FAKE APOCALYPSE

21 12 2012

End of the world

DOOMSDAY as we all know it. It’s more of a hoax.

Ano ang masasabi ng mga tao tungkol sa Dec. 21, 2012 at katapusan ng mundo?:

  • Sus, kalokohan wala lang magawa yung mga nag pauso niyan. Ang saya-saya ko nga oh. Kitams nag-iinuman pa kami dito.
  • Nangolekta pa man din ako ng pitong dragon balls tapos hindi tuloy.
  • I think bakla si Nostradamus yung prediction niya may double meaning about sa mga bakla. Pa issue ako eh noh?
  • December 21,2012 na di pa 1 billion yung Gangnam Style video. Diba sabi nila kapag 1 billion views na yun na sakto sa date na ito magugunaw na ang mundo.
  • Kumulog dito sa amin nung saktong 12:00 am kanina. Pero tiyan ko lang pala yun nagugutom ako eh, kaya nag midnight snack nalang muna ako.
  • Is this another greatest disappointment for doomsday preppers?
  • Sayang lang yung mga binenta kong ari-arian, nakakabwisit. Ano ako ngayon? Palaboy nalang ako sa daan nito, di magtatagal mauubos din itong pera ko. Naiiyak ako.
  • Ako di ko binenta mga baka, kalabaw at kambing namin sa farm, pinamigay ko. Ayun wala na tuloy akong hanapbuhay.
  • Nag stock kami ng maraming sardinas sa bahay namin, para kung sakali lang may kakainin kami. Eh di naman pala totoo yung end of the world na yan. Ano  gagawin namin sa mga sardinas? Magtatae kami nito puro sardinas nalang kakainin namin.
  • WOOOOOOOOOO I survive! Isipin mo yun survivor ako, inuman mamaya libre ko!
  • Oh may mga ganyang prediction pala? Di ko alam yun ah. Di naman kasi ako nanunuod ng T.V palagi. Wala din kaming internet sa bahay.
  • Wala namang sinabi ang mga Mayan tungkol diyan ah. Natapos lang ang calendar nila katapusan na ng mundo? Shunga lang?
  • Birthday ng anak ko ngayon paki bati naman siya.

2012

  • And it’s official, “2012” is now a comedy film.
  • Di nga end of the world pero end of my friend’s life na kanina. Nasagasaan siya ng truck.
  • Di pa naman pala end of the world ngayon, umamin pa naman ako sa buong eskwelahan ko na nandadaya lang ako buong school year.
  • Di ako makatulog kagabi sobrang takot na takot ako. Pero mas natakot ako sa nanay ko dahil pinagalitan ako na nagpupuyat daw ako.
  • Bwiset! Napuyat lang ako kakaantay sa end of the world kuno na yan. Ayan tuloy late na ako nagising.
  • Paano magiging end of the world? Di pa naman tumatahol ang pusa.
  • Akala ng buong gang namin end of the world na talaga, ayun pinag babasag namin yung mga sasakyan sa baranggay namin. Tapos pinagbabato ng bato at pillbox yung baranggay hall. Ayun kulong inabot namin.
  • Bumili pa man din ako ng bangka at salbabida baka sakaling magka tsunami. Saan ko ngayon gagamitin to? Sa siyudad kaya kami nakatira.
  • Para di kami matamaan ng solar flares nag hukay kami ng underground hideout. Sakto naman nakahanap kami ng mga gold bars. Mayaman na kami ngayon!!!!
  • Sana nag end of the world nalang, ilang taon na din naman akong nag dradrama sa buhay eh. Gusto ko na mag pakamatay. Kasi wala akong kaibigan at lahat-lahat.

Harold Camping

  • Isa lang masasabi ko, hello Harold Camping. HAHAHA
  • I don’t want to die virgin, eh kala ko end of the world na ayun ginawa ko tuloy ng wala sa oras ang di ko dapat gawin.
  • Ah basta ako, chill lang ako dito, kumakain lang ako ng Chippy.
  • Puro kayo end of the world eh kung trinabaho ninyo nalang yung atomic bomb na pinapagawa ko.
  • End of the world man o hindi dapat maging mabuting tao ka parin. Have faith tol.
  • Umakyat pa kami ng mataas na bundok para di kami abutan ng baha, napagod lang kami.
  • End of the world na agad? Di pa nga ako nagkakaroon ng iPhone 5
  • Basa-basa din ng bibliya tol, parang wala ka namang pananampalataya eh.
  • Oh kamusta? Ano nangyari kakagising ko lang eh.

—————————————————–

The world dies over and over again, but the skeleton always gets up and walks. ~ Henry Miller

“No one knows about that day or hour, not even the angels in heaven, nor the Son, but only the Father.” ~ Matthew 24:36 (NIV)

ENJOY YOUR LIFE EVERYONE

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

3 responses

26 12 2012
Rhence

True. Let’s enjoy our lives! 😀

31 12 2012
DALAWANG WALA ISA DALAWA (2012) « Serendipitous Wordsmith

[…] Dapat wala na akong New Year’s Resolution eh kasi katapusan na daw ng mundo noong December 21,2012. […]

31 12 2013
DALAWANG WALA ISA TATLO (2013) | Serendipitous Wordsmith

[…] Dapat wala na akong New Year’s Resolution eh kasi katapusan na daw ng mundo noong December 21,2012. […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: