ALL ABOUT SOAP!

29 09 2012

Soap and water and common sense are the best disinfectants. – William Osler

Ang hirap siguro kung walang sabon sa mundo. Makayanan kaya natin na maligo ng di nagsasabon? Ano nalang mangyayari sa mga plato na pinagkainan natin kung di natin ito sasabunan? Ang buhay parang sabon lang yan, basahin at alamin ang koneksyon ng sabon sa atin.

Love

Ang sabon sa kakagamit nauubos yan.
Ang pagsasabi ng I LOVE YOU ay parang sabon, sa kakagamit nawawalan na ng saysay.

Kapag ang kalaguyo mo ay may mahal ng iba hayaan mo na siya. Bakit ang sabon ba kapag nahulog sa bowl na punong-puno ng tae pupulutin mo pa?

Ang babae kapag niloko mo magiging germs ka na sa paningin niyan. Ang babae parang sabon, kills 99.9% of germs.

Sa sobrang bitter mo nahiya na sabon sayo. Try mo tikman yung sabon sobrang pait. Pero mas bitter ka parin!

Pulitika

May mga sabon na kapag bago may mga nakaukit na pangalan. Habang tumatagal nawawala ang pangalan, pero hindi mo nakakalimutan ang pangalan nito kahit nabura na.
Kaya kapag ang isang tao tumagal na sa pulitika at gumawa ng hindi kaaya-aya sa atin, nawawalan na siya ng pangalan, pero hindi mo nakakalimutan ang mga ginawa niya.

Ang sabon maraming klase yan, may papaya soap, apple soap at iba pang natural soaps. Pero kung sobrang kapal na ng mukha mo sana makaimbento sila ng Makahiya soap.

Gangster

Kapag sumali ka sa fraternity namin wag kang mag-alala parang sabon lang yan, PROTEKTADO KA!

Ang mga gangster parang sabon madudulas yan, ang lakas makipag gang war pero kapag may pulis na ang bibilis tumakbo at tumakas.

Pagkain

Pagbinato ka ng bato batuhin mo ng tinapay at sabon, maghugas muna ng kamay bago kumain.

Pagtitipid

Ang body soap ay simbolo din ng pagtitipid, kapag wala ka ng shampoo body soap nalang gamitin mo sa buhok mo.

Sinabon
– pandiwa, pinagalitan, nayari, sinaway

Naaalala ko pa ang kwento ng bestfriend ko noon, sinabon siya ng nanay niya. Dahil dun nagkulong siya sa banyo at kinain niya yung sabon. Ooops wag gagayahin ah, mabula ang sabon pero ibang usapan na kapag bibig mo ang bumula.

Kapag tayo sinasabon ng ating mga magulang sobrang hirap lumaban, minsan pa nga naghuhukay sila eh, hukay lang sila ng hukay hanggang maalala nila yung mga kasalanan natin noong mga nakaraang taon.

Pare nasabon ako ng girlfriend ko nabasa niya yung inbox ko may message na “Tara magsabunan tayo”.

Sa trabaho kapag sinabon ka ng boss mo wag ka mainis, sabihin mo nalang, “pakibanlawan na din po ako”.

Buhay Estudyante 

Ang ibang estudyante parang sabon lang yan, masipag sa simula sobrang mabula pero kapag tumagal na tinatamad na din minsan wala ng bulang maibubuga.

Kapag sobrang lakas na ng anghit powers ng kaklase mo pakiusapan mo siya. Sabihin mo “Ui magsabon ka naman oh.”

Kapag nasa school ka, bago kumain mag hugas ka muna ng kamay, with soap dapat ah. Kaya bago mo isubo ballpen mo sabunan mo din muna ito.

Hindi kumpleto ang pagligo mo kung di ka nag sabon. Ang teacher parang sabon lang yan di kumpleto pagaaral mo kung di ka dadaan sakanila.

Soap Opera

SPOILER ALERT: Hindi ito isang madramang istorya na katulad ng pinapanuod niyo sa telebisyon, ito ay isang napakawalang kwentang kwento tungkol sa sabon na inoperahan.

Ako si sabon, sa totoo lang kapag gabi ang lungkot namin dito sa banyo. Pero may sasabihin ako sa inyo alam niyo ba kung tulog na ang amo namin nag pyepyesta mga ipis dito. Mga bully sila, wala kaming laban, si kaibigan ko na toothbrush hinahalik-halikan ng ipis, tapos si toothpaste hindi sinasarado ng amo namin, kaya ayun si ipis iniinom si toothpaste. Aba kahit na ako hindi rin nakakaligtas pero hindi nila ako kayang kainin, siguro dahil kung kinain nila ako mamatay sila. Pero dinadaan-daanan lang nila ako.

Wala lang na share ko lang kung gaano kasaklap buhay namin kapag gabi. Mabalik tayo sa tunay na istorya. Ako bilang sabon mahirap ang buhay ko. Dahil kahit bago palang kami basta malabas na kami sa sachet o box may taning na buhay namin. Maraming paraan paano kami tuluyan ng mamatay o hindi na magagamit. Isa na dito kapag pumayat na kami nang pumayat at lumiit nang lumiit. Ang saklap bigla nalang kaming mapuputol, tapos tuluyan nang hindi kami gagamitin ng aming mga amo.

Minsan naman nahuhulog kami sa bowl, isipin mo yun kung yung bowl may mga tae pa hindi na kami pupulutin pa ng amo namin. Paano ba naman kasi kung magsabon siya ng paa kailangan pa nakapatong sa bowl. Ayan tuloy na flu-flush nalang kami kasama ng tae.

Likas na sa amin ang malusaw, minsan napapabayaan na lang kami. Di naman kami malulusaw kung hindi basa eh. Pero minsan nahuhulog kami sa timba na may tubig at hindi na kami naiaahon ng amo namin. Kaya ayun liquid soap na kinahantungan namin. Oo nga pala nakalimutan si detergent soap. Siya yung nakatoka sa mga damit. Pero wag na natin siya pagusapan, dahil mabilis lang siya mamatay, minsan nilalagay pa siya sa isang halimaw na umiikot. Washing Machine ata tawag ng mga tao dun. Hay nako wag na nating pagusapan masyadong horror story saming mga sabon yan.

May mga panahon na sobrang dumi ng amo namin, ang kapal ng libag. Pero sisiw lang sakin yun, dahil hindi lang ako pampaputi can kill 99.9% of germs pa ako. Pero may mga dumi na hindi ko na kayang linisin pa. Diyan na pumapasok ang aking mga barkada. Mga heavy duty yang mga yan. Yung mga paglilinis ng banyo ang kaya nila. Pero gaya ng ibang sabon nauubos din sila.

Puro ako pasikot sikot malamang gusto niyo na malaman kung bakit ako naoperahan. Ganito kasi yun, maraming sabon ang ginagamit ng aking amo. Siyempre kung nalusaw na kami at maliliit nalang kami hindi niya kami pinapabayaan. Pinag didikit dikit niya kami, hanggang maging isang bagong sabon nanaman kami. Gets mo? Example safeguard tapos papaya soap tapos Tide bar tapos gluta soap. ALL IN ONE!  Iba iba pa kulay namin.

Ang buhay na walang layunin ay parang pagligo nang walang sabon – Eler Villegas

————————

Ikaw may maidadagdag ka bang life related quotes tungkol sa sabon?

SALAMAT SA PAGBABASA! MABUHAY!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

15 responses

29 09 2012
zezil

Hahaha. Super enjoyed this post! Isa sa mga favorites ko.
Subukan kong ku-mowts…

ang pangarap parang sabon, dapat mahigpit hawak mo, kung masyado kang aggressive, baka dumulas sa kamay mo. Pag maluwag, ganun din. Dapat steady lang, focused.

Overkill ata. haha. Anyway, good read!

29 09 2012
olops001

Salamat ate, hehe. Nice quote ah, sana sumikat tong Soap Humor ko hehe. Dalaw ka Tarlac para may mabasa nanaman akong bus love story. :))

29 09 2012
zezil

Sisikat yan! Papatent mo na dali! 🙂
Haha. Ayoko na nung bus stories na creepy! Tama na yun! Jeep stories naman. CHOS! haha.
This October, mapapakanta na naman ako ng Awit ng Tarlac 😀

29 09 2012
Joysem Kurt del Rosario

hahaha. nice

29 09 2012
olops001

Salamat sa pagbabasa 😀

29 09 2012
kimmian

“Ang problema kasi sa iyo, masyado kang ma-PRIDE.
Ang akala mo, malinis ka tignan.
Pero ang hindi mo alam, DAMIT lang ang nalilinis ng PRIDE.”
LOL, pwede ba yun? Hahaha anyways, good job! 😀

29 09 2012
olops001

PWEDE! Havey ah. :))

30 09 2012
Annoyingly Tempting

Bumenta saken ung picture ni toothbrush na hina-hug hug hug pa ni ipis. hahaha

30 09 2012
olops001

haha, hi Annoyingly Tempting, basta may new post ako kaw inaantay ko mag basa eh. Gawa ka na din blog mo oh, masyado ka kasing mysterious sakin.

1 10 2012
realdale

para sa kauna-unahan kong follower sa wordpress…

http://realdale.wordpress.com/2012/10/01/liebster-blog-award/

Congrats! 😀

(pangalawa pa lang ito!)

1 10 2012
lizaonmute

Haha, Winner! Ginagawa ko nga yun, pag maliit na at sa tingin ko ay pwede pa naman ang sabon, pinagsasama-sama ko sila:

Try ko nga to:
“Wag mo akong igaya sa isang pudpod na sabon. Kung hindi mo na ako mahal, wag mo nang piliting ipakuskusan pa ako sa katawan mo; mahuhulog at mabibitawan mo lang din ako.”

2 10 2012
hana banana

natawa ako pramis sa kowt mong

“Sa trabaho kapag sinabon ka ng boss mo wag ka mainis, sabihin mo nalang, “pakibanlawan na din po ako”.”

hahaha…

nag enjoy ako dito 🙂
napadaan poh ^_^

3 10 2012
olops001

Hi hana banana, salamat sa pagbisita 😀

20 02 2013
25pesocupnoodles

hahaha, maswerte pala ang sabon ko, nakatago sa aking travel bag ko, bihira lang magamit, nakakapag-lakbay pa.

30 07 2013
ninaako

Hahah naghahanap lang ako ng joke sa ipis, tas napunta ako sa post mo. Worth reading. haha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: