pag babago at sana tuluyan nang mawala ang pag uugali na ito nating mga Pilipino

31 08 2012
KALOY

sabi ng nanay ko (wala ako kinalaman sa opinion niya ahh) “ang taong panget ang ugali, mamatay na panget ang ugali!” hmm medyo parang naniniwala ako sakanya. Pero malay mo, nagbabalik narin naman si Nora sa penikula.. magkaroon ng himala. 😀

31 08 2012
Rocky Agatep

Nice Eler.

31 08 2012
olops001

Thank you Rocky! lahat ng post ko nababasa mo ah hehe

31 08 2012
Ron Dy

OO Karamihan sa mga Pinoy utak talangka, dugyot, at wlang alam sa pagiging TUNAY na Pilipino (unproud)… tsk2

13 09 2012
25pesocupnoodles

naku sobrang bad ba, kung tatangkain mong tadyakan ng bonggang-bonggan ang mga nasa likod at pilit nanghihila. sigh… yung tipong di na talaga makakagulapay. hahahaha.

13 09 2012
olops001

Ang ganda siguro kung walang utak talangka sa bansa.

13 09 2012
25pesocupnoodles

oo tama maganda, pero kung minsan sila ang paraan para ang mga nahihila at nahahatak pababa ay lalong magpursigi at magpakahusay. di ba? at dahil dito nagiging bukas para sa mga pag-unlad at pagbabago…

13 09 2012
olops001

Tama! Mga kwento ng pagbangon at tagumpay. Ginawang inspirasyon ang mga taong hinihila sila pababa.

13 09 2012
25pesocupnoodles

paumanhin sa aking komentong “patadyak ha”, pag minsan din kasi wari sinusubukan ang ating pasensya, at kung di na makayanan ay magagawang bumalikwas at bigyan ang iba ng nararapat, paumanhin.

13 09 2012
olops001

tao lang tayo hindi maiiwasan na mapuno din. naintindihan ko.

13 09 2012
25pesocupnoodles

salamats olops.. naalala ko ang kanta ng parokya, hehehe. malapit pa naman ang pasko.

13 09 2012
olops001

May twitter ka ba? hinahanap ko po kasi sa blog mo twitter account mo pero wala atang nakapost. follow sana kita at sana mapasama ako sa widget mo na “iyo ding bisitahin.” Hehe

13 09 2012
25pesocupnoodles

ahahaha, may twitter ako b4, pero nagpasyang isarado… wag mag-alala gusto ko rin isama ka, kaso mo pagnakapag-gala na dito nalilimot ang mga gustong gawin, at ngayun para di malimutan, gagawin ko na, hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: