DEAR SANTA

15 09 2012

How dreary would be the world if there was no Santa Claus!… There would be no childlike faith then, no poetry, no romance to make tolerable this existence. – Francis P. Church

100 days before Christmas, bawat isa sa atin may kahilingan ngayong nalalapit na ang kapaskuhan. Hindi ako naniniwala sa Santa Clause pero parang hindi kumpleto ang pasko kapag wala siya. More on spiritual kasi tayong mga Pilipino pag dating sa pasko.

Ito ang mga iba’t ibang sulat kay Santa Claus:

  • Dear Santa, sana malunasan na ang sistema ng traffic dito sa Pilipinas, pahingi narin ng sports car ah.
  • Dear Santa, pahingi po love life pwede ka ba?
  • Dear Santa, you need to lose weight you can’t fit on our chimney. Joke walang chimney ang bahay namin sa Pilipinas
  • Dear Santa, may permit ka po ba sa DENR para mag alaga ng mga Reindeers?
  • Dear Santa, sino po nag lalaba ng damit niyo? Teka nilalabhan pa ba yan?
  • Dear Santa, kamukha mo si James Harden.
  • Dear Santa, gusto ko ng PSP pero nilagay niyo sa mga medyas na nakakabit sa pader ay shampoo ng aso. Sorry po mag papakabait na ako.
  • Dear Santa, bakit ganun? Nakita kita kagabi ‘di ka naka red na costume tapos nakatakip pa mukha mo. Tapos kinabukasan nawawala mga alahas ni mama ko.
  • Dear Santa, salamat po sa mga regalo sa ilalim ng Christmas tree namin, lahat galing sa iyo. Sus, si Mama at Papa ko naman talaga nag bigay at nag balot nun eh kaya sila ang love ko hindi ikaw.
  • Dear Santa, pera nalang bigay mo pang inom lang namin.
  • Dear Santa, basta masaya ang pasko at kasama ang buong pamilya okay na ako. Pero mas okay kung may iPhone 5 ako.
  • Dear Santa, sana may makain ang mga batang pulubi, sana magkaroon din sila ng edukasyon dahil napakaimportante nito. Minsan kasi nang haharass na sila para lang kumita ng pera.
  • Dear Santa, sana bumaba ang presyo ng gasolina. Bumaba din sana sa pwesto yung mga patawang tao sa pulitiko.
  • Dear Santa, wala po akong trabaho pwede ba ako mag apply sa iyo bilang elf?
  • Dear Santa, sana matapos na ang mga gangwar sa amin mangaroling nalang sana sila. Para may pambili sila ng malalakas na armas.
  • Dear Santa, naka ilang letters na ako sa iyo hindi ka parin nag rereply. Siguro email na gamit mo noh?
  • Dear Santa, Gusto ko po ng goldfish para kakantahan ko siya ng “You are gold, always believe in your soul”
  • Dear Santa, bakit mo pinatay si Olops?
  • Dear Santa, I got a razor here. HAHAHA
  • Dear Santa, gusto ko maging spaghetti.
  • Dear Santa, gusto ko po magpadagdag ng hinaharap.
  • Dear Santa, sana po libre ang gamot para sa aming mga mahihirap, tag-ulan nanaman uso ang sakit.
  • Dear Santa, balita ko ikaw ang pinaka bagong miyembro ng high blood club.
  • Dear Santa, huwag ka dadaan sa madilim na eskinita maraming naka abang sa iyo.
  • Dear Santa, sana tama ang lyrics ng mga batang nangangaroling dito sa amin kapag kinakanta nila ang Jingle Bells.
  • Dear Santa, kailan ka mag reretired? Tanda mo na, makakakuha ka na ng pension niyan.
  • Dear Santa, gusto ko po makasama sa cast ng Avengers sa part 2 si Spiderman po pala ito.
  • Dear Santa, sana matigil na yung panloloko ng mga matatanda sa mga bata na may Santa Claus.
  • Dear Santa, saan ko po kayo makikita sa araw ng mga patay? Kailangan ko po kasi ng mga kandila.
  • Dear Santa, dahil sa iyo mababait ang mga anak ko. Sabi ko kasi di sila makakatanggap ng regalo galing sa iyo kung malilikot sila.
  • Dear Santa, sana sa pasko makapag unli ako para naman ma text ko lahat ng kamag-anak at kaibigan ko.
  • Dear Santa, ikaw ang sign na kapag nalaman na ng bata na hindi ka totoo siya ay tumatanda na.
  • Dear Santa, September palang sumusulat na ako sa iyo, sana naman pag dating ng pasko matupad na lahat ng kahilingan ko. Hindi naman ako masyadong excited noh?

Sa totoo lahat tayo ay pwedeng maging Santa Claus, dahil si Santa Claus ay kahit sino na may pagmamahal sa kapwa. Siya ay may layunin na mabuti sa lahat, may malasakit sa mga mahihirap, mapagbigay sa mga nangangailangan at kahit hindi pasko pinaparamdam niya ang essence nito.

When I found out that Santa Claus wasn’t real, I wasn’t upset; rather, I was relieved that there was a much simpler phenomenon to explain how so many children all over the world got presents on the same night! The story had been getting pretty complicated — it was getting out of hand. – Richard P. Feynman

———————-

HAVE A HAPPY WEEKEND EVERYONE!

I am on Twitter:@olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

11 responses

15 09 2012
Annoyingly Tempting

napakaloser ko naman hindi ko kilala si James Harden. OMG! hahaha

mas gusto kong maging icecream kaysa ispageti, hulaan mo kung bakit. Ahhh wag na pala. hindi magandang ideya na ipahula yun hahaha

meri pasko!

15 09 2012
olops001

hahahaha, Si James Harden po ay sikat na basketball player na mahaba ang balbas. Haha share naman jan bakit Ice cream. Salamat Annoyingly Tempting tulad ng dati ikaw nanaman first reader ko.

15 09 2012
GraceYü (@HeartonAce)

Galing naman ne’to! hahaha.
May dagdag ako:

*Dear Santa, pwede pong I-Text ko na lang kayo? Tutal naman po Advance na Technology, meron narin po siguro diyan sa North Pole. Sige po Santa, Umaasa sa `yong Reply 🙂

😀 Hehe.

19 09 2012
19 09 2012
abuenaobra

Dear Santa, may permit ka po ba sa DENR para mag alaga ng mga Reindeers? WINNER! :DDD

23 09 2012
yanaamari

ako! ako! naniniwala ako kay Santa Claus, swear! kahit sabi nila hindi sya tunay, naniniwala pa rin ako. hahahaha wala laaaang :))))

23 09 2012
abuenaobra

okay lang ‘yan. kanya-kanya lanng naman ng paniniwala yan. if that belief makes you happy and all. go ka na d’yan! 😀

24 09 2012
olops001

oo nga, actually ako naniniwala din naman ako dati eh kaya masasabi ko masaya ang childhood ko. Sabi ko nga diba sign ng pagtanda kapag hindi na naniniwala kay Santa 😀

26 09 2012
potsquared

gusto mo pang maging elf eh di ba reindeer ka na? ehehehehe.. advance merry pasko!

26 09 2012
olops001

haha, di naman masyado. Merry Pasko din!

27 09 2012
bagotilyo

Dear Santa, naka ilang letters na ako sayo hindi ka parin nag rereply. Siguro email na gamit mo noh?

— hahaa .. baka nga .. di din nagrereply sakin si santa eh . lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: