FIRST SEMESTER LETTER

18 10 2012

Dear Professors/Teachers,

Sa lahat ng mga prof na nagtiyaga sa pagtuturo maraming salamat. Halos wala na kayong ginawa kundi ang maging dedicated sa pagtuturo ninyo. Maraming salamat din sa mga prof na naglalagay ng mga inspiring na Quotes sa mga examination paper (sigurado naman ako hindi lahat binabasa yun). Sa mga prof na matiyagang nag wawasto ng mga papel namin maraming maraming salamat talaga. Mahirap kasi mag check eh, tapos yung iba mali-mali pa kapag exchange your paper lang. Yung iba pa nga chinecheckan pa sarili nilang papel tapos yung iba dinodoktor pa.

Naging garapal ang iba sa amin, harap harapan kung mandaya pero yung ibang prof parang walang nakikita. Galing lang! Hinahayaan na mangyari ang krimen este pandaraya. Bilib ako sa mga professors na sobrang bait, may mga estudyante na hindi naman pumapasok tapos naka miss ng napakaraming activities at quizzes pero pasado. Ang bait niyo po promise.

Sa mga prof na nanghuhula ng grades, wow nahiya naman yung mga estudyanteng pinagbubutihan ang pagaaral. Ganito kasi yan eh may mga iba kasi na wala namang ibang ginawa kundi mangopya lang. Ganun talaga may mga marurunong din naman kasi silang kinokopyahan. Pero pagdating ng kuhaan ng grades ang gagaling nila mas mataas pa sila sa pinagkopyahan. Hindi niyo po ba nahalata na yung mga estudyante mo, wala naman talagang natutunan sa asignaturang tinuturo mo, tapos ang taas ng grade?

Speaking of “wala naman talagang natutunan sa asignaturang tinuturo mo”, maraming salamat sa mga prof na hindi naman pumapasok. Parang nagbayad kami ng tuition para lang gamitin yung room namin na may aircon. Kung may FDA lang ang mga prof FDA ka na siguro. Sobrang sipag mo magturo, ang dami nga naming natutunan eh. Natuto kaming mang boycot nalang ng klase dahil sanay na kami na hindi ka na pumapasok. Natuto din kaming mag self study nalang pero wala parin kaming naintindihan. Tamad mong magturo!!!!!!!!!!! Di po ako galit gusto ko lang gumamit ng sobra-sobrang exclamation mark.

Salamat sa mga prof na kahit may sakit na ay hindi parin sumusuko. Ibinibigay parin ang lahat ng makakaya para may matutunan ang kanyang mga estudyante. Saludo kami sainyo. Salamat din sa mga prof na pinaulit-ulit na ang topic para lang maintindihan namin.

Muli maraming salamat, hanggang sa muling pagkikita!

Sincerely,
Anonymous

——————————————————————–

Dear Students,

Sa mga pinagbutihan ang pagaaral apir naman dyan! Sa mga naging parasite lang buong sem apir din! ASA!

Akalain niyo yun, nakasurvive tayo sa tinatawag nilang “Hell Week”. Bakit ba hell week? Kasi sa sobrang busy ng week na ito wala na tayong ginawa kundi mag review ng mag review ng mag review at mag review pa ulit. May chance din na maging demonyo ang bawat isa sa atin. Final Exam Week na pero nagyayaya parin ang iba na manuod ng sine. Ang lakas magyaya nangongopya lang naman.

Sa mga walang ginawa kundi mag absent, congrats sainyo, makakakuha ata kayo ng FDA rice. Mura lang yun. Sa mga umaabuso naman sa kabaitan ng prof di na kayo nahiya. Teaching is a vocation nga diba, onting respeto naman sana. Sobrang sipsip mo na nga, parasitiko ka pa kapag may laboratory activities. Yung tipong wala naman dala na mga materials tapos may sagot yung Lab Sheets. WOW ANG LUPET MO!

Sa mga nagpapakopya at bigay ng bigay ng sagot kahit di na dapat nagbibigay bilib ako sainyo. Sana lang tama binibigay niyo ah para masaya yung mga parasites. Pero wala kayong karapatan na magalit kung mas mataas pa grades nila sainyo. Aba kasalanan niyo yan feeling Santa Claus kayo eh.

Sa mga mandaraya na estudyante na galit din sa mga mandaraya nilang kaklase, di na ako nagtataka. Tama naman siguro yung kasabihan na “Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw”.

Sa mga estudyanteng wala nang ginawa kundi ang magdrama sa buhay, try niyo po bumangon. Tapos ayusin niyo yung mga pagkukulang niyo.

Sa mga estudyante na nagpapabaya na talaga sa pagaaral ayos lang yan i-oopen pa naman siguro yung mga subjects na yan next sem. Ooooops ibang usapan na kung yung Algebra mo 5 years mo nang kinukuha.

Sa mga estudyante na pinagbutihan ang pagaaral at masaya sa kinalabasan ng unang semestre nila, pagpatuloy niyo lang yan. Kita kits next sem!

Sincerely,
Anonymous

——————————————————————-

We humans are the greatest of earth’s parasites. – Martin H. Fischer

PERSONAL: Buong sem, nahihirapan ako yung tipong gusto ko na sumuko dahil sa dami ng ginagawa pero kapag natapos na ang lahat lahat ang sarap ng feeling!

I am on Twitter: @olops001

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

25 responses

18 10 2012
25pesocupnoodles

damang damang ko ang kaligayahan sa panahon ng “sembreak”. panibagong hamon para sa susunod na semestre.

19 10 2012
olops001

oo nga po eh, isa na siguro ang sembreak sa panahon na pinaka nagiging masaya ang mga college students.

20 10 2012
25pesocupnoodles

di ko parin makalimutan ang feelings pagkakatapos ng semestre, ako kasi dati’y dayo lang sa siyudad, at nagbabalik sa lupang tinubuan tuwing katapusan ng semestre.

19 10 2012
potsquared

ang saya naman ng may sem break… pwede bang magka sem break sa trabaho? ehehehehehe

19 10 2012
olops001

Hehe, don’t worry holiday naman ng Nov. 1 haha

19 10 2012
potsquared

iba ang holiday dito sa japan.. may pasok kami ng nov 1.. huhuhu…

19 10 2012
olops001

ang lungkot nga 😦

19 10 2012
potsquared

wag kang malungkot.. tanggap ko na kapalaran ko.. dapat ikaw ay magenjoy!!! woohooo!! sembreak na!!!

19 10 2012
olops001

YEAH! HAHA!! WOOHOOOO!!

19 10 2012
zezil

Mga paborito kong linya:

Sa mga estudyanteng wala nang ginawa kundi ang magdrama sa buhay, try niyo po bumangon. Tapos ayusin niyo yung mga pagkukulang niyo.

-Ahahahaha. mas masakit pa to sa sampal. Ka level nito yung, Umiiyak ka? Sorry pero di kita iha-hug. Lols.

Sa mga estudyante na pinagbutihan ang pagaaral at masaya sa kinalabasan ng unang semestre nila, pagpatuloy niyo lang yan. Kita kits next sem!

-Nice subtle sarcasm. 🙂

Good read! Para sa lahat ng mga estudyante! (At feeling estudyante!)

19 10 2012
olops001

Ang galing mo mag comment! hehe salamat at hindi ka nagsasawa sa kakabasa ng mga gawa ko.

19 10 2012
zezil

Oo naman!
Erm, ano lang, uhm, anu ibig sabihin ng FDA? O.o

19 10 2012
olops001

Failure Due to Absences – yung kapag naka tatlong sunod-sunod ka nang di pumapasok drop ka na dapat parang ganun.

19 10 2012
zezil

Ahh. See. Got it.
Men, I’m so not a student anymore! Lols.

19 10 2012
Rhence

Speaking of “wala naman talagang natutunan sa asignaturang tinuturo mo”, maraming salamat sa mga prof na hindi naman pumapasok. Parang nagbayad kami ng tuition para lang gamitin yung room namin na may aircon. Kung may FDA lang ang mga prof FDA ka na siguro. -R E L A T E lang ako dito. SOBRA. TSK. Hehehe.

Hahaha. Mas masarap pa rin talaga ang feeling na matapos ang sem na dugo’t pawis ang puhunan. Cheers!

19 10 2012
olops001

Cheers mate! Tama mas masaya dahil alam mo sa sarili mo na may natutunan ka.

19 10 2012
ResidentPatriot

ayos sa olrayt ang post 😀 , malungkot lang malaman na umabot na sa henerasyon ninyo ang parasite culture ng henerasyon naming medyo nakatatanda…tapos maraming naiinis bakit hindi mabilis umuunlad ang bansa natin 😦

20 10 2012
25pesocupnoodles

“medyo nakatatanda” take note hehehe.

20 10 2012
ResidentPatriot

oo, “medyo” lang naman, mga 2 digits lang naman hehe

20 10 2012
olops001

hehe salamat sa pagbisita mga kuya

24 10 2012
The Daydreamer

Maligayang SemBreak! 😀

25 10 2012
misckimllaneous

Salamat din sa mga elementary at high schools na nagbibigay ng sembreak. WOOH! XD

31 10 2012
bagotilyo

NAalala ko tuloy yung line na : “Wala ka ng ginawa kundi mangopya. So pag graduate mo anong trabaho mo? Xerox machine?”

Wahahaha…

31 10 2012
182official

ang kulet kase parang POKER FACE meme yung mukha ninyo sa pic >.< pero overall , WAGAS naman 😀

9 04 2013
SECOND SEMESTER LETTER | Serendipitous Wordsmith

[…] In Case You Missed It: First Semester Letter […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: