MGA KWENTO NG PAGMAMALABIS

1 09 2012

Pagmamalabis o Hyperbole – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Napapansin ko lang na mahilig tayong gumamit ng pagmamalabis, yung tipong kung mag kwento ay sobrang exaggerated, na kadalasan ay nauuwi sa kapahamakan. Ang pagmamalabis ay hindi dapat siniseryoso pero dahil wala na sa lugar akala natin totoo na.

Ang susunod na mababasa niyo ay ang iba’t ibang kwento ng pagmamalabis:

Pagmamalabis #1

“Tol nasagasaan anak mo ng truck! Halos hindi na siya makalakad, 50-50 na siya!” sabi ng kaibigan ko na tumawag pa sa cellphone ko. Sobra ang aking pag-aalala at nag mamadali akong umuwi. Pag dating sa bahay nakita ko ang aking anak at sinabi niya sakin “Hi Dad!” Nadaplisan lang pala siya ng motor at gasgas lang pala ang natamong injury.

Pagmamalabis #2

Masayang-masaya ako noong binalita sa akin ng mga kaklase ko na sobrang taas ko daw sa exam namin, ako daw ang highest. Sa sobrang saya ko nilibre ko sila ng Lunch. Aba dapat lang nag-review kaya ako. Pag dating ng bigayan ng scores ako pala ay bagsak at pinakamababa sa buong klase. Sabi ng mga kaklase ko “joke lang yun naniwala ka naman” sabay tawa. Naging masaya ako sa wala at nasayang pa ang pera ko.

Pagmamalabis #3

May pulubing lumapit sa akin, sabi niya pahingi daw ng pera, at gutom na gutom na siya, sa sobrang gutom niya daw kahit bato kakainin niya kung hindi ko siya bibigyan ng pambili ng pagkain. Naawa naman ako kaya binigyan ko siya ng bente. Sinundan ko siya ng tingin para makita kung saan siya pupunta. Laking gulat ko nang sa hardware siya nagpunta. Inisip ko ahh, baka may bakery yung hardware, pero hindi! Imbis na pagkain, Rugby binili ng pulubing bata na yun. Kasalanan ko pa tuloy ngayon kung mag kakasakit ang batang iyon.

Pagmamalabis #4

Sobra kung manlait ang kaibigan ko sa kaklase namin na mentally challenge. Oo, bobo daw siya, pero hindi ko naman alam kung totoo yun. Hindi naman siya nag rerecite at tahimik lang sa isang sulok. Minsan pinagkakalat pa niya na singlaki lang ng munggo ang utak nun. Isang araw nagpa activity ang teacher namin. 1 vs 1 debate at random ang makakalaban mo! Nagkataon nakalaban ng kaibigan ko yung nilalait niya at sinasabi niya sa amin na sure win na raw siya. Sa hindi inaasahang pangyayari si utak-gamunggo ay sobrang talino pala at walang nasabi ang kaibigan ko sa kanilang buong laban. Na shock siya. Buti nga sa kanya.

Pagmamalabis #5

Umiiyak ako ngayon, kabadong-kabado hindi alam ang gagawin, dahil sabi ng mga kaibigan ko, “lagot ka wag ka nang uuwi sa bahay niyo, inaabangan ka na ng tatay mo pag-hahampasin ka nun ng troso, ginabi ka nanaman kasi jan sa kompyuteran ah”. Kaya nanginginig akong pumasok sa bahay. Pag pasok ko nakita ako ng tatay ko. Tinawag niya ako. “Ang tagal mo naman gabi na ah, bakit ka umiiyak?” sabi ng tatay ko. “Kasi po papagalitan niyo po ako” sagot ko naman. “Aba bakit kita papagalitan eh may pinapaprint ako sayo nasira printer natin. Bumalik ka dun at paprint mo dali!”. Yun lang pala ang pinapasabi ng tatay ko sa mga kaibigan ko, tapos gumawa na sila ng kakaibang kwento.

Pagmamalabis #6

Nakidnap daw yung kapatid kong babae, sinakay siya sa puting van ng nakamaskarang lalaki. Sa sobrang pag-aalala tumawag ako ng pulis para i-report ang pangyayaring ito. Yun pala boyfriend niya yun at sinama lang siya sa isang party na may temang dapat naka maskara ang mga dadalo.

Pagmamalabis #7

Nawawala ang aso ko tatlong araw na. Askal lang yun at palaboy-laboy lang sa daan, umuuwi lang siya kapag kakain na siya or mag-papahinga. Pero ngayon hindi na siya umuuwi. Inalam ko kung nasaan na siya. Ang dami kong kwentong natanggap, kinain na daw siya ng mga tambay kasi nangangagat, nasagasaan daw sa highway at hinimatay dahil takot sa pusa. Ilan lang yan sa mga naririnig kong kwento-kwento. Yun pala nag-asawa lang na-inlove ang lokong aso ko. Ngayon ito siya oh kinakagat tsinelas ko.

Pagmamalabis #8

Inis na inis ako sa mga manliligaw ko na nag-sasabi ng mamatay ako kung mawawala ka. WOW! Ano ako pangangailangan? Oxygen ganun? Pagkain o tubig? Bakit sila mamatay?

Pagmamalabis #9

Marami daw siyang gagawin, sobrang dami daw wala na siyang oras mag-sipilyo, kaya di niya ako sinamahan sa mall na last week pa namin napagusapan na manunuod kami ng sine. Pambihirang boyfriend to oh, napakasinungaling naglalaro lang naman pala siya ng DOTA.

Pagmamalabis #10

Nabalitaan ng kabarkada ko na namatay ang mga magulang niya sa probinsiya. “NAMATAY” talaga ang term na ginamit noong binalita sa kanya. Sa sobrang lungkot niya bumaha ng luha sa dormitoryo namin. Hindi lang luha, may mga sipon pa kaming nakitang nakadikit sa pader. Naisipan na niyang magpakamatay pero napigilan namin siya. Hanggang sa isang araw nabalitaan namin hindi naman pala namatay mga magulang niya. Ang namatay pala ay yung mangkukulam na nangkulam sa kanya. Hindi talaga maganda ang naidudulot ng mga maling balita.

Sana nakuha niyo ang point ko, sana nasa lugar ang pag gamit natin ng pagmamalabis para hindi magkaroon ng masamang epekto sa atin. Pero pagdating sa larangan ng panitikan ang pag gamit ng Pagmamalabis o Hyperbole ay napaka epektibo.

As of now mayroon na akong 30 blog followers maraming salamat sa inyo!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

18 responses

1 09 2012
KALOY

Haha uso O.A ngayon.

1 09 2012
olops001

oo nga eh, madalas akong mabiktima ng mga ganito. Lalo na kung seryoso ka pa naman.

1 09 2012
KALOY

Si mama ko ang pinaka magandang example sa ganito. Kaloy late ka na!! Alas onse na. Eh alas diyes ang pasok ko. Alas nuebe pa lang pala.

1 09 2012
olops001

haha ganyan din mama ko dati! HAHAHA tanghali na daw eh wala pa ngang alas otso. Nice salamat sa pag papa alala sa akin. Check mo di pareng kaloy yung iba kong blog post. Sana di kita mabigo.

1 09 2012
KALOY

ou cge cge. Paunti unti matatapos ko mga blog posts niyong lahat. As of now OLOPS (ano gusto mo tawag ko sayo) nag ddraft ako ng story. Tatlo ang tinatrabaho ko.

1 09 2012
olops001

Eler or Olops will do. 🙂

1 09 2012
KALOY

Bakit eler? parang heller???

1 09 2012
olops001

yup rhyme nga po haha, unique na name ko talaga yan na ibinigay sa akin ng parents ko.

1 09 2012
KALOY

Eler polo totoo name mo nu?

2 09 2012
olops001

ngek hindi, check mo yung about the reindeer page ko kuya.

2 09 2012
zezil

O! Mahusay ang pagkakasulat mo. Entertaining na may aral pa. ;D

3 09 2012
potsquared

naku.. may ex-friend ako na ganyan ang ugali.. hindi ko alam kung nagkukwento siya ng exag para mapansin o talagang may kakaibang sapi lang siya… maganda itong nabasa ko.. ehehehehe it brings back memories.. hihihi

3 09 2012
olops001

ex-friend or ex-gf?

4 09 2012
potsquared

ex-friend…

3 09 2012
DonQC06

disturbing yung sipon sa pader ah. haha 🙂

4 09 2012
olops001

Oo nga eh na imagine ko din

5 09 2012
Annoyingly Tempting

napapanahon ang ka-OAhan nowadays lol dala kaya ito ng masamang panahon? haha

napasilip lamang..

5 09 2012
olops001

salamat sa pag bisita 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: