FIRST SEMESTER LETTER

18 10 2012

Dear Professors/Teachers,

Sa lahat ng mga prof na nagtiyaga sa pagtuturo maraming salamat. Halos wala na kayong ginawa kundi ang maging dedicated sa pagtuturo ninyo. Maraming salamat din sa mga prof na naglalagay ng mga inspiring na Quotes sa mga examination paper (sigurado naman ako hindi lahat binabasa yun). Sa mga prof na matiyagang nag wawasto ng mga papel namin maraming maraming salamat talaga. Mahirap kasi mag check eh, tapos yung iba mali-mali pa kapag exchange your paper lang. Yung iba pa nga chinecheckan pa sarili nilang papel tapos yung iba dinodoktor pa.

Naging garapal ang iba sa amin, harap harapan kung mandaya pero yung ibang prof parang walang nakikita. Galing lang! Hinahayaan na mangyari ang krimen este pandaraya. Bilib ako sa mga professors na sobrang bait, may mga estudyante na hindi naman pumapasok tapos naka miss ng napakaraming activities at quizzes pero pasado. Ang bait niyo po promise.

Sa mga prof na nanghuhula ng grades, wow nahiya naman yung mga estudyanteng pinagbubutihan ang pagaaral. Ganito kasi yan eh may mga iba kasi na wala namang ibang ginawa kundi mangopya lang. Ganun talaga may mga marurunong din naman kasi silang kinokopyahan. Pero pagdating ng kuhaan ng grades ang gagaling nila mas mataas pa sila sa pinagkopyahan. Hindi niyo po ba nahalata na yung mga estudyante mo, wala naman talagang natutunan sa asignaturang tinuturo mo, tapos ang taas ng grade?

Speaking of “wala naman talagang natutunan sa asignaturang tinuturo mo”, maraming salamat sa mga prof na hindi naman pumapasok. Parang nagbayad kami ng tuition para lang gamitin yung room namin na may aircon. Kung may FDA lang ang mga prof FDA ka na siguro. Sobrang sipag mo magturo, ang dami nga naming natutunan eh. Natuto kaming mang boycot nalang ng klase dahil sanay na kami na hindi ka na pumapasok. Natuto din kaming mag self study nalang pero wala parin kaming naintindihan. Tamad mong magturo!!!!!!!!!!! Di po ako galit gusto ko lang gumamit ng sobra-sobrang exclamation mark.

Salamat sa mga prof na kahit may sakit na ay hindi parin sumusuko. Ibinibigay parin ang lahat ng makakaya para may matutunan ang kanyang mga estudyante. Saludo kami sainyo. Salamat din sa mga prof na pinaulit-ulit na ang topic para lang maintindihan namin.

Muli maraming salamat, hanggang sa muling pagkikita!

Sincerely,
Anonymous

——————————————————————–

Dear Students,

Sa mga pinagbutihan ang pagaaral apir naman dyan! Sa mga naging parasite lang buong sem apir din! ASA!

Akalain niyo yun, nakasurvive tayo sa tinatawag nilang “Hell Week”. Bakit ba hell week? Kasi sa sobrang busy ng week na ito wala na tayong ginawa kundi mag review ng mag review ng mag review at mag review pa ulit. May chance din na maging demonyo ang bawat isa sa atin. Final Exam Week na pero nagyayaya parin ang iba na manuod ng sine. Ang lakas magyaya nangongopya lang naman.

Sa mga walang ginawa kundi mag absent, congrats sainyo, makakakuha ata kayo ng FDA rice. Mura lang yun. Sa mga umaabuso naman sa kabaitan ng prof di na kayo nahiya. Teaching is a vocation nga diba, onting respeto naman sana. Sobrang sipsip mo na nga, parasitiko ka pa kapag may laboratory activities. Yung tipong wala naman dala na mga materials tapos may sagot yung Lab Sheets. WOW ANG LUPET MO!

Sa mga nagpapakopya at bigay ng bigay ng sagot kahit di na dapat nagbibigay bilib ako sainyo. Sana lang tama binibigay niyo ah para masaya yung mga parasites. Pero wala kayong karapatan na magalit kung mas mataas pa grades nila sainyo. Aba kasalanan niyo yan feeling Santa Claus kayo eh.

Sa mga mandaraya na estudyante na galit din sa mga mandaraya nilang kaklase, di na ako nagtataka. Tama naman siguro yung kasabihan na “Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw”.

Sa mga estudyanteng wala nang ginawa kundi ang magdrama sa buhay, try niyo po bumangon. Tapos ayusin niyo yung mga pagkukulang niyo.

Sa mga estudyante na nagpapabaya na talaga sa pagaaral ayos lang yan i-oopen pa naman siguro yung mga subjects na yan next sem. Ooooops ibang usapan na kung yung Algebra mo 5 years mo nang kinukuha.

Sa mga estudyante na pinagbutihan ang pagaaral at masaya sa kinalabasan ng unang semestre nila, pagpatuloy niyo lang yan. Kita kits next sem!

Sincerely,
Anonymous

——————————————————————-

We humans are the greatest of earth’s parasites. – Martin H. Fischer

PERSONAL: Buong sem, nahihirapan ako yung tipong gusto ko na sumuko dahil sa dami ng ginagawa pero kapag natapos na ang lahat lahat ang sarap ng feeling!

I am on Twitter: @olops001

 





MINSAN ANG MGA LALAKE PARANG BABAE

13 10 2012

Ang susunod na mababasa niyo ay kwento na isinulat ng aking matalik na kaibigan na si Freya. Di niya tunay na pangalan. Si Freya ay isa sa mga pinakamagagandang babae ng aming eskwelahan. Sexy siya promise. Yung tipong kapag dadaan siya ay mapapatingin ka talaga. Ang kwentong ito ay naglalaman ng purong opinion niya bilang babae. Ang kulay black na font ay yung storya mismo at yung Blue naman ay ang aking reaksyon bilang lalaki.

MINSAN ANG MGA LALAKE PARANG BABAE 

“Tubig ka ba?…” Sus! Ayan na nanaman, pick-up lines. ‘Pag di lang benta ‘yan, babangasan ko talaga to. Pumipick up line pa si loko. Gasgas na yang pick-up line na yan eh. Pero sige nga dapat maganda yan ah pakiligin mo si Freya! 

Haay! Masakyan na nga lang! “Bakit?” Aha! Sinakyan, Go Boy!

Ngumiti siya ng napakatamis at sinabi ang mga katagang magiging dahilan ng pagkawasak niya kapag hindi ako nakapagpigil, “Ikaw kasi ang umookupa ng pinakamalaking parte ng mundo ko.”  *.* Pu!@#$%^&* sabi na eh! Sagwa! Sige bangasan mo na yan Freya! Ulol yan! 

ASDFGHJKL! Gusto kong magwalk-out. Sabi ko na eh. Dapat hindi ko na sinakyan. Dapat umalis nalang ako. Alam ko namang waley ‘yun bago pa man niya sabihin, pero nabad-trip pa din ako. Tssss! Hahaha dapat mag walk-out ka na talaga eh kung ganito nalang banat niya: “Alam mo hindi tayo tao hindi din hayop kasi BAGYO tayo, oo BAGYO, may PAGASA ba?” OHA! Kung yan ang banat  nagustuhan pa niya!

Ang corny =_= Sino? Ako o siya? Sure ako siya kasi reaction nga to diba? HAHA

Pumikit na lamang ako at huminga ng malalim. Nang makuha ko na ang composure ko ay dumilat na ako at ngumiti sakanya. “Ah! Hehe!” Yun lang ang kaya ng powers kong i-respond sa kanya para hindi naman siya mabastos. Kita mo boy ang bait ni Freya pinagbibigyan ka pa niya. Pero kung ako bumabanat jan halos masapak na niya ako.

“Kinilig ka naman. Hihihi!” Abat! Ang kapal din talaga nito eh no! Tina-try ko na ngang maging mabait. Sinusubukan mo ba ako? Masasaktan ko na talaga ‘to. Tss! Kulang kulang sa sense of humor pati common sense. Kailangan ko pa bang sabihing HINDI. Kinikilig pa siya kesa sa akin. Grr! Makaalis na nga lang. Napakamot nalang ako sa ulo sa kakapalan nung lalaki. Na ulol na siya talaga. Ayun buti naman at nag walk-out din si Freya.

HAAY! Mga lalake talaga, kung minsan parang babae. :/ Bakit? Kanina pa ko curious ah, pagkabasa ko palang ng title na curious na ko. Kami? Mga lalaki? Parang babae? Daming tanong basahin ko nalang nga ulit.

Hindi ko alam kung dati ba (yung mga tatay at lolo natin) ay ganito na talaga o sadyang ganito na ang mga lalaki sa henerasyon natin.. minsan parang babae. Base ito sa mga nakikita ko, obserbasyon sa mga nakasalamuha ko na at nakakasamang kalalakhan. Malamang lolo natin hindi ganyan old school masyado yun. Di pa uso noon yung pick-up lines malamang harana o tula ginawa nun.  Tatay naman… Teka daldal ko baka di na magets ng mga nagbabasa yung kwento. 

May mga lalaking sobrang vain. Napakaarte. Ayaw magulo o mahawakan yung buhok nila ng ibang tao maliban sa kanila. Masyado daw nila itong matagal inayos para magulo lang. Minsan ko ngang sinubukan at walang kagatol-gatol na nagalit sakin yung lalaki. Katakot. Grabe naman yun, nagalit na agad hinawakan lang yung buhok. Sa totoo ganito kasi yan kaming mga lalaki halos maiikli lang ang buhok namin. Sinasalamin nito ang kagwapuhan, kung maayos ang buhok maayos din kami tignan. Pero at least kaming mga lalaki wala kaming problema pagdating sa split ends noh! Kayo din naman ayaw niyong ginugulo buhok niyo dahil matagal niyo tong plinantsa! 

Parang babae kung sabihin ang pagpapa-facial. Minsan imbes na Masters ang facial wash, ay Ponds ang binibili. Kung makagamit ng restroom, wagas! Ang tagal! Puro ayos ng buhok. Polbo pa ng polbo, oily na daw. At ang ayaw ko sa lahat, yung pabango nung iba VS, yung matamis pang amoy. :/ Nagbanggit pa ng pangalan ng produkto, nag aadvertise lang? Wow! Kahit anong sabihin niyo mas matagal parin mag CR ang mga babae noh. Minsan nga nag pipictorial pa kayo sa salamin ng CR eh. Buti nga kami polbo lang, kayo foundation pa. HAPPY FOUNDATION DAY! Masasabi ko lang sa mga lalaking nag-papabango ng matamis yung amoy (kung meron man) nakakasuka ka po. 

Ang diet sa kanila ay diet talaga. walang kanin kung walang kanin. Protein lang kung protein lang. Napakadisiplinado. Double purpose naman daw kasi ‘yon e. Para makatipid din sila, pambili nung mga makalaglag pangang presyo ng sapatos nila. Ni hindi ko pa nasubukang bumili ng sapatos na higit 2K. Pero yung iba, lalo na yung mga basketball players, yung mga sapatos nila. Preyo at tatak. Ay naku! Name it! Ako di ako nagtitipid sa pagkain, lakas ko nga kumain eh, at karamihan saming mga lalaki di kayang kumain ng walang kanin noh. Pero yung iba lalo na mga high school hay naku di kumakain ng lunch makapag DOTA lang. Sa mga basketball players naman kailangan talaga nila ng sapatos noh kapag mumurahin lang kasi baka mainjured pa sila. Mag name ako ng presyo at tatak? Wag na bawal mag advertise. 

Nosiness. Akala niyo ba babae lang ang mahilig sa chismis? Ang mga lalaki din. Minsan nga nagugulat ako na mas madami pa silang alam na kwento kesa sa mga babae. Nauuna pa sila. Hindi lang sila pahalata. Nakakapangkunot-noo nga eh, kapag nakakita ka ng isang kumpol ng mga lalaki at pinagchi-chismisan si ganito at si ganyan. Pagkatapos ay bulungan ng, “ano daw?” Haha! Nakakatawa. Normal lang saming mga lalaki yan, pinag uusapan namin ay mga girls, sports, video games, anime at girls ulit. Kapag may nakita kang naka kumpol na mga lalaki hindi nag chichismisan yun! Malamang may pinapanuod sila sa cellphone na maaksyon na bagay!  

Hindi lang mga babae ang conservative. OA magselos at nagpi-PMS every period. May mga periods din sila sa sobrang sungit nila. Sobraaaa! Bigla bigla na lang mananahimik na parang batang inagawan mo ng candy tuloy ‘di ka na bati. At ‘pag iritable sila? Nakakatakot (>.<). Sus kayo nga jan eh, bigla nalang di namamansin ng walang dahilan. Kayo ang madalas mag mood swing noh! Kami nanahimik lang kapag nangaasar kayo pero kayo grabe magalit hay naku tahimik na ngalang ako. (Defensive na ako masyado) Haha

May mga conservative din. Yung tipo bang ayaw nilang isukbit mo ang kamay mo sa braso nila, ni sumandal sa balikat nila o kahit mahawakan nalang sila. Totoo yan. yung iba lang ha. Hindi ko nilalahat. Kasi yung iba naman, gustong gusto nila. Parang yung ibang mga babae, gustong gusto din nila. :p Isa lang masasabi ko sa mga lalaking ayaw magpahawak sa babae, “NAPAKA UNGENTLE-MAN”. Pero kung madumi kamay mo o sobra ka kung maka hawak sa amin na para bang winawasiwas mo na kami talagang ayaw namin magpa hawak noh. 

OA magselos. Oo. Do I have to further explain this? Alam na ‘di ba? Alam nating sa bagay na iyon ay pare-parehas talaga tayo. Masasaktan tapos magtatampo tapos makikipag-away. Ay hahanap ng pangit sa taong pinagselosan natin para sa huli, sa atin parin ang huling halakhak. Bwahahaha! Ay grabe naman makatawa to… Sang-ayon ako dito, minsan pa nga makikipagsuntukan pa kami eh. Yung ibang lalaki naman tatawag tawag sa cellphone nung pinagseselosan tapos bibigyan ng death threat. 

Sabi nila, madalas daw masaktan ang mga babae dahil madalas silang mag-expect at mag-assume. Pero hindi ba’t ganun din naman ang mga lalaki? Kung papaano nag-eexpect at nag-aasume ang babae sa simpleng good deed lang ng lalaki sa kanila ay katulad din naman iyon ng pag-aasume ng isang lalaki sa simpleng ngiti at pagre-reply ng babae sa text nila. Ine-expect nila na sa susunod ay magre-reply ulit , lalabas kasama sila… at sila lang. Pag hindi nasundan ang isang text ay magtataka sila. Committed lang? Hm. Tama may mga lalaking ganyan, pero wag naman kasing paasa ang mga babae. Kung sa una palang ayaw na wag na i-entertain. 

Kaya ko naman nasasabing ang mga lalaki, minsan parang mga babae. Sanay kasi tayo na sa mga babae lang nadidikit ang mga ganitong deskripto na sa tingin ko ay makikita din naman sa mga kalalakihan. May mga pagkakaiba-iba lang talaga tayong mga tao. Ngunit kaakibat nito ang pagkatutulad-tulad din natin sa mga iilang bagay, mapalalaki man o babae. Okay sige na nga minsan ang mga lalaki parang babae na. Pero ibang usapan na kung gusto na maging babae ng lalaki. 

Minsan ang mga lalaki parang babae. Nakakapangkunot-noo nilang kaartehan na minsa’y nakakapagtaka na. Mga taong masarap makasama at makakwentuhan; maging kaibigan at marahil ay pati na rin ka-ibigan. Sa tingin ko kasi, bago pa nila maisipang maturn-off sa kaartehan ng babae ay mage-get nila ‘yon, baka nga maka-relate pa sila at makipagsabayan. At bago pa sila magsawa sa ka-OA-an at ka-unpredictable-an ng mga babae ay maaari muna nilang maintindihan iyon. Maaari lang naman. Sila yung mga tipo na mas makakaintindi sa babae; magiging kaibigan, magiging totoo at maa-appreciate sila. Bilang isang babae sa tingin ko sila yung tipong nakikita ko yung sarili kong kasama ko, na walang kailangang itago at tatanggap pa rin sayo. Sila, na minsa’y parang babae, weird pero walang dudang… nakakatuwa din naman. 🙂

Bilang isang babae sa tingin ko sila yung tipong nakikita ko yung sarili kong kasama ko, na walang kailangang itago at tatanggap pa rin sayo”– ang sweet ng line na to. Kaming mga lalaki dapat iniintindi namin ang mga babae. Iba sila minsan fragile pa nga eh. Kahit sino pa sila dapat lang respetuhin, maiwasan sana natin (lalaki) na pag salitaan sila ng masama. Kaya ang pinaka magandang gawin nalang ay tumahimik, wag na silang patulan at lalong wag sasaktan.

——————————————————

“No Woman No Cry” – Bob Marley

Salamat Freya sa pagpayag na mai-post ko tong akda mo sa aking Blog. I LOVE YOU!

Photo: Aki Yatco

HAVE A GREAT WEEK!

I am on Twitter: @olops001





KASAMA KANG TUMANDA

4 10 2012

Chill ka lang mahal ko, marami pa tayong oras para mag relax. Ang bilis ng panahon ang mga anak natin dati mga sanggol palang iyak ng iyak tapos ang kukulit ngayon sila ay successful na sa buhay. Matanda na tayo hindi mag tatagal sasama na tayo sa liwanag. Pero wala akong pakialam basta ang mahalaga kasama kita, YOLO!

17 years old palang tayo noon nung una tayong magkita, sobrang ganda mo noong graduation ball natin. Sa field ng school pa noon ginanap yung event. Ang lamig ng mga panahon na yun pero nung nakita kita nawala ang ginaw ko. Kahit di ako marunong sumayaw, lumapit ako at sinayaw kita. Kinakabahan ako noon pero ayos lang ang sarap ng feeling. YOLO!

Pinangako ko sayo na hindi kita bibilhan ng rosas, dahil bibilhin ko ay yung flower shop mismo. Sobrang gustong gusto mo kasi ang mga halaman kaya ayan ngayon hindi lang flower shop may malaki pa tayong garden sa labas ng bahay natin. Dami nating halaman noh? Meron pa tayong Venus Flytrap, gusto ko sana may Rafflesia din tayo dito kaso baka di mo magustuhan. YOLO!

“Bwiset ano ba yang YOLO na yan?” tanong mo sa akin. YOLO ay “You Only Live Once”  nabasa ko lang ito sa internet ginagamit kasi ng mga kabataan ngayon. Excuse nila yan para gumawa ng kahit anong gusto nila gawin paano ba naman kasi minsan ka lang naman daw mabubuhay sa mundo. “Ang tanda-tanda mo na nakikiuso ka pa sa mga kabataan, mga kabataan ngayon napapariwara na sa buhay dahil sa mga salitang yan”. Hay naku basta kapag matanda na ang bilis na magalit. Sige hindi ko na sasabihin ang salitang yun.

Naaalala mo pa noong pumutok ang bulkang Pinatubo? Akala natin katapusan na ng mundo, ang dilim ng mga panahon na iyon. Nalubog sa lahar ang bahay natin kaya lumipat tayo sa Manila para dun na palakihin ang nag-iisa nating anak na lalaki. Ngayon malaki na siya, doktor na siya at may paniniwala sa buhay na kapag hindi ka tumulong sa mahihirap ay sinayang mo lang ang pinag-aralan mo.

Yung anak naman nating babae abogado, isa siya sa mga nagsusulong ngayon na ma amend ang Cyber Crime Law. Feeling ko nga makukulong siya eh dahil ang dami niyang post sa facebook laban sa gobyerno. Ni like ko pa man din yun makukulong na din ata ako. Kuhang kuha niya ang mga mata ko at tulad ko sobrang matyaga niya sa buhay. Hindi nag rereklamo sa mga gawain na naiaatas sakanya.

Naaalala ko din yung gusto ka na kunin ng mga doctor sa akin 30 years ago, akala ko talaga mauuna ka na sumama sa akin sa liwanag. Pero buti nalang hindi malala sakit mo. Pinangako mo sa akin na di mo ako iiwan hanggang dumating ang oras natin. Pero hindi pa natin oras tiwala lang wag tayo susuko. Hawakan mo mga kamay ko at tandaan mo ito, hinding-hindi kita iiwan sa aking tabi.

Salamat at nakasama kitang tumanda mahal na mahal kita. Oo nga pala wag mo na bubugbugin yung aso natin ah sa kadahilanang pinapakain ko siya ng pagkain natin. Sawa na kasi sa dog food yun eh. Osya tama na ang drama darating yung dalawang anak natin ako na mag aayos ng lamesa at ikaw magluluto. Nomnom.

—————————————-

FIRST BLOG ENTRY FOR OCTOBER!

WE WILL NOT BE SILENCED!

MABUHAY ANG MGA BLOGGER NG PILIPINAS! FREEDOM!

[Photo: Vipee Gamotia Flores]

I am on Twitter: @olops001








%d bloggers like this: