KASAMA KANG TUMANDA

4 10 2012

Chill ka lang mahal ko, marami pa tayong oras para mag relax. Ang bilis ng panahon ang mga anak natin dati mga sanggol palang iyak ng iyak tapos ang kukulit ngayon sila ay successful na sa buhay. Matanda na tayo hindi mag tatagal sasama na tayo sa liwanag. Pero wala akong pakialam basta ang mahalaga kasama kita, YOLO!

17 years old palang tayo noon nung una tayong magkita, sobrang ganda mo noong graduation ball natin. Sa field ng school pa noon ginanap yung event. Ang lamig ng mga panahon na yun pero nung nakita kita nawala ang ginaw ko. Kahit di ako marunong sumayaw, lumapit ako at sinayaw kita. Kinakabahan ako noon pero ayos lang ang sarap ng feeling. YOLO!

Pinangako ko sayo na hindi kita bibilhan ng rosas, dahil bibilhin ko ay yung flower shop mismo. Sobrang gustong gusto mo kasi ang mga halaman kaya ayan ngayon hindi lang flower shop may malaki pa tayong garden sa labas ng bahay natin. Dami nating halaman noh? Meron pa tayong Venus Flytrap, gusto ko sana may Rafflesia din tayo dito kaso baka di mo magustuhan. YOLO!

“Bwiset ano ba yang YOLO na yan?” tanong mo sa akin. YOLO ay “You Only Live Once” Β nabasa ko lang ito sa internet ginagamit kasi ng mga kabataan ngayon. Excuse nila yan para gumawa ng kahit anong gusto nila gawin paano ba naman kasi minsan ka lang naman daw mabubuhay sa mundo. “Ang tanda-tanda mo na nakikiuso ka pa sa mga kabataan, mga kabataan ngayon napapariwara na sa buhay dahil sa mga salitang yan”.Β Hay naku basta kapag matanda na ang bilis na magalit. Sige hindi ko na sasabihin ang salitang yun.

Naaalala mo pa noong pumutok ang bulkang Pinatubo? Akala natin katapusan na ng mundo, ang dilim ng mga panahon na iyon. Nalubog sa lahar ang bahay natin kaya lumipat tayo sa Manila para dun na palakihin ang nag-iisa nating anak na lalaki. Ngayon malaki na siya, doktor na siya at may paniniwala sa buhay na kapag hindi ka tumulong sa mahihirap ay sinayang mo lang ang pinag-aralan mo.

Yung anak naman nating babae abogado, isa siya sa mga nagsusulong ngayon na ma amend ang Cyber Crime Law. Feeling ko nga makukulong siya eh dahil ang dami niyang post sa facebook laban sa gobyerno. Ni like ko pa man din yun makukulong na din ata ako. Kuhang kuha niya ang mga mata ko at tulad ko sobrang matyaga niya sa buhay. Hindi nag rereklamo sa mga gawain na naiaatas sakanya.

Naaalala ko din yung gusto ka na kunin ng mga doctor sa akin 30 years ago, akala ko talaga mauuna ka na sumama sa akin sa liwanag. Pero buti nalang hindi malala sakit mo. Pinangako mo sa akin na di mo ako iiwan hanggang dumating ang oras natin. Pero hindi pa natin oras tiwala lang wag tayo susuko. Hawakan mo mga kamay ko at tandaan mo ito, hinding-hindi kita iiwan sa aking tabi.

Salamat at nakasama kitang tumanda mahal na mahal kita. Oo nga pala wag mo na bubugbugin yung aso natin ah sa kadahilanang pinapakain ko siya ng pagkain natin. Sawa na kasi sa dog food yun eh. Osya tama na ang drama darating yung dalawang anak natin ako na mag aayos ng lamesa at ikaw magluluto. Nomnom.

—————————————-

FIRST BLOG ENTRY FOR OCTOBER!

WE WILL NOT BE SILENCED!

MABUHAY ANG MGA BLOGGER NG PILIPINAS!Β FREEDOM!

[Photo: Vipee Gamotia Flores]

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

16 responses

4 10 2012
hana banana

ay super like!
super like na like!
click!
yolo!!!

4 10 2012
olops001

Hi hana banana, salamat sa muling pag bisita.

5 10 2012
abuenaobra

ang ganda. simple ang mga salita pero napakatotoo:) nakakatuwang isiping may isang taong makakasamang tumanda.napaka-sweet isipin.

6 10 2012
zezil

Pagkatapos ko basahin to, antagal ko sinambit yung katagang, “wow”.

Parang ganito. waaaahahawwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww. πŸ™‚

6 10 2012
olops001

nice, di nga masyadong magarbo ending nito eh. Ang plot nag uusap lang sila, hehe. Thank you Ms. Zezil

6 10 2012
zezil

Haha. Medyo nga (referring to the ending…) pero pero PERO, di na sumagi sa isip ko yun kasi nung nasa ending na ako, masayang masaya na ako! Na sustain na nung kwento mo yung kasiyahan ko kaya hindi na kelangan ng sobrang garbong ending.

Nung una nga kala ko hindi ikaw, tipong, huh? May finafollow ba ako na tatay?! Tapos pagbasa ko, follow me on twitter, olops…..that made me smile even more!

Wow! Galing! πŸ™‚

(sorry naman ang haba ko mag comment.haha)

6 10 2012
olops001

haha gusto kita maging friend, may FB ka?

6 10 2012
zezil

Wow. Feel honored naman. Salamat. πŸ™‚
I really appreciate it, I really do! But I’m sort of keeping my identity secret. Hehe. But really, thanks olops. Gusto rin kitang maging friend. πŸ™‚

6 10 2012
zezil

Btw, do you have a ym though?

6 10 2012
olops001

yup meron kaso, di ko na ginagamit Ym eh, Twitter nalang talaga and kung chat man I use skype or oovoo. Ako din secret ko lang identity ko kaya di nakapost Facebook Account ko dito sa blog ko. Sayang add sana kita eh. Haha pero kung okay lang sayo na maging friend kita sa FB just message me your email add nalang. Message mo nalang ako sa twitter. πŸ˜€

6 10 2012
zezil

I don;t have twitter though. Well yes I do but it’s dead. Haha. Oh well. So many obstakels naman sa friendster na ito. Hope to bump into you on my next visit to TC. πŸ™‚

6 10 2012
olops001

Hehe sige. πŸ˜€ Thanks!

6 10 2012
jangabriellalu

Salamat sa article na ito at nalaman ko kung ano ‘yong YOLO na ‘yan.

9 10 2012
tomaritz

nice and sweet hehe… napadaan lang bro πŸ™‚

9 10 2012
bagotilyo

ngayon ko lng din nalaman ang ibig sabihin ng YOLO ..hehehe

PArang nagpaplay sa utak ko ang grow old with you habang binabasa tong post mo πŸ™‚

9 10 2012
olops001

Hehe ako nga din eh yun yung naiisip kong theme song nitong article na to habang ginagawa ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: