ALL ABOUT SOAP!

29 09 2012

Soap and water and common sense are the best disinfectants. – William Osler

Ang hirap siguro kung walang sabon sa mundo. Makayanan kaya natin na maligo ng di nagsasabon? Ano nalang mangyayari sa mga plato na pinagkainan natin kung di natin ito sasabunan? Ang buhay parang sabon lang yan, basahin at alamin ang koneksyon ng sabon sa atin.

Love

Ang sabon sa kakagamit nauubos yan.
Ang pagsasabi ng I LOVE YOU ay parang sabon, sa kakagamit nawawalan na ng saysay.

Kapag ang kalaguyo mo ay may mahal ng iba hayaan mo na siya. Bakit ang sabon ba kapag nahulog sa bowl na punong-puno ng tae pupulutin mo pa?

Ang babae kapag niloko mo magiging germs ka na sa paningin niyan. Ang babae parang sabon, kills 99.9% of germs.

Sa sobrang bitter mo nahiya na sabon sayo. Try mo tikman yung sabon sobrang pait. Pero mas bitter ka parin!

Pulitika

May mga sabon na kapag bago may mga nakaukit na pangalan. Habang tumatagal nawawala ang pangalan, pero hindi mo nakakalimutan ang pangalan nito kahit nabura na.
Kaya kapag ang isang tao tumagal na sa pulitika at gumawa ng hindi kaaya-aya sa atin, nawawalan na siya ng pangalan, pero hindi mo nakakalimutan ang mga ginawa niya.

Ang sabon maraming klase yan, may papaya soap, apple soap at iba pang natural soaps. Pero kung sobrang kapal na ng mukha mo sana makaimbento sila ng Makahiya soap.

Gangster

Kapag sumali ka sa fraternity namin wag kang mag-alala parang sabon lang yan, PROTEKTADO KA!

Ang mga gangster parang sabon madudulas yan, ang lakas makipag gang war pero kapag may pulis na ang bibilis tumakbo at tumakas.

Pagkain

Pagbinato ka ng bato batuhin mo ng tinapay at sabon, maghugas muna ng kamay bago kumain.

Pagtitipid

Ang body soap ay simbolo din ng pagtitipid, kapag wala ka ng shampoo body soap nalang gamitin mo sa buhok mo.

Sinabon
– pandiwa, pinagalitan, nayari, sinaway

Naaalala ko pa ang kwento ng bestfriend ko noon, sinabon siya ng nanay niya. Dahil dun nagkulong siya sa banyo at kinain niya yung sabon. Ooops wag gagayahin ah, mabula ang sabon pero ibang usapan na kapag bibig mo ang bumula.

Kapag tayo sinasabon ng ating mga magulang sobrang hirap lumaban, minsan pa nga naghuhukay sila eh, hukay lang sila ng hukay hanggang maalala nila yung mga kasalanan natin noong mga nakaraang taon.

Pare nasabon ako ng girlfriend ko nabasa niya yung inbox ko may message na “Tara magsabunan tayo”.

Sa trabaho kapag sinabon ka ng boss mo wag ka mainis, sabihin mo nalang, “pakibanlawan na din po ako”.

Buhay Estudyante 

Ang ibang estudyante parang sabon lang yan, masipag sa simula sobrang mabula pero kapag tumagal na tinatamad na din minsan wala ng bulang maibubuga.

Kapag sobrang lakas na ng anghit powers ng kaklase mo pakiusapan mo siya. Sabihin mo “Ui magsabon ka naman oh.”

Kapag nasa school ka, bago kumain mag hugas ka muna ng kamay, with soap dapat ah. Kaya bago mo isubo ballpen mo sabunan mo din muna ito.

Hindi kumpleto ang pagligo mo kung di ka nag sabon. Ang teacher parang sabon lang yan di kumpleto pagaaral mo kung di ka dadaan sakanila.

Soap Opera

SPOILER ALERT: Hindi ito isang madramang istorya na katulad ng pinapanuod niyo sa telebisyon, ito ay isang napakawalang kwentang kwento tungkol sa sabon na inoperahan.

Ako si sabon, sa totoo lang kapag gabi ang lungkot namin dito sa banyo. Pero may sasabihin ako sa inyo alam niyo ba kung tulog na ang amo namin nag pyepyesta mga ipis dito. Mga bully sila, wala kaming laban, si kaibigan ko na toothbrush hinahalik-halikan ng ipis, tapos si toothpaste hindi sinasarado ng amo namin, kaya ayun si ipis iniinom si toothpaste. Aba kahit na ako hindi rin nakakaligtas pero hindi nila ako kayang kainin, siguro dahil kung kinain nila ako mamatay sila. Pero dinadaan-daanan lang nila ako.

Wala lang na share ko lang kung gaano kasaklap buhay namin kapag gabi. Mabalik tayo sa tunay na istorya. Ako bilang sabon mahirap ang buhay ko. Dahil kahit bago palang kami basta malabas na kami sa sachet o box may taning na buhay namin. Maraming paraan paano kami tuluyan ng mamatay o hindi na magagamit. Isa na dito kapag pumayat na kami nang pumayat at lumiit nang lumiit. Ang saklap bigla nalang kaming mapuputol, tapos tuluyan nang hindi kami gagamitin ng aming mga amo.

Minsan naman nahuhulog kami sa bowl, isipin mo yun kung yung bowl may mga tae pa hindi na kami pupulutin pa ng amo namin. Paano ba naman kasi kung magsabon siya ng paa kailangan pa nakapatong sa bowl. Ayan tuloy na flu-flush nalang kami kasama ng tae.

Likas na sa amin ang malusaw, minsan napapabayaan na lang kami. Di naman kami malulusaw kung hindi basa eh. Pero minsan nahuhulog kami sa timba na may tubig at hindi na kami naiaahon ng amo namin. Kaya ayun liquid soap na kinahantungan namin. Oo nga pala nakalimutan si detergent soap. Siya yung nakatoka sa mga damit. Pero wag na natin siya pagusapan, dahil mabilis lang siya mamatay, minsan nilalagay pa siya sa isang halimaw na umiikot. Washing Machine ata tawag ng mga tao dun. Hay nako wag na nating pagusapan masyadong horror story saming mga sabon yan.

May mga panahon na sobrang dumi ng amo namin, ang kapal ng libag. Pero sisiw lang sakin yun, dahil hindi lang ako pampaputi can kill 99.9% of germs pa ako. Pero may mga dumi na hindi ko na kayang linisin pa. Diyan na pumapasok ang aking mga barkada. Mga heavy duty yang mga yan. Yung mga paglilinis ng banyo ang kaya nila. Pero gaya ng ibang sabon nauubos din sila.

Puro ako pasikot sikot malamang gusto niyo na malaman kung bakit ako naoperahan. Ganito kasi yun, maraming sabon ang ginagamit ng aking amo. Siyempre kung nalusaw na kami at maliliit nalang kami hindi niya kami pinapabayaan. Pinag didikit dikit niya kami, hanggang maging isang bagong sabon nanaman kami. Gets mo? Example safeguard tapos papaya soap tapos Tide bar tapos gluta soap. ALL IN ONE!  Iba iba pa kulay namin.

Ang buhay na walang layunin ay parang pagligo nang walang sabon – Eler Villegas

————————

Ikaw may maidadagdag ka bang life related quotes tungkol sa sabon?

SALAMAT SA PAGBABASA! MABUHAY!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements




FIRST BLOG AWARD

23 09 2012

One week akong nag pahinga sa pag bloblog dahil sobrang busy sa school. Pag ka online ko nakita ko na may award pala akong natanggap mula kay 25pesocupnoodles

Liebster Award

 “This is given to bloggers by bloggers as way of acknowledging each other. Sort of like a pat on the back to say “you’re doing a great job.” It’s also for blogs with 200 or less followers, so it’s one way of spreading the word about the smaller blogs and get them more readers and followers.” – Prinsesa Musang

Dahil jan may sasagutan akong mga katanungan mula kay Kuya Cup.

Sa iyong katha

  1. ano ang iyong favorite (isa lang ha)? FANTASY VALEDICTORY SPEECH OF REBEL STUDENTS – grabe gustong gusto ko kasi maging valedictorian nung high school kaso hindi pinalad. Kung nag kataon ganito siguro ang talumpati ko.
  2. ano ang most commented? IBA’T IBANG URI NG MGA GURO – As of now may 30 comments siya.
  3. ano ang most liked (ng follower)? FIRST LOVE NEVER DIES – As of now 12 likes palang pinakamarami kong likes.
  4. ano ang most visited? Yung home page ko mismo
  5. sino ang pinakamadalas mag-comment? Si kuya Cup
  6. anong araw ka nakakuha ng pinakamataas na bisita? at ilan (kung di nahihiya)? September 7, 2012 with 147 views. Di na masama.
  7. sino ang kauna-unahan mong follower sa wordpress? Si ate Marya

Personalan 

  1. ilan ang sapatos mo? Sa ngayon meron akong 14 pares ng sapatos. Meron akong pang cowboy, leather, boots, rubber shoes na pang basketball, studs na pang soccer, pati running shoes. Meron din ako pang hiking. Tska mga pang pormahan lang. Pero meron akong mga specific na sapatos na yun at yun lang ginagamit ko lagi.
  2. ilan ang tsinelas mo? Apat, pang bahay, pang banyo, pang labas lang ,kung pupunta ng kanto o mag papahangin sa labas at pamasyal (yung mamahalin)
  3. ilan ang pantalon mo? Hirap sabihin ng saktong bilang nito dahil kakalkalin ko pa yung aparador ko niyan. Pero tingin ko may 20+ lima lang yung ginagamit ko ngayon dahil yung iba luma na at nalakihan na. Tinatago ko parin kasi kahit yung mga pantalon ko pa nung bata pa ako.
  4. ilan ang bag mo? 12 hindi pa kasama mga maleta jan.

Ang 10 na blogger na paparangalan ko ng Liebster Award:

  1. Rhence
  2. Zezil
  3. DonQC06
  4. DwightD
  5. Snap2104
  6. Potsquared
  7. Kimpoy
  8. Theappletizer
  9. lizaonmute
  10. japchae

Mga Takdang Aralin bilang liebster awardee (kailangang sagutin ito ha)

  1. Ilan ang pinakamaraming views mo sa isang araw?
  2. Ano ang paborito mong pagkain?
  3. Kung magiging ibon ka ano ka?
  4. Kung gagawa ka ng world record ano gagawin mo?
  5. Ano ang paborito mong pelikula?
  6. Sino ang paborito mong artista?
  7. Ano ang paborito mong blog post ni Serendipitous Wordsmith?
  8. Ano twitter account mo?
  9. Saan ka nakatira?
  10. Kung ikaw magiging presidente ng Pilipinas ano gagawin mo?
  11. Mamili ka Pera O Kasikatan?

O sa mga awardee ito’y katuwaan ha, hindi talaga obligado ang mag reply agad, kahit sobrang tagal pede. Basta’t pag inyong naramdaman na ito na, ito na ang panahon para magbigay parangal, huwag pigilan ang sarili ha. Maraming liligaya sa inyong pagtugon.

Rules: If you receive this award, you are expected to post 11 random facts about yourself in answer to 11 questions from the person who nominated you. Then you come up with your own 11 questions and pass the award to 11 other small bloggers and make sure you tell them that they’ve been nominated! Also, you’re not allowed to nominate the blog(s) who nominated you.

———————————-

Muli maraming salamat sa award ko na ito.

I am on Twitter: @olops001





DEAR SANTA

15 09 2012

How dreary would be the world if there was no Santa Claus!… There would be no childlike faith then, no poetry, no romance to make tolerable this existence. – Francis P. Church

100 days before Christmas, bawat isa sa atin may kahilingan ngayong nalalapit na ang kapaskuhan. Hindi ako naniniwala sa Santa Clause pero parang hindi kumpleto ang pasko kapag wala siya. More on spiritual kasi tayong mga Pilipino pag dating sa pasko.

Ito ang mga iba’t ibang sulat kay Santa Claus:

  • Dear Santa, sana malunasan na ang sistema ng traffic dito sa Pilipinas, pahingi narin ng sports car ah.
  • Dear Santa, pahingi po love life pwede ka ba?
  • Dear Santa, you need to lose weight you can’t fit on our chimney. Joke walang chimney ang bahay namin sa Pilipinas
  • Dear Santa, may permit ka po ba sa DENR para mag alaga ng mga Reindeers?
  • Dear Santa, sino po nag lalaba ng damit niyo? Teka nilalabhan pa ba yan?
  • Dear Santa, kamukha mo si James Harden.
  • Dear Santa, gusto ko ng PSP pero nilagay niyo sa mga medyas na nakakabit sa pader ay shampoo ng aso. Sorry po mag papakabait na ako.
  • Dear Santa, bakit ganun? Nakita kita kagabi ‘di ka naka red na costume tapos nakatakip pa mukha mo. Tapos kinabukasan nawawala mga alahas ni mama ko.
  • Dear Santa, salamat po sa mga regalo sa ilalim ng Christmas tree namin, lahat galing sa iyo. Sus, si Mama at Papa ko naman talaga nag bigay at nag balot nun eh kaya sila ang love ko hindi ikaw.
  • Dear Santa, pera nalang bigay mo pang inom lang namin.
  • Dear Santa, basta masaya ang pasko at kasama ang buong pamilya okay na ako. Pero mas okay kung may iPhone 5 ako.
  • Dear Santa, sana may makain ang mga batang pulubi, sana magkaroon din sila ng edukasyon dahil napakaimportante nito. Minsan kasi nang haharass na sila para lang kumita ng pera.
  • Dear Santa, sana bumaba ang presyo ng gasolina. Bumaba din sana sa pwesto yung mga patawang tao sa pulitiko.
  • Dear Santa, wala po akong trabaho pwede ba ako mag apply sa iyo bilang elf?
  • Dear Santa, sana matapos na ang mga gangwar sa amin mangaroling nalang sana sila. Para may pambili sila ng malalakas na armas.
  • Dear Santa, naka ilang letters na ako sa iyo hindi ka parin nag rereply. Siguro email na gamit mo noh?
  • Dear Santa, Gusto ko po ng goldfish para kakantahan ko siya ng “You are gold, always believe in your soul”
  • Dear Santa, bakit mo pinatay si Olops?
  • Dear Santa, I got a razor here. HAHAHA
  • Dear Santa, gusto ko maging spaghetti.
  • Dear Santa, gusto ko po magpadagdag ng hinaharap.
  • Dear Santa, sana po libre ang gamot para sa aming mga mahihirap, tag-ulan nanaman uso ang sakit.
  • Dear Santa, balita ko ikaw ang pinaka bagong miyembro ng high blood club.
  • Dear Santa, huwag ka dadaan sa madilim na eskinita maraming naka abang sa iyo.
  • Dear Santa, sana tama ang lyrics ng mga batang nangangaroling dito sa amin kapag kinakanta nila ang Jingle Bells.
  • Dear Santa, kailan ka mag reretired? Tanda mo na, makakakuha ka na ng pension niyan.
  • Dear Santa, gusto ko po makasama sa cast ng Avengers sa part 2 si Spiderman po pala ito.
  • Dear Santa, sana matigil na yung panloloko ng mga matatanda sa mga bata na may Santa Claus.
  • Dear Santa, saan ko po kayo makikita sa araw ng mga patay? Kailangan ko po kasi ng mga kandila.
  • Dear Santa, dahil sa iyo mababait ang mga anak ko. Sabi ko kasi di sila makakatanggap ng regalo galing sa iyo kung malilikot sila.
  • Dear Santa, sana sa pasko makapag unli ako para naman ma text ko lahat ng kamag-anak at kaibigan ko.
  • Dear Santa, ikaw ang sign na kapag nalaman na ng bata na hindi ka totoo siya ay tumatanda na.
  • Dear Santa, September palang sumusulat na ako sa iyo, sana naman pag dating ng pasko matupad na lahat ng kahilingan ko. Hindi naman ako masyadong excited noh?

Sa totoo lahat tayo ay pwedeng maging Santa Claus, dahil si Santa Claus ay kahit sino na may pagmamahal sa kapwa. Siya ay may layunin na mabuti sa lahat, may malasakit sa mga mahihirap, mapagbigay sa mga nangangailangan at kahit hindi pasko pinaparamdam niya ang essence nito.

When I found out that Santa Claus wasn’t real, I wasn’t upset; rather, I was relieved that there was a much simpler phenomenon to explain how so many children all over the world got presents on the same night! The story had been getting pretty complicated — it was getting out of hand. – Richard P. Feynman

———————-

HAVE A HAPPY WEEKEND EVERYONE!

I am on Twitter:@olops001





FIRST LOVE NEVER DIES

13 09 2012

It’s been almost  seven million eight hundred sixty-two thousand four hundred minutes since I left my comfort zone. Yes my comfort zone is my first love.  I loved her more than anything in the world and I did anything  just to make it work.

I remember the first time I fall in love with her. Everything was like a dream. I believed that romantic movies do come true. She was actually my sea in my sea dragon. Her eyes are so round and black making me think she’s a beautiful shark. When I see her my environment gets windy. And her smile… I won’t forget that, whenever she smiles I can hear the intro of the song “I can’t fight this feeling anymore”.

But I’m the problem, whenever we will do romantic stuffs I am running away screaming. I am so playful, I love playing computer games more than her. I play DOTA everyday and I’m not answering her calls. I lie, I cheat and sometimes I steal on her. Yes she’s rich and I’m a parasite. But at the end of  the day I always find time to tell her how much she means to me. I know she loves me, despite of the things I’ve done, she’s still there and supporting me. She’s a keeper.

I and my friends love to do bad stuffs and bad decisions. So every Friday until weekend we party and go to clubs. Then I met somebody in the bar. She’s so beautiful and she also has that one hit combo that I can only see with my girlfriend. But this one is hotter, and I admit more delicious. From then on I forgot that I have a girlfriend because I have this girl who I saw walking in the club.

Benefits didn’t work she fell in love with me and now I’m stuck in a situation where she’s going to kill herself if I left her. Hello? I got a girlfriend so I let her jump on a cliff and catch a grenade. Some girls are suicidal but unfortunately she didn’t kill herself. She did worse, she poisoned my girlfriend she told stories and my girlfriend got hurt and we broke up. Now I got nothing because of my carelessness.

I spent all nights with my friends, we swam in beers and alcohols and day by day I realize I can’t live without my girlfriend. I am so wasted and the handsome me turned into shrek me. I can feel the punishment of being a bad guy.

One day I saw my girlfriend in the mall, she’s so beautiful and I think that she already moved on. She’s with her new boyfriend. WHAT! She got someone new? Didn’t she know the 3 month rule? So I walked out, then suddenly she called my name. I looked back and look at her with one eye open and the other one is close. Imagine how weird I am. She smiled and I heard once again the intro of “I can’t fight this feeling anymore”.

She hugged me and gave me a one last goodbye kiss in front of her new boyfriend. And that’s what makes me moved on too. From then on I matured, I learned how to care for someone I love, I learned to start again and be a good example to others. My friends were like “Owwwws really?” but I changed, I really changed.

I decided to give up my life in Manila and everything and decided to go far from the city and apply in medical school. I also believe that sometimes the thing you most want doesn’t happen and the thing you don’t want to happen does. I don’t like sad endings, so I will tell you a happy story.

My ex-girlfriend, she’s now happy with her life, she found someone who will treat her as an angel. She’s now a model and very famous. She already has 2 kids. The girl I met in the club? She jumped in front of LRT train and died because someone left him. And me, I’m the biggest fan of my ex and now I am a doctor also with 2 kids. And this summarizes how I met your mother who I treat as an angel.

———————–

Do you want a girl version of this? Read this blog by Dianne Salazar.

Photo Credits to: Aki Yatco

Thank you 40+ Blog Followers!

I am on Twitter: @olops001





IBA’T IBANG URI NG MGA AKTIBISTA

11 09 2012

Walang mali sa paglaban | may mali, kaya lumaban – BLKD

Ako lang naman yung tipo ng tao na nakikisangkot talaga kapag kailangan ng pagbabago. Naniniwala kasi ako na mayroong aktibista sa loob ng bawat isa sa atin. May mga ayaw tayo sa pamamalakad ng gobyerno o ng eskwelahan, pero hindi ko pa nakukuha yung chance na makibahagi sa mga rally o kaya maghimagsik.

Ito na ang iba’t ibang uri ng mga aktibista.

Aktibista #1

Ako yung aktibista na sobra ang pagmamahal sa kalikasan kasama na rito ang mga yamang lupa at tubig natin. Galit ako sa mga illegal loggers. Minsan nga noong mag puputol sila ng puno tinali ko sarili ko sa puno na iyon para di nila putulin. Hindi lang iyon, kasama rin ako sa mga nanghihikayat sa publiko na huwag mag tapon ng basura kung saan-saan. Kaya please alagaan natin ang kalikasan.

Aktibista #2

Ang technique ko para mapansin ng tao ang aking pinaglalaban ay maghuhubad ako. Minsan naka body paint pero minsan hindi. Nahuli nga ako minsan ng mga pulis dahil sa scandalo na ginawa ko eh. Mas malalaman naman kasi ng mga tao ang tunay mong pinapaglaban kapag nakahubad ka. Pansinin kaya yun.

Aktibista #3

Ang laging nasa isip ko ay gulo.  Kaya kung nag rarally, may dala-dala akong pasabog, minsan pill box o kahit ano na nakakasakit sa mga otoridad. Dapat handa lang tayo lagi, lalo na kapag dini-disperse na kami. Game na game ako sa pakikipaglaban. Ingat lang kasi hindi lang tubig ng bumbero ang pantaboy nila, minsan babarilin ka ng mga pulis.

Akitibista #4

Tulad ni Rizal, pagsusulat ang gamit ko para ipaalam sa mundo na may maling nangyayari. Pwedeng editorial sa dyaryo o kaya naman blog o kahit saan. Minsan pa nga nag vavandalism na kami eh. Drawing dito drawing doon. Mapayapang paraan kasi gusto namin, diba nga the pen is mightier than the sword?

Aktibista #5

Ako yung aktibista na nagsusuot pa ng costume para malaman nila na hindi dapat saktan ang mga hayop. Noong isang araw lang dog costume suot ko kasi walang hiya yung mga tao dito. Masyadong matatakaw sa aso, kinain nila yung aso ko. Sana mamatay sila sa mga sakit na nakukuha sa pagkain ng aso. Galisin pa naman yung aso ko.

Aktibista #6

Bully ako, matapang at maangas kapag naka harap sa computer. Kahit saan may post ako ng kung ano-ano, lalo na kung may mali kang ginawa naku yari ka sa akin. Tiyak magiging biktima ka ng cyber bullying. Kaya ayos ayusin niyo pananalita niyo, marami kaming matatapang kapag nasa harap ng computer. Baka ma cyber bully ka, magulat ka pag gising mo trending ka na sa Twitter.

Aktibista #7

Musikero ako, sa pamamagitan ng musika naipapahayag ko na may mali. Sana lang mamulat ko ang mga tao sa pamamagitan ng saliw ng mga awitin. Kaya kung may historical moment na nangyari sure ako may theme song yan.

Aktibista #8

Hindi ko alam bakit ako nakikisangkot, pinilit lang naman ako eh. Di ko nga alam ang pinaglalaban namin, ano ba yung RH bill? Di ko kasi alam yun eh. Pero minsan masaya din naman, dahil sumama ka may libreng pagkain, minsan may pera pang ipinamimigay, at minsan plus grades kung connected sa eskwelahan ang pinaglalaban niyo. Pero promise wala talaga akong ka alam alam sa pinapasukan ko.

Aktibista #9

Hi Ma’am and Sir pirma naman po kayo dito. 10k signature para maalis sa pwesto ang admin ng eskwelahan namin. Signature campaign ang technique namin kaya kung may maling pamamalakad mas mainam na signatures nalang ang papakita namin nang malaman ng taong gusto naming pababain sa pwesto na marami na ang may ayaw sakanya. Minsan pa nga million signatures pa eh depende sa bigat ng kaso.

Aktibista #10

Dapat talaga mapayapa lang, kaya mag dasal nalang tayo. Prayer rally kumbaga, ipagdasal natin na sana mag sorry na yung nag plagiarize na senador at matanggap na niya na nagkamali siya. Ipagdasal natin ang mga kurakot sa gobyerno, ipagdasal natin ang mga mali na sana ay maging tama. AMEN!

Aktibista #11

Gutom na ako, paano tatlong araw na akong hindi kumakain. Nag huhunger strike kasi ako, isa ito sa alam kong paraan para makumbinse ang mga tao na itama ang mali. Sana lang talaga hindi masayang ang ginagawa kong ito. Pero hindi mo ba naisip, kung mataba ka mag hunger strike ka nalang, pumayat ka na naipaglaban mo pa ang ipinaglalaban mo.

“You may never know what results come of your actions, but if you do nothing, there will be no results.” – Mahatma Gandhi

——————————–

Salamat sa pagbabasa!

Photo credits to: Ang Gerilya

I am on Twitter: @olops001





BE A NATURE LOVER

7 09 2012

The planet does nothing but support us, and we are constantly committing crimes against nature. – Daphne Zuniga

Selling of Animals

Ang cute-cute ng mga Tarsier ang sarap hawakan at ang sarap pisilin. Gusto ko talagang mag benta ng Tarsier sa black market. Kaya pumunta ako ng Bohol at nagnakaw ako ng Tarsier. Ipopost ko ito sa internet. Mura ko lang ito binebenta kaya sure ako may bibili nito. Pero isang araw nagulat ako, yung Tarsier nabaliw inuuntog niya sarili niya sa kulungan niya, hanggang namatay ito. Oo, nagpakamatay siya. Kaya nag post ako ng “Selling Dead Suicidal Tarsier” sa internet. Aba wala pang 10 minutes may nakipag-usap na sa akin bibilin daw niya! Dumating ang time na nakipag kita ako sa buyer ko. Pulis pala siya, ayun hinuli ako at nakulong ako.

No To Mining

Kahapon tinuloy-tuloy parin namin ang paghuhukay kahit delikado na. Hukay kami nang hukay para makita namin ang nakatagong ginto. Malalim na ang nahukay namin nang biglang gumuho ito. Ngayon nakulong kami sa ilalim ng lupa. Walang pag-asa na masasagip kami. Sana nakinig nalang kami sa mga sinasabi ng mga tao na huwag na dapat kami mag mina dahil delikado. Huling kahilingan ko bago ako mamatay ay sana maging maganda akong pataba sa lupa. Mamukadkad sana ang mga bulaklak sa lupaing ito.

No To Plastic

Bawal na gumamit ng plastik sa lugar namin, bagong batas ito. Pati pumatay sa pamamagitan ng pag suffocate gamit ang plastik bawal pa rin. Masaya ako sa bagong batas na ito paano ba naman milyong taon bago malusaw ang plastik. Sana mag tuloy-tuloy ang batas na ito. Pero nakita ko kaaway ko kanina plastik yun ah!

eARTh

Magaling akong mag drawing, at isa din akong makakalikasan. Kaya isa ako sa mga nag gragraffiti sa daan upang malaman ng buong pilipinas na kailangan pangalagaan ang kalikasan. Sabi nila “Earth without ART is just eh” kaya kahit walang permit game na game akong mag vandal kahit saan. Save the seas ang tema ko. Kaya kapag nadadaanan ng mga motorista ang mga gawa ko para narin silang nag dri-drive sa malaking aquarium na walang tubig.

Food Tripping

Mahilig akong mag food trip, kahit exotic food tsibog parin sakin yan. Paborito ko manta ray, shark’s fin, minsan giraffe at iba pang hayop na malapit na ma extinct.  Pero nang malaman kong hindi pala dapat kinakain ang mga ito dahil onti nalang sila, tinigilan ko na ang pag kain. Lalo na sa pating, pinapatay pala sila para lang makuha ang fins nila. Hindi katulad ng napapanuod natin sa mga pelikula na kontrabida ang mga pating at kinakain nila ang mga tao. Sa totoo lang tayo talaga ang kontrabida, tayo ang pumapatay sa kanila. Mayroon ding mga kinakain ngayon na delikado at baka makalason pa sa katawan natin, tulad ng puffer fish. Minsan pa nga hindi kinakain eh ginagawa pa nilang palamuti sa bahay.

Save the Trees

Kalbo na ang mga kagubatan ngayon, nag puputol sila ng mga puno tapos hindi napapalitan. Ang mga tao nga naman nag puputol ng puno tapos gagawa ng papel gamit ang mga ito tapos susulatan ng “SAVE THE TREES” ang papel. Kaya ito ako sa sobrang pag mamahal sa mga puno nagtitipid ako. Kaya kapag nasa school ako nanghihingi nalang ako ng papel.

Don’t Litter

Nakaka turn off ang mga babae na walang disiplina sa sarili. Nag tatapon ng basura sa hindi tamang lugar, nagkakalat lang. Hindi ba nila kaya yung ibulsa muna pansamantala, o kaya naman ilagay nila sa handbag nilang malalaki? Hindi lang mga babae pati mga lalaki din pero kapag nakakita ako ng lalaking nag tatapon ng basura kung saan-saan hindi ako na tuturn off ahh. Pero naiinis ako. Sobrang dumi na ng kapaligiran, pati mga dagat at ilog di pinalampas. Sari-saring dumi ang itinatapon dito. Pati pa nga dumi ng tao eh. Tapos mangingisda kayo dun, kakainin niyo yung isda na kinain din yung dumi niyo? Eh di kumain ka na ng dumi!

No to Animal Cruelty

May pusa sa eskwelahan namin, ang cute cute niya. Pinangalanan ko itong “Nationwide Aswang”, wala lang trip ko lang yun yung pangalan niya. Pero isang araw pati siya napagtripan ko. Sinunog ko siya, nilubog sa pintura, sinako, hinagis sa bubong, binugbog, sinakal at binigti. Di naman namatay yung pusa, pero ako halos mamatay na dito. Vinideo ko kasi mga pinag gagawa ko sa pusa tapos pinost sa internet. Ayun tuloy na yari ako sa PAWS. Nag cocomunity service ako at inaalagaan ko ang libo-libong pusa ngayon.

Talumpati Tungkol Sa Kalikasan

Noon ako yung tipo ng tao na hindi ganun ka aktibo pag dating sa pagtulong sa kalikasan, bagamat nakasali na ako sa mga aktibidad tulad ng pagtatanim ng puno, pag takbo para sa kalikasan at pag lilinis ng kapaligiran sa aming eskwelahan wala parin akong pakialam sa nangyayari sa ating inang kalikasan.

Ngunit mula ng makita ko ang ganda ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ng Pilipinas tulad ng Chocolate hills at Mayon Volcano napagtanto ko na napakaganda pala kung ito ay ating aalagaan at hindi pababayaan. Tunay nga na maraming yamang likas ang ating inang bayan.

Nakita ko na si Prony ang pinakamalaking captive python sa Pilipinas, ang cute na cute na Tarsier, Monkey eating eagle at iba’t ibang hayop na dito lamang sa Pilipinas nakikita. Paano nalamang sila kung nasira ang ating inang kalikasan.

Pero paano tayo makakatulong sa ating kalikasan kahit sa maliit na paraan lang? Maraming paraan, bukod sa pag tatanim ng puno, pagbabasa tungkol sa kalikasan at ang walang kamatayang Reduce Reuse Recycle. Magbibigay ako ng mga paraan para sa ikabubuti ng ating inang bayan.

Sumakay ng bisikleta, lalo na kung malapit lang ang pupuntahan o para maiwasan ang mahal na paniningil ng mga drayber ng tricycle at para makabawas sa pollusyon. Bonus na dito ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. O diba? Malusog ka na nakatulong ka pa sa ating inang kalikasan.

Kumanta ng mga awitin tungkol sa kalikasan at bayan “Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin”, kanta ito ng Asin at isa na siguro sa pinakasikat na kanta tungkol sa kapaligiran. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagkanta maipaparating natin ang mensahe na dapat nating  alagaan ang kalikasan para sa ating inang bayan.

Maki isa tayo sa pagtuturo tungkol sa kapaligiran, may trabaho ka man o wala, propesyonal o hindi, bata at matanda pwede mag turo sa kapwa niya. Sa simpleng pag babawal sa mga walang disiplinang durara at nagtatapon ng basura kahit saan tulong narin iyon. Maki bahagi sa mga seminar o sumali sa mga gawaing pagsulat at paguhit gaya ng paggawa ng poster at sanaysay. Maari din tayong sumali sa mga organisasyong nagaalaga ng ating inang kalikasan.

Hindi ko inaalam ang petsa sa araw araw kung hindi naman kinakailangan kung mapapansin niyo nga aking mahal na guro ang mga papel ko ay mga walang petsa dahil di ko naman tlga ito inaalam pero bukod sa aking kaarawan at ilang mahahalagang petsa, ito ang petsang hindi ko makakalimutan. Septyembre 26, 2009 isa ako sa mga biktima ng bagyong Ondoy at nasalanta ang maraming tao sa ating inang bayan.

Doon ako naliwanagan na kapag kalikasan na ang gumanti, malupit ito at delikado masama pa maari pa natin itong ikamatay. Bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat gawin sa ating bayan kahit anong maitutulong mo maliit man o malaki ay maituturing mo ng pinaka magandang nagawa mo sa buong buhay mo. Hindi ako makakalikasan pero isa akong alagad ng ating inang kalikasan.

Ang talumpating nabanggit ay talumpati ni Eler Villegas (2012).  

Caring will be rooted in a personal experience with nature. – Jenica Dizon

Photo credits to: Vipee Gamotia Flores

HAVE A NICE WEEKEND!

I am on Twitter: @olops001





MGA KWENTO NG PAGREREBELDE

5 09 2012

Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food, and tyrannize their teachers. -Anonymous

Ito na ang iba’t ibang kwento ng pagrerebelde

Pagrerebelde #1

Lagi nalang ako pinapagalitan ng magulang ko, kahit walang ginagawa pinapagalitan parin. Hindi ko lang alam kung ano ang screw driver pinagalitan na ako ng tatay ko. Hindi lang yun minsan binubugbog pa nila ako at kinukulong sa kulungan ng aso. Hindi ko na iniisip yung kasabihan na “kaya ka nila dinidisiplina dahil mahal ka nila”. Mahal? Bakit kailangan ako saktan? Ito ako ngayon, ang naisip kong solusyon ay lumayas nalang at pumunta sa Maynila. Ganda pala ng Maynila noh pero hindi nila alam sobrang hirap ng buhay dito lalo na kung wala kang pera. Nanlilimos nalang ako, para kumita sumasayaw ako ng Gangnam Style.

Pagrerebelde #2

Lagi nalang nag-aaway magulang ko, minsan nauuwi sa hiwalayan tapos magbabalikan tapos hiwalay ulit. Ayoko na! Naiipit na ako bilang anak sa away nila. Lagi nalang! Naapektuhan na ang pag-aaral ko dahil dito. Pati social life ko wala na. Ngayong hiwalay na sila, wala na akong permanenteng tirahan. Hindi na ako umuuwi ng bahay namin, dahil kung uuwi ako wala naman ako kasama kundi katulong. Magsasaya nalang ako para makalimutan ang problema. Mag papakalunod sa alak, gusto ko lang naman sumaya. Pero kapag nalasing na mas malulungkot pa ata ako. Puro pamilya ang aking dinadaing. Dahil hiwalay na sila wala na silang anak. Mabubuhay nalang ako mag-isa kaya ko na ito. Ooops 15 years old palang pala ako.

Pagrerebelde #3

Ang boring sa bahay, internet lang ang pwedeng gawin. Pero pati internet ipinagkakait sa akin. Bawal na raw mag-internet dahil ang taas na ng bills. Internet nalang nga nag-papasaya sa napaka boring kong buhay tapos ayaw pa ako payagan. So ano gagawin ko, ahh mag drodroga nalang ako!

Pagrerebelde #4

Gusto ko lang naman makasabay sa hapag kainan ang mga magulang ko kapag kumakain ako. Pero hindi, busy kasi sila masyado sa trabaho. Wala na silang time kausapin ako. Kaya ngayon ito hindi ko na share na may nabuntis ako, hindi ko na din na share sa kanila na nanganak na yung nabuntis ko. Hindi ko na rin na kwento na 2 years old na anak ko. Sa sobrang busy nila nakalimutan na ata nila na may anak sila.

Pagrerebelde #5

Mali ang pamamalakad ng aming eskwelahan, di ko talaga gusto. Ang dami kong maling nakikita, di ko na iisa-isahin. Ngayon isa ako sa rebelde ng eskwelahan, pinutol ko ID ko senyales na isa ako sa mga nag proprotesta. Ibaba niyo tuition namin, bigyan ng scholarship ang mga student leaders yan ang ilang sigaw namin! Aktibista ako nang makabagong panahon gusto ko lang ng pagbabago.

Pagrerebelde #6

Binubugbog ako ng tatay ko dahil bakla ako. Pinipilit akong maging sundalo pero ang gusto ko lang magka boyfriend ng sundalo. Bakit hindi niya matanggap na may bakla siyang anak? Pwes ayoko na, lalayas na lang ako. Sisikapin ko maging successful sa buhay at dadating ang araw babalik ako sakanya at ipapakita na may narating ako. Sa ngayon, palit muna ako napkin ahh.

Pagrerebelde #7

Ang taas ng mga grades ko, wala akong 3.0 na marka. Pero pag-kauwi ko ng bahay pinagalitan ako, mababa pa raw to. Galit na galit sa akin ang nanay ko. Gusto niya kasi puro 1.0 grade ko. Masyado na akong nahihirapan, pagod na pagod na ako sa pagaaral. Ayoko na. Tapos Top 2 ako sa board exam nagalit siya, dapat daw top 1. Feeling ko hindi na niya ako tanggap at disgrace ako sa pamilya namin. Papakamatay nalang ako. Oops joke lang, tulad ng ibang pagrerebeldeng nabanggit lumayas din ako. Pero ako may kaya sa buhay, nakapag tapos kaya ako.

Umaylabyu kay mommy at daddy. Ang bahay nyo ay hindi lang tulugan at internetan – Ramon Bautista

Ang mga nabanggit ay simpleng pagrerebelde lamang, hindi ko na sinama pa ang mga nag-rebelde dahil sa taliwas sila sa gobyerno natin. Minsan hindi sagot ang pagrerebelde sa ating mga problema. Sigurado ako kayo din may iba’t ibang bersyon kayo ng pagrerebelde. Share niyo naman!

I am on Twitter : @olops001








%d bloggers like this: