DECISIONS

19 02 2013

It is 7 o’clock in the morning, I don’t want to stand up, I still wanna be in my bed. The ceiling is so white, I can hear the birds and I can feel the sun shining through my window. Even if I don’t want to, still I need to get up, my class is at 7:30 AM and I’m late. Super late.

Why do I need to attend classes at school? Simply because I wanna be a doctor, I am taking up my preparatory course and I like it. Before I wanna be a lawyer, I wanna lie and be rich because of lying. But I wasn’t successful enough; I need to migrate because my mom and my dad separated. I didn’t continue what I have started when I am still taking up my preparatory course for Law. But before that, I wanna be a writer. I want to publish books and I want my books to be a movie. I want to be a script writer for the highest grossing film of all time. But before that I just want to be a dragon. Yeah I am six years old that time. I want to be a dragon to breathe fire, it’s so cool, imagine that fire from your mouth that’s way beyond imagination. Not just that, I want my fire to be pink because I think it’s scary. I can scare bratty girls by my pink fire coming from my dragon mouth.

It is reality right now, I’m all grown up and I get jealous at kids who don’t have a problem. All they do is to play, eat, sleep and play again. I hate to talk about age, I’m very sensitive about it, and it’s just like a reminder that I am getting old. Age is just a number, the number designating your proximity to death.

I also thought of maybe I am wasting my time in school. Maybe after years of education I can’t find a decent job or I’ll die after graduating because of snakebite. I don’t know maybe I should stop thinking so much. I can’t take the pressure of college education is giving me. I have a goal and I need to strive for it besides pressure isn’t always bad. It’s a sign you’re into making something great. I have great responsibilities but I’m scared that I can’t do it, that I might fail those people who trust and believe in me. Well because of that a friend punched me in the stomach and told me to see it as an opportunity rather than an obstacle.

I wanna be a superstar, you know like a star which is super. I’m not good at everything I do, but I know there’s something I can do that not everybody can do. Each of us is unique; I just don’t know what makes me unique.

What if someday I don’t want to be a writer anymore or a doctor or a lawyer, what if I want to be a part of a gambling syndicate or something illegal? These questions sometimes bug my mind, there are a lot of money in there just don’t let the authorities to catch you. Sometimes I decide abruptly, I don’t think twice but I’ve managed to get away from it. I also didn’t let my friends to be a bad influence to me. More importantly every time after making those kinds of decisions and realizing it was bad for me and my future, that’s the time I’ll say “I will not do the same mistakes again.”

People sometimes contradict your beliefs however you should not give up on the things you’re fighting for. Be ready for the consequences of the mistakes you’re about to make. If you wanna be a dragon, go for it. Be a dragon of the society maybe you’ll breathe fire which is pink that will scare those crocodiles.

What do I really want to be? It’s so hard to change the world but I will give it a try.

Now I’m looking at my alarm clock. Even if I don’t want to, still I need to get up, my class is at 7:30 AM and I’m late. Super late.

————————————————————————————-

“As soon as you stop wanting something, you get it.” ~ Andy Warhol

HAVE A GREAT WEEK!

I am on Twitter: @olops001





VALENTINE’S DAY LETTER

13 02 2013

Dear (insert name),

“Unang beses palang kitang nakita pinatibok mo na ang puso ko.” — Baduy ng linya na ito. Promise! So ano ka noong di mo pa siya nakikita remote control?

Hindi ito ang pangkaraniwang Valentine’s Day letter na matatanggap mo. Sinisigurado ko din na walang pambobola ang isinulat ko dito. Tanggap ko na rin kung mababadtrip ka lang sa mga mababasa mo.

Gusto ko lang malaman mo na ang sarap maging lalaki, hindi lang sa kailangan naming gumastos para sa Valentine’s day ang saya din na nagbibigay ng kung ano-ano sa girl. Ang sarap ng pakiramdam na mapapaalam mo sa babae na gusto mo siya, na mahal mo siya. Pero minsan iniisip ko na sana babae nalang ako, gusto ko din maranasan yung pakiramdam ng nabibigyan ng bulaklak, chocolate, letter, stuff toy at napkin

Sa mga nagsasabi sa iyo ng linyang “Ikaw ang rason ko kung bakit ako pumapasok sa school” ay sana ‘wag ka masyado maniwala. Gasgas na yang salitang yan, isa pa kaya sila pumapasok dahil kailangan at para magaral hindi lumandi!

Ang saya-saya ko noong nakilala kita, dati stalker lang ako sa twitter mo ngayon kinakausap mo na ako ng personal. Di ka mataba kaya ‘wag kang mag iinarte sa harap ng salamin, sana ‘wag mo din sabihin ang nakakairitang linyang “Ehhhhhhh tumataba na akoooooo!”

Maganda ka kapag bagong gising ka. Pero ‘wag mo naman sana ako kukuhanan ng litrato kapag natutulog ako. 

Kahit na galit sa iyo ang aso ko mahal pa rin kita. Kahit na nakakalimutan mong mag toothbrush kapag nagiinuman tayo, mahal parin kita. Kahit na laging mas mataas ang mga nakukuha mong grades sa akin sa school, mahal parin kita. Kahit na mabaho ang paa mo minsan, mahal parin kita. Kahit na lagi kang umiiyak dahil sa hirap ng mga ginagawa ninyo sa school, mahal parin kita. Kahit na inaasar mo ako kapag bagong gupit ako,  mahal parin kita. Kahit na sobrang sakit ng mga prank mo sa akin, mahal parin kita. Pero please lang ‘wag mo naman ako hampasin ng tabla. Okay?

Minsan di mo ako pinapansin, bigla ka nalang nagagalit ng di ko alam ang dahilan. Pero iniintindi kita, inaalam ko kung saan ba ako nagkamali. Minsan tinatanong mo pa ako ng kung ano ano pero hinuhuli mo lang pala ako. Pero di ako magsisinungaling sa iyo. Hindi na rin ako magsusugal dahil sinabi mo.

Ang relasyon sinusubok talaga yan ng mga problema, pero di ako magpapatalo kahit sumusuko ka na. Pipilitin ko paring ayusin ang nasisirang relasyon. Ayoko na isang araw nagbabalik tanaw nalang ako, magisa at malungkot sinasabi sa sarili “Sana hindi ko siya pinakawalan”.

Gusto ko lang malaman mo na kahit basag ka na at sobrang wasted na di ako mapapagod na buhatin ka papunta sa kama mo. Ang saya ko nga kapag sobrang pagod ka eh, kapag natutulog ka nag sasalita ka. 

Hindi ako mahihiya proud ako kasi yung girlfriend ko ugly duckling ang storya ng buhay niya. Sorry dahil kapag tinitignan ko mga pictures mo noong bata ka pa inaasar kita. Di ko lang kasi mapigilang tumawa eh, di nga ako makapaniwala na from baduy to fabulosa na ang dating mo ngayon.

Ang lalaki hindi dapat pinapaiyak ang babae, pero sorry sa mga panahon na umiiyak ka dahil sa akin. Sorry sa mga date natin na hindi ko sinipot at sorry kung minsan di ko naaalala ang mga importanteng araw gaya ng birthday ng goldfish mo at anniversary ng kulay ng gate ninyo dahil dati kulay black yun ngayon blue na. Di naman kasi dapat tinatandaan yun diba? Pero kung importante talaga sa iyo sige ipagluluto ko ng pansit yung isda at gate mo.

Salamat sa laging pagsuporta sa akin. Salamat sa pagsama sa mga adventures ko. Salamat dahil game na game ka sa mga food trip ko. Salamat dahil tanggap mo ang pag ka weirdo ko. Salamat dahil naiintindihan mo ako kapag sinasabi kong gusto ko maging  superhero. Salamat dahil kahit wala akong abs tanggap mo ako.

Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko“, oops luma na pala yan. Ikaw ang mahal ko kahit mainggit pa sila! We’re the cutest couple on Earth! I Love You!

– ME

—————————————————————————————–

“Love is the magician that pulls man out of his own hat.” ~ Ben Hecht

HAPPY VALENTINE’S DAY EVERYONE!

I am on Twitter: @olops001





CRUSH

9 02 2013

SPOILER ALERT: Ito ay isang walang kwentang love story na mapapa “What the Fuck” ka nalang pagkatapos mong mabasa. Ito ang istorya kung paano naging magkasintahan si Marc at Eleanna.

MARC’S POINT OF VIEW

Maaga ako pumasok ngayong araw, malamig pero nakaligo naman ako. Wala pa akong assignment sa Algebra kaya maaga akong pumasok para makahingi ng tulong sa crush ko, si Eleanna. Naging crush ko siya dahil sa buong klase namin siya ang may pinakamagandang kutis. Di naman siya sobrang puti pero makinis at malambot ang kanyang balat, mahaba din ang buhok niya at siyempre sexy! Gaya ng inaasahan ko nandun na nga siya sa classroom namin. Nakaupo siya sa kanyang upuan sa 3rd row. Swerte ko dalawa palang kami sa classroom at solong-solo ko siya.

“Eleanna ito nga pala yung hindi ko pa nasasagutan sa assignment namin, pasagot naman oh.” sabi ko sa kanya.

Kinuha niya ang aking libro at sinolve niya ito. Habang sinasagutan niya ang aking assignment ay pinagmamasdan ko siya. Ang ganda niya talaga.

“Oh ayan na, next time subukan mo ding sagutan madali lang naman eh” sambit ng kanyang mala pandesal este anghel na boses. Di pa pala ako nag agahan kaya niyaya ko siyang kumain sa canteen. Napilit ko naman siya.

Masaya ako na kasama ko siya, 6:30 palang 7:30 pa pasok namin. Tatagalan kong kumain. Bumili ako ng pancake dalawa binili ko pero di para sa kanya yung isa. Sa akin lang yun.

Malalaki na hugis remote at makinis na mga pancake ang binebenta sa canteen namin, kahit isa lang kainin mo mabubusog ka na talaga.

Habang kumakain ako, napansin kong nakatitig lang siya sa akin, tinanong ko kung anong problema, yun pala di ko pa nalagyan ng syrup ang malalaki na hugis remote at makinis na mga pancake na kinakain ko. Tumayo siya at humingi ng syrup kay ate Vicky, yung tindera sa canteen namin. Pagkabalik niya sa table namin nilagyan niya ang mga malalaki na hugis remote at makinis na mga pancake ko ng syrup.

Pagkatapos kong kumain bumalik na kami sa classroom. Marami na ang dumating sa mga kaklase namin at ang ilan sa kanila gumagawa din ng assignment. Homework yun diba kaya dapat sa home ginagawa, parang seatwork dapat di ka nakatayo kapag ginagawa mo yun. Umupo na si Eleanna sa kanyang upuan sa 3rd row, di ko na siya matabihan kasi katabi na niya yung matabang kaklase namin. Bakit pa kasi may seating arrangement eh, eh di sana lagi ko siyang tinatabihan.

Dumating na ang teacher namin, 13 minutes late siya. First subject Algebra, kaya araw-araw umaga palang inaantok na ako. Masipag teacher namin, isa-isa niyang chinekan ang mga assignment namin. Tinawag ako para sagutan daw sa white board yung assignment namin. Bakit ako pa? Nanahimik lang ako dito ah. Mula sa 6th row na aking kinauupuan dahan-dahan akong pumunta sa harap. Di ko alam kung paano nakuha tong sagot na to. Nanginginig na ako sa harap dahil sa dami ng mga mata na nakatitig sa akin. Nakataas lang ang aking mga kamay na kunyari ay may maisusulat.

“HULI KA BALBON!” yan ang sigaw sa akin ng teacher ko kanina. Di ko akalain na masasabi ng teacher ko ang ganyang mga salita. Balbon? Di naman ako mabuhok ah.

“Sabi ko na nga ba nangopya ka nanaman eh”  dagdag niya.

Di naman ako nangopya eh, pinasagutan ko to kay Eleanna. ugh.

“Hindi po sir, nakalimutan ko lang po paano nakuha” palusot ko.

Tinawag ng teacher namin si Eleanna para tulungan ako. Dalawa kami sa harapan at wala akong nagawa kundi ang panoorin nalamang siya na magsulat sa white board. To the rescue nanaman si crush.

Buong Algebra class namin ay nakatingin lang ako kay Eleanna. Lumingon siya ng isang beses sa akin. Yun pala napatingin lang siya sa likuran niya dahil sinusunog ng mga kabarkada ko yung buhok niya gamit ang lighter…

ELEANNA’S POINT OF VIEW

Kagabi palang tinext na ako ni Marc na papaturo daw siya sa akin sa assignment namin sa Algebra. Agahan ko daw pumasok. Kaya 4 o’clock palang nagising na ako, giniginaw akong kumain ng agahan ko dahil sobrang lamig. Pancake at coffee lang ang agahan ko, katabi kong kumakain ang kapatid kong lalaki at ang agahan niya ay Mik-Mik.

“Di naman masustansya yang kinakain mo bro, kumain ka ng pancake!” ang sabi ko sa kanya.

“Ayoko nga di mo ba napansin na pabilog pancake mo! Gusto ko star shape!” isip batang sagot ng 1st year college ko na kuya.

Hinayaan ko nalang siya, at nagmadali upang makapasok na ako sa school, baka naghihintay na sa akin si Marc.

6 o’clock nakarating na ako sa classrom namin. Wala pang tao kaya ako na ang nagbukas ng mga ilaw at pagkaupo ko sa aking upuan ay dumating na si Marc.

Babatiin ko sana siya ng good morning pero ang bati niya sa akin ay “Eleanna ito nga pala yung hindi ko pa nasasagutan sa assignment namin, pasagot naman oh.”

Hay naku, pasalamat siya crush ko siya. Kaya kinuha ko nalang ang kanyang libro at sinagutan ang kanyang assignment. Habang sinasagutan ko ito, halatang-halata ko na pinagmamasdan niya ako. Halos di ako maka concentrate dahil katabi ko ang isang gwapong-gwapo na basketbolista ng aming eskwelahan.

Matagal na kaming magkaibigan ni Marc. Pero di naman kami masyadong close, nagkakausap lang kami kung may problema siya sa Algebra. Ito lang ang oras na kami lang dalawa ang magkasama.

Tinapos ko ang napakadaling assignment namin, di ko siya maintindihan yun lang di pa niya masagot. Kaya sinabihan ko siya  na next time subukan niya din namang sagutan dahil madali lang naman. Pero sa totoo lang gusto kong wag nalang niyang gawin ulit ang mga assignment namin para magpatulong pa siya ulit sa akin.

“Thank you ah” sabay ngiti niya sa akin. Pilit kong tinatago ang kilig na aking nararamdaman, pero di pa doon natapos ang lahat nang bigla niya akong niyaya sa canteen para mag agahan. Tumanggi ako kasi kumain na din naman ako ng pancake. Naalala ko nanaman tuloy yung kuya ko na Mik-Mik lang ang kinain.

Pinilit niya ako, tama yan gusto ko lang naman talaga magpapilit eh. Di ako makapaniwala na mag dadate kami sa canteen ng pinakagwapong basketbolista ng aming school.

Pagkapasok namin sa canteen may mga nagtitiliian na mga babae. Nakita kasi nila si Marc, at masama tingin nila sa akin nung nakita nila na ako pala ang kasama niya. Bumili siya kay ate Vicky ng dalawang pancake.

“Bakit dalawa?” Tanong ko sa kanya. Pero assuming ako na sa akin yung isa.

“Gutom ako eh, ang hirap kasi ng assignment natin sa Algebra.” sabay tawa.

Assuming talaga ako, di pala talaga sa akin yung isang  pancake. Habang kumakain siya ay nakatitig ako sa kanya. Pinagmamasdan ang kanyang mga mata na kapag tinignan mo ay masasalamin mo ang sarili mo sa sobrang ganda. Ang gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo niya talaga!

“Anong problema?” Tanong niya sa akin.

Lumaki ang mga mata ko at nagisip ako ng pwede ko’ng sabihin para di niya akalain na tinititigan ko siya.

“Ah Eh” Sabay nakita ko na kinakain niya yung mga pancake na walang syrup. Buti nalang napansin ko yun

“Di mo kasi nalagyan ng syrup pancake mo”

Tumayo ako at hiningan ko si Marc ng syrup kay ate Vicky. Pagbalik ko sa table namin ay nilagyan ko ng syrup ang pancake niya. Smiley sana ang gagawin ko pero di bilog yung pancake.  Ang weird lang ng shape.

Nagsidatingan na ang mga kaklase namin sa classroom. Ang tagal kumain ni Marc, pero ayos lang matagal ko din naman siyang nakasama. Pumunta na siya sa mga kabarkada niya. Kaya umupo nalang ako sa upuan ko. Nag hello ako sa seatmate ko na si Botchog. Ang cute cute niya. Di siya sumagot dahil busy niyang sinasagutan ang assignment namin sa Algebra.

Ilang sandali lang dumating na ang teacher namin, isa-isa niyang chineckan ang mga assignment namin. Nagsimula siya sa 6th row, ang last row ng klase namin. Pagkatapos ay tinawag niya si Marc para ipakita sa harapan ng klase kung paano niya nakuha ang mga sagot.

As usual di niya alam kung paano nakuha ang mga sagot, tinawag pa siyang balbon ng teacher namin. Balbon talaga ah. Maski ako natawa eh.

Bigla nalang akong tinawag ni sir, tulungan ko daw si Mr. Balbon. Kinuha ko ang white board marker kay balbon at sinagutan ko ang napakadaling assignment namin. SA TABI NIYA AT SA HARAPAN PA NG BUONG KLASE!

Nginitian ko nalang siya at sabay na kaming bumalik sa kanya-kanyang upuan. Buong Algebra class namin hindi ako mapalagay, ayos lang kaya si Marc? Baka napahiya siya ng husto. Kaya lumingon ako para tignan siya. Bakit ba kasi nasa last row pa siya? Sana siya nalang katabi ko hindi si Botchog. Pagkalingon ko ay nakita ko siyang nakatingin din sa akin, kaya tumingin nalang ako sa mga maiingay na kabarkada ni Marc sa likuran ko para di halatang tinignan ko siya.

Di ko alam sinusunog na pala nila ang buhok ko. Napasigaw ako dahil nakikita kong nasusunog paunti-unti ang buhok ko.

Tumakbo si Marc papunta sa akin at inagapan ang pagkalat ng apoy sa buhok ko. Napapikit nalang ako at umiyak dahil sa ginawa ng mga kabarkada ni Marc, nang biglang pinagsusuntok ni Marc ang kanyang mga kabarkada. Nagkagulo sa buong klase, tumayo si Bochog at nilabas niya ang kanyang armalite at pinagbabaril niya ang mga kabarkada ni Marc sa classroom.

Nagtakbuhan kaming lahat papalabas ng classroom, mabilis rumesponde ang mga guard ng aming school. Dumating din ang mga pulis. Inubos ni Bochog ang mga bala sa mga nakahandusay na katawan ng mga kabarkada ni Marc. Nang maubos na ang mga bala ay sumuko siya at inaresto ng mga pulis.

Di nila alam na warfreak pala si Bochog at nawala siya sa katinuan noong nakita niyang may mga nagsusuntukan sa likuran namin. Namatay ang mga kabarkada ni Marc, at nakulong si Bochog.

Na trauma ang lahat  at isang linggong walang pasok at di rin nagtagal naging kami ni Marc.

———————————————————————————–

“Minsan malagim ang pwedeng sapitin natin para makuha lang ang ating minamahal huwag hamakin ang lahat isipin mo din ang sarili mo.”

SPREAD LOVE EVERYONE!

I am on Twitter: @olops001








%d bloggers like this: