IBA’T IBANG URI NG MGA AKTIBISTA

11 09 2012

Walang mali sa paglaban | may mali, kaya lumaban – BLKD

Ako lang naman yung tipo ng tao na nakikisangkot talaga kapag kailangan ng pagbabago. Naniniwala kasi ako na mayroong aktibista sa loob ng bawat isa sa atin. May mga ayaw tayo sa pamamalakad ng gobyerno o ng eskwelahan, pero hindi ko pa nakukuha yung chance na makibahagi sa mga rally o kaya maghimagsik.

Ito na ang iba’t ibang uri ng mga aktibista.

Aktibista #1

Ako yung aktibista na sobra ang pagmamahal sa kalikasan kasama na rito ang mga yamang lupa at tubig natin. Galit ako sa mga illegal loggers. Minsan nga noong mag puputol sila ng puno tinali ko sarili ko sa puno na iyon para di nila putulin. Hindi lang iyon, kasama rin ako sa mga nanghihikayat sa publiko na huwag mag tapon ng basura kung saan-saan. Kaya please alagaan natin ang kalikasan.

Aktibista #2

Ang technique ko para mapansin ng tao ang aking pinaglalaban ay maghuhubad ako. Minsan naka body paint pero minsan hindi. Nahuli nga ako minsan ng mga pulis dahil sa scandalo na ginawa ko eh. Mas malalaman naman kasi ng mga tao ang tunay mong pinapaglaban kapag nakahubad ka. Pansinin kaya yun.

Aktibista #3

Ang laging nasa isip ko ay gulo.  Kaya kung nag rarally, may dala-dala akong pasabog, minsan pill box o kahit ano na nakakasakit sa mga otoridad. Dapat handa lang tayo lagi, lalo na kapag dini-disperse na kami. Game na game ako sa pakikipaglaban. Ingat lang kasi hindi lang tubig ng bumbero ang pantaboy nila, minsan babarilin ka ng mga pulis.

Akitibista #4

Tulad ni Rizal, pagsusulat ang gamit ko para ipaalam sa mundo na may maling nangyayari. Pwedeng editorial sa dyaryo o kaya naman blog o kahit saan. Minsan pa nga nag vavandalism na kami eh. Drawing dito drawing doon. Mapayapang paraan kasi gusto namin, diba nga the pen is mightier than the sword?

Aktibista #5

Ako yung aktibista na nagsusuot pa ng costume para malaman nila na hindi dapat saktan ang mga hayop. Noong isang araw lang dog costume suot ko kasi walang hiya yung mga tao dito. Masyadong matatakaw sa aso, kinain nila yung aso ko. Sana mamatay sila sa mga sakit na nakukuha sa pagkain ng aso. Galisin pa naman yung aso ko.

Aktibista #6

Bully ako, matapang at maangas kapag naka harap sa computer. Kahit saan may post ako ng kung ano-ano, lalo na kung may mali kang ginawa naku yari ka sa akin. Tiyak magiging biktima ka ng cyber bullying. Kaya ayos ayusin niyo pananalita niyo, marami kaming matatapang kapag nasa harap ng computer. Baka ma cyber bully ka, magulat ka pag gising mo trending ka na sa Twitter.

Aktibista #7

Musikero ako, sa pamamagitan ng musika naipapahayag ko na may mali. Sana lang mamulat ko ang mga tao sa pamamagitan ng saliw ng mga awitin. Kaya kung may historical moment na nangyari sure ako may theme song yan.

Aktibista #8

Hindi ko alam bakit ako nakikisangkot, pinilit lang naman ako eh. Di ko nga alam ang pinaglalaban namin, ano ba yung RH bill? Di ko kasi alam yun eh. Pero minsan masaya din naman, dahil sumama ka may libreng pagkain, minsan may pera pang ipinamimigay, at minsan plus grades kung connected sa eskwelahan ang pinaglalaban niyo. Pero promise wala talaga akong ka alam alam sa pinapasukan ko.

Aktibista #9

Hi Ma’am and Sir pirma naman po kayo dito. 10k signature para maalis sa pwesto ang admin ng eskwelahan namin. Signature campaign ang technique namin kaya kung may maling pamamalakad mas mainam na signatures nalang ang papakita namin nang malaman ng taong gusto naming pababain sa pwesto na marami na ang may ayaw sakanya. Minsan pa nga million signatures pa eh depende sa bigat ng kaso.

Aktibista #10

Dapat talaga mapayapa lang, kaya mag dasal nalang tayo. Prayer rally kumbaga, ipagdasal natin na sana mag sorry na yung nag plagiarize na senador at matanggap na niya na nagkamali siya. Ipagdasal natin ang mga kurakot sa gobyerno, ipagdasal natin ang mga mali na sana ay maging tama. AMEN!

Aktibista #11

Gutom na ako, paano tatlong araw na akong hindi kumakain. Nag huhunger strike kasi ako, isa ito sa alam kong paraan para makumbinse ang mga tao na itama ang mali. Sana lang talaga hindi masayang ang ginagawa kong ito. Pero hindi mo ba naisip, kung mataba ka mag hunger strike ka nalang, pumayat ka na naipaglaban mo pa ang ipinaglalaban mo.

“You may never know what results come of your actions, but if you do nothing, there will be no results.” – Mahatma Gandhi

——————————–

Salamat sa pagbabasa!

Photo credits to: Ang Gerilya

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

9 responses

11 09 2012
ResidentPatriot

dun ako sa aktibista #11, multi-tasking 😀

11 09 2012
olops001

haha, pwede! pero kapag payat ka tapos hunger strike ka parin kawawa ka naman.

11 09 2012
ResidentPatriot

ok lang ‘yun, pwede ka na huminto sa pagiging aktibista nun dahil may na-accomplish ka na hehe 😀

12 09 2012
Marya

Marami akong friends na aktibista nung college. ilang beses na rin akong nag-rally, nag-martsa at sumigaw-sigaw. Namaos na rin sa kasisigaw ng “Gloria resign!” Tama ang sinabi mo, maraming uri ng aktibista. Perhaps, it’s a privilege to have had the opportunity to meet a lot of activists. Some I admire. Some I loathe. Yung no,8–they give activism a bad name. 🙂

12 09 2012
olops001

yup mga feeling aktibista lang sila. Naiinis lang kasi talaga ako sa mga nakikiuso eh.

13 09 2012
25pesocupnoodles

wagi ang #4 at #6.. ayun. ang napakahalaga nito ay ang kaalaman sa ipinaglalaban at base sa makabuluhang prinsipyo.

ika nga, “wag matakot, makibaka, wag matakot”, isulong ang tahimik na pakikibaka….

13 09 2012
olops001

Namiss kita cupnoodles! oo mahalaga na makisangkot tayo. maraming salamat sa muling pagbabasa ng mga gawa ko.

13 09 2012
25pesocupnoodles

na miss ko rin ang paglilibot…. mabuti at nakabalik ako dito, hahahaha. minsan bigla-bilga na lamang ako susulpot.

26 09 2012
potsquared

parang gusto ko yung 11… papayat ako!! hihihi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: