BE A NATURE LOVER

7 09 2012

The planet does nothing but support us, and we are constantly committing crimes against nature. – Daphne Zuniga

Selling of Animals

Ang cute-cute ng mga Tarsier ang sarap hawakan at ang sarap pisilin. Gusto ko talagang mag benta ng Tarsier sa black market. Kaya pumunta ako ng Bohol at nagnakaw ako ng Tarsier. Ipopost ko ito sa internet. Mura ko lang ito binebenta kaya sure ako may bibili nito. Pero isang araw nagulat ako, yung Tarsier nabaliw inuuntog niya sarili niya sa kulungan niya, hanggang namatay ito. Oo, nagpakamatay siya. Kaya nag post ako ng “Selling Dead Suicidal Tarsier” sa internet. Aba wala pang 10 minutes may nakipag-usap na sa akin bibilin daw niya! Dumating ang time na nakipag kita ako sa buyer ko. Pulis pala siya, ayun hinuli ako at nakulong ako.

No To Mining

Kahapon tinuloy-tuloy parin namin ang paghuhukay kahit delikado na. Hukay kami nang hukay para makita namin ang nakatagong ginto. Malalim na ang nahukay namin nang biglang gumuho ito. Ngayon nakulong kami sa ilalim ng lupa. Walang pag-asa na masasagip kami. Sana nakinig nalang kami sa mga sinasabi ng mga tao na huwag na dapat kami mag mina dahil delikado. Huling kahilingan ko bago ako mamatay ay sana maging maganda akong pataba sa lupa. Mamukadkad sana ang mga bulaklak sa lupaing ito.

No To Plastic

Bawal na gumamit ng plastik sa lugar namin, bagong batas ito. Pati pumatay sa pamamagitan ng pag suffocate gamit ang plastik bawal pa rin. Masaya ako sa bagong batas na ito paano ba naman milyong taon bago malusaw ang plastik. Sana mag tuloy-tuloy ang batas na ito. Pero nakita ko kaaway ko kanina plastik yun ah!

eARTh

Magaling akong mag drawing, at isa din akong makakalikasan. Kaya isa ako sa mga nag gragraffiti sa daan upang malaman ng buong pilipinas na kailangan pangalagaan ang kalikasan. Sabi nila “Earth without ART is just eh” kaya kahit walang permit game na game akong mag vandal kahit saan. Save the seas ang tema ko. Kaya kapag nadadaanan ng mga motorista ang mga gawa ko para narin silang nag dri-drive sa malaking aquarium na walang tubig.

Food Tripping

Mahilig akong mag food trip, kahit exotic food tsibog parin sakin yan. Paborito ko manta ray, shark’s fin, minsan giraffe at iba pang hayop na malapit na ma extinct.  Pero nang malaman kong hindi pala dapat kinakain ang mga ito dahil onti nalang sila, tinigilan ko na ang pag kain. Lalo na sa pating, pinapatay pala sila para lang makuha ang fins nila. Hindi katulad ng napapanuod natin sa mga pelikula na kontrabida ang mga pating at kinakain nila ang mga tao. Sa totoo lang tayo talaga ang kontrabida, tayo ang pumapatay sa kanila. Mayroon ding mga kinakain ngayon na delikado at baka makalason pa sa katawan natin, tulad ng puffer fish. Minsan pa nga hindi kinakain eh ginagawa pa nilang palamuti sa bahay.

Save the Trees

Kalbo na ang mga kagubatan ngayon, nag puputol sila ng mga puno tapos hindi napapalitan. Ang mga tao nga naman nag puputol ng puno tapos gagawa ng papel gamit ang mga ito tapos susulatan ng “SAVE THE TREES” ang papel. Kaya ito ako sa sobrang pag mamahal sa mga puno nagtitipid ako. Kaya kapag nasa school ako nanghihingi nalang ako ng papel.

Don’t Litter

Nakaka turn off ang mga babae na walang disiplina sa sarili. Nag tatapon ng basura sa hindi tamang lugar, nagkakalat lang. Hindi ba nila kaya yung ibulsa muna pansamantala, o kaya naman ilagay nila sa handbag nilang malalaki? Hindi lang mga babae pati mga lalaki din pero kapag nakakita ako ng lalaking nag tatapon ng basura kung saan-saan hindi ako na tuturn off ahh. Pero naiinis ako. Sobrang dumi na ng kapaligiran, pati mga dagat at ilog di pinalampas. Sari-saring dumi ang itinatapon dito. Pati pa nga dumi ng tao eh. Tapos mangingisda kayo dun, kakainin niyo yung isda na kinain din yung dumi niyo? Eh di kumain ka na ng dumi!

No to Animal Cruelty

May pusa sa eskwelahan namin, ang cute cute niya. Pinangalanan ko itong “Nationwide Aswang”, wala lang trip ko lang yun yung pangalan niya. Pero isang araw pati siya napagtripan ko. Sinunog ko siya, nilubog sa pintura, sinako, hinagis sa bubong, binugbog, sinakal at binigti. Di naman namatay yung pusa, pero ako halos mamatay na dito. Vinideo ko kasi mga pinag gagawa ko sa pusa tapos pinost sa internet. Ayun tuloy na yari ako sa PAWS. Nag cocomunity service ako at inaalagaan ko ang libo-libong pusa ngayon.

Talumpati Tungkol Sa Kalikasan

Noon ako yung tipo ng tao na hindi ganun ka aktibo pag dating sa pagtulong sa kalikasan, bagamat nakasali na ako sa mga aktibidad tulad ng pagtatanim ng puno, pag takbo para sa kalikasan at pag lilinis ng kapaligiran sa aming eskwelahan wala parin akong pakialam sa nangyayari sa ating inang kalikasan.

Ngunit mula ng makita ko ang ganda ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ng Pilipinas tulad ng Chocolate hills at Mayon Volcano napagtanto ko na napakaganda pala kung ito ay ating aalagaan at hindi pababayaan. Tunay nga na maraming yamang likas ang ating inang bayan.

Nakita ko na si Prony ang pinakamalaking captive python sa Pilipinas, ang cute na cute na Tarsier, Monkey eating eagle at iba’t ibang hayop na dito lamang sa Pilipinas nakikita. Paano nalamang sila kung nasira ang ating inang kalikasan.

Pero paano tayo makakatulong sa ating kalikasan kahit sa maliit na paraan lang? Maraming paraan, bukod sa pag tatanim ng puno, pagbabasa tungkol sa kalikasan at ang walang kamatayang Reduce Reuse Recycle. Magbibigay ako ng mga paraan para sa ikabubuti ng ating inang bayan.

Sumakay ng bisikleta, lalo na kung malapit lang ang pupuntahan o para maiwasan ang mahal na paniningil ng mga drayber ng tricycle at para makabawas sa pollusyon. Bonus na dito ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. O diba? Malusog ka na nakatulong ka pa sa ating inang kalikasan.

Kumanta ng mga awitin tungkol sa kalikasan at bayan “Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin”, kanta ito ng Asin at isa na siguro sa pinakasikat na kanta tungkol sa kapaligiran. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagkanta maipaparating natin ang mensahe na dapat nating  alagaan ang kalikasan para sa ating inang bayan.

Maki isa tayo sa pagtuturo tungkol sa kapaligiran, may trabaho ka man o wala, propesyonal o hindi, bata at matanda pwede mag turo sa kapwa niya. Sa simpleng pag babawal sa mga walang disiplinang durara at nagtatapon ng basura kahit saan tulong narin iyon. Maki bahagi sa mga seminar o sumali sa mga gawaing pagsulat at paguhit gaya ng paggawa ng poster at sanaysay. Maari din tayong sumali sa mga organisasyong nagaalaga ng ating inang kalikasan.

Hindi ko inaalam ang petsa sa araw araw kung hindi naman kinakailangan kung mapapansin niyo nga aking mahal na guro ang mga papel ko ay mga walang petsa dahil di ko naman tlga ito inaalam pero bukod sa aking kaarawan at ilang mahahalagang petsa, ito ang petsang hindi ko makakalimutan. Septyembre 26, 2009 isa ako sa mga biktima ng bagyong Ondoy at nasalanta ang maraming tao sa ating inang bayan.

Doon ako naliwanagan na kapag kalikasan na ang gumanti, malupit ito at delikado masama pa maari pa natin itong ikamatay. Bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat gawin sa ating bayan kahit anong maitutulong mo maliit man o malaki ay maituturing mo ng pinaka magandang nagawa mo sa buong buhay mo. Hindi ako makakalikasan pero isa akong alagad ng ating inang kalikasan.

Ang talumpating nabanggit ay talumpati ni Eler Villegas (2012).  

Caring will be rooted in a personal experience with nature. – Jenica Dizon

Photo credits to: Vipee Gamotia Flores

HAVE A NICE WEEKEND!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

10 responses

7 09 2012
Annoyingly Tempting

May kakilala akong namatay ang buong pamilya dahil natabunan ng lupa ng minsang bumagyo at nagkalandslide sa lugar nila. Ung tatay nya nagtatrabaho sa minahan (ilegal na minahan), ilang beses na ring nanganib ang buhay nun sa kung ilang pagguho sa loob ng minahan, pero nakaligtas. Di sya pinalad sa pagkakataong ito ng maglandslide, natabunan ang buong bahay nila.

Ahh, kasama nga pala ung kakilala ko sa namatay. Isang buong pamilya sila. Ama, Ina, ung kakilala ko at tatlong nakababatang kapatid nya edad 7,4 at 2 buwang gulang na baby.

————–
Nang minsang magawi sa MRT cubao ung dati kong katipan, nahuli sya ng MMDA na nagtapon ng upos ng sigarilyo at balat ng kendi, pinagmumulta sya ng 500 for littering. Hindi nya binayaran. Tinakasan nya. Nung nakaraang dere-derecho ang ulan, binaha ung bahay nila. Karamihan puro balat ng kung ano.

————-
Dapat pinagbabawal din ung mga taong plastik.

7 09 2012
olops001

Bilib na ako sayo Annoyingly Tempting, isa ka ngang dakilang taga basa. Kadalasan kapag may bago akong post ikaw agad una nakakabasa. Hehe salamat sa laging pag babasa ng mga gawa ko ah. Marahil Karma na nila yun.

7 09 2012
Annoyingly Tempting

Nagkakataon lang na nakatunganga ako sa tapat ng komputer sa oras na nagpopost ka. Sa tingin ko eh mas mainam na yun kesa tumingala sa langit sa pagbabakasakaling malaglagan ng kahit na isang bituin. hahaha

Naniniwala ka ba sa karma? Sa swerte? Sa malas?
Ako, hindi.

🙂

Magandang araw!

7 09 2012
olops001

yup naniniwala ako, sa karma. Swerte ewan more on expression kasi sakin yun eh. Naniniwala din ako na dapat gumawa ka ng mabuti para mabuti din ang balik sayo. Magandang araw din!

7 09 2012
Annoyingly Tempting

What goes around comes around ne? Hehehe
Tama naman.
Pero kailangan ng pangbalanse. Kailangan ng mundo ng “balance”. Kung puro kabutihan lang, ano na lang mangyayari? (para ko na ring sinabing masamang tao ako hahaha)
Just trying to make a senseless point in here. hehe

7 09 2012
olops001

hehe ayos lang yan lahat naman tayo may sariling opinyon.

10 09 2012
potsquared

ganda ng pagpoint mo dito olops.. sana nga ay magkaroon ng pagmamahal sa kalikasan ang bawat isa.. ang saya saya siguro…

10 09 2012
olops001

Pot jan ba sa Japan okay naman yung environment jan?

10 09 2012
potsquared

ayy oo.. ang ayos dito.. disiplinado ang mga tao.. may proper waste segregation, drinkable ang tubig gripo, madaming puno kahit nasa city, nag rerecyle.. ayy sobra…

12 09 2012
Marya

Magaling! Magaling! Naalala ko tuloy yung kantang “Anak ng Pasig” ng Smokey Mountain…ang galing ng talumpati at dapat ngang pansinin ang mga isyung sinabi mo. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: