SULAT PARA SA WALANG KWENTANG BOYFRIEND NG KAIBIGAN KO

15 03 2013

casda

Hi,

Hindi kita pagsasalitaan ng masama, hindi rin kita mumurahin dahil alam ko naman na sobrang kitid ng utak mo. Dahil mayroon kang gamunggong utak nagagawa mo pa akong tawagan kapag lasing ka. Aba anong kinalaman ko kung di ka nirereplyan ng girlfriend mo?  Naghahamon ka ng away eh sobrang payat mo naman.

Pero kailangan talaga nating mag usap, dahil ang tulad mong unggoy ay napunta sa kaibigan ko na halos perpekto na. Alam mo yun yung tipong lahat ng pwedeng hanapin ng isang lalaki sa babae ay nasa kanya na. Pero matagal tagal na mula nung niyaya mo siyang makipagdate. Lahat ng kasinungalingan ginawa mo na para lang hindi mo siya makita. Pinagantay mo pa siya ng isang oras sa mall tapos hindi ka naman pala sisipot dahil inuna mo pa ang pagsusugal mo. Kung tratuhin mo siya parang pampalipas oras mo lang siya.

Naaalala ko pa yung mga panahon na nililigawan mo palang siya. Todo effort ka pa talaga, pero noong nakuha mo na siya at alam mong hindi ka na niya kayang pakawalan niloko-loko mo nalang siya. Bilib nga ako sa kanya eh dahil nakakayanan niyang tiisin ang napakatagal mong pagreply sa mga texts niya. Napapagod na ako, na kada nakikita ko siya ay malungkot at umiiyak siya. Hindi ko na sinasabi sa kanya na hiwalayan ka nalang niya dahil napakawalang kwenta mo naman. Alam ko kapag sinabi ko yun sa kanya madidismaya lang siya.

Kaibigan ko siya, at alam ko may dahilan siya bakit sa dinami-dami ng nagkakandarapa sa kanya ikaw ang napili niya. Pero hindi ko lang matanggap kung bakit hindi mo to pinapahalagaan. Kilalang-kilala ko na siya, sobrang nakakaaliw siya kasama, matalino, complex, at napakaganda ng pananaw sa mundo. Malalaman mo naman talagang mahal ka niya kung nagpapakatanga na siya para sa iyo.

Nakasama ko na siya buong gabi, nakainuman ko na din siya ng ilang beses, nakapanuod na din kami ng napakaraming pelikula ng sabay. Nakikita ko kung gaano siya kasaya nang mga panahon na iyon, pero bandang huli ikaw parin ang hahanapin niyan. Magmumukmok yan at ikaw parin ang hinahanap. Paano ba naman ang girlfriend sa’yo ay parang pampalipas oras mo lang.

Minsan natatanong ko din sa sarili ko yan eh. Bakit ganun yung mga babae mas pinipili parin nila ang mga jerk kaysa sa mga nice guys? Baka naman sa una, mabait pa kunwari tapos pag sila na , nagiging bwiset na at ganun ka! Di kita masisisi, aminado naman ako na gwapo ka naman talaga. Pero hindi ko lang talaga matanggap na titimang-timang ka na sa buhay mo pero ikaw parin ang gusto niya.

Sabi nung self-proclaimed na pangit na nag sisigaw sa kanto kanina: “Kahit na garapalan mangopya sa klase basta gwapo dun parin ang mga babae. Kahit na di makapag recite ng maayos sa klase basta gwapo dun parin ang mga babae. Kagwapuhan na kasi ang basehan sa mundo. Basta gwapo sikat, basta gwapo siya kakampihan. Gwapo nga pero simpleng problem lang sa algebra di pa masagutan. Gwapo nga pero ukauka naman magbasa at natutulog lang sa klase. May diskriminasyon sa mga pangit!”

Hindi naman ako lubusang kumakampi sa kanya dahil hindi naman lahat ng babae ganyan pero may punto siya. Minsan mas pansin parin talaga ang pisikal na kaanyuhan kaysa sa tunay na pagkatao ng isang tao. Naniniwala din ako na walang pangit sa mundo may mga mas nakakaangat ngalang ang kagandahan.

Naaalala ko pa noon, graduating na siya. Last day na niya sa school ang gusto ko lang naman ay mayakap siya masabi ang huling paalam ko pero mas nagbigay ako dahil gusto ka niya. Na hindi ko na siya nakausap dahil nanjan ka, na huling araw na niya bilang estudyante pero ikaw ang napili niyang makasama. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na masaya ako na sa wakas may lalaki na nakaka appreciate ng ganda niya.

Nabubuhay ang kaibigan ko sa isang malalim na panaginip na kahit garapalan na ang panloloko mo ay tinatanggap ka parin niya. Na kahit sinasaksak mo na siya sa likod ng malaking espada ay tinuturing parin niya itong pagmamahal. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Na tinitiis niya lahat-lahat pero nagagawa ka parin niyang suklian ng pagmamahal.

Gusto ko lang malaman mo na sobrang ganda niya! Mas gwapo pa siguro siya sa’yo kung naging lalaki siya. Matalino talaga siya, mas matalino pa sa’yo kahit di ko sabihin. Nagagawa niyang pagmalasakitan ang iba kaysa sa sarili niya. Kapag lumalabas siya lahat napapansin siya. Lahat gusto siya, lahat gusto makilala siya pero tinatanggihan niya sila sa ngayon dahil meron ka naman sa buhay niya. She saves all of her best for you!

Pero alam ko balang araw makikita niya rin kung gaano ka kaloko. Maliliwanagan din siya na napakaraming tao pa jan ang kayang pasayahin siya at maibibigay ang kanyang mga pangangailangan. Iiwanan ka din niya. At kung dumating ang araw na yan tatawanan kita hanggang lumabas na bituka ko sa mga bibig ko. Yung tipong mauutot ako ng malakas sa kakatawa. Hindi mo siya deserve kaya kung ako sa’yo magbago ka na.

————————————————————

“Pero para sa’yo ako’y magbabago kahit mahirap kakayanin ko dahil  para sa’yo handa kong magpakatino laging isipin lahat ay gagawin basta para sa’yo.” ~ Para Sa’yo by Parokya ni Edgar

HAVE A GREAT WEEKEND!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

5 responses

17 03 2013
bebekoh

awww… that’s so sweet.. you really love your friend… are you sure she’s just a friend to you? 🙂 sorry.. intriga…

18 03 2013
Rhence

kawawa naman yung friend mo. 😐

28 03 2013
mafe

this made me realize how blessed i am to have a friend like this.. im sure isa kang tunay na kaibigan. 😀

3 04 2013
thelovelybiatch

ay sana friend na lang kita, pramis

1 05 2013
Fate

She’s lucky to have you 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: