MAY NATUTUNAN BA AKO?

21 03 2013

KAILAN ko lang nabasa ang sikat na libro ni Bob Ong ang ABNKKBSNAPLAko. May parte sa libro kung saan nagbigay siya ng ilang mga natutunan niya noong nagaaral pa siya. Ito ang aking sariling bersyon ng “May Natutunan Ba Ako?”

  • Natutunan ko ang paggawa ng parol tuwing pasko dahil project namin ito sa TLE.
  • Natutunan ko din ang paggawa ng shorts mula sa kapirasong tela lang pero nasira agad noong sinuot ko.
  • Nalaman ko na pantay-pantay lang dapat ang pagtingin sa isang tao. Walang mahirap walang mayaman pag dating sa eskwelahan. Dahil kahit mahirap ka kung pinagbubutihan mo naman ang pagaaral mo maaari mong daigin ang mga tamad na mayayaman sa klase niyo.
  • Natutunan ko ang maglakad ng mabilis tuwing flag retreat dahil pinagalitan ako ng teacher namin. Para daw akong naglalakad sa buwan. Mala Neil Armstrong lang ang datingan ko.
  • Natutunan ko na hindi dapat magharutan kapag may misa o flag ceremony dahil yung mga kaklase kong babae pinag community service noong nahuling nag haharutan.
  • Natutunan kong umiyak sa mga panahong  hindi ko na talaga gustong mag aral dahil sa hirap ng buhay.
  • Nalaman kong may pagasa sa buhay, may pagasa ka pa kahit ngayon mo lang gagawin ang project mo at bukas na ang pasahan kahit na noong nakaraang buwan pa ibinigay ng teacher mo.
  • Nakilala ko ang mga santo at mga bayani dahil pangalan ito ng section namin noong high school.
  • Nalaman kong pwedeng gawing pamunas ng pwet ang 1/2 lengthwise pad paper kapag natae ka sa school.
  • Natutunan kong tumakas kapag isa ako sa mga cleaners dahil mag flofloorwax, mag bubunot ng sahig at magwawalis kami.
  • Nalaman ko na may gate yung tapunan ng basura sa likod ng school namin at pwede itong gawing lagusan palabas ng eskwelahan kapag nag cutting ka.
  • Natutunan ko mag DOTA kahit bumabagyo at signal number 3 pa. Lalakarin parin namin hanggang palengke makahanap lang ng kompyuteran.
  • Natutunan kong bumili ng pastillas sa teacher namin para may plus grade ako.
  • Nalaman kong may mga taong mas mabibigat pa pala ang problema kaysa sa problema ko sa 100 pesos na baon ko na kulang na kulang pambili ng pagkain ko tuwing recess at lunch.
  • Natutunan ko ang pagmamahal sa mga hayop, nakakaawa yung binigti, nilunod sa pintura, sinako at sinunog ko na pusa noong elementary ako.
  • Nalaman kong pwede pala magkaroon ng girlfriend sa pamamagitan ng text lang. Nalaman ko din na seryosong bagay pala ang pakikipagrelasyon. Hindi ito dapat pinaglalaruan.
  • Natutunan kong mag barnis ng mga upuan tuwing patapos na ang klase. Nalaman ko din na pwede din pala itong ipambuhos sa uniporme ng kaklase ko kapag napikon ako sa kanya.
  • Natutunan ko din na dapat galangin ang ating mga guro kahit na minsan gusto ko nang pumatay ng teacher dahil hindi ko sila mahanap tuwing pirmahan ng clearance. Sila ang nagpapakahirap upang bilangin ang ating mga boto tuwing eleksyon. Malaking sakripisyo ang pagiging isang guro.
  • Nalaman kong kailangan pala bayaran ang mga utang sa canteen. Noong elementary ako kasama sila sa mga pipirma ng clearance ko.
  • Nalaman kong maraming batang nagugutom sa mundo, pero di sila mabubusog kapag hindi ko naubos ang pagkain ko.
  • Natutunan kong ligawan ang dalawa sa pinakamagandang babae sa buong eskwelahan namin noon high school. Natutunan ko din ang mag move on kapag binusted ka.
  • Natutunan kong bumuhat ng basketball team dahil ako lang ang marunong mag basketbol sa section namin. Hindi naman ako marunong pero nakayanan naming lumaban.
  • Natutunan kong magsinungaling sa magulang ko makasama lang ako sa mga praktis namin sa cheerdancing competition.
  • Nalaman ko din na kapag may group work kami na kung 8 AM ang usapan na magkita-kita, 2 PM darating ang iba kong kaklase,
  • Natutunan kong magpyansa kapag nakulong sa jail booth tuwing foundation day namin. Natutunan ko din ang makipag blind date at pagtripan ang kaklase na i-blind date sa mukhang kabayo.
  • Nalaman ko na ang horror booth tuwing foundation day ay hindi naman nakakatakot, mainit pa yung klasrum at ang asim ng amoy.
  • Nalaman ko din na kung gusto mo talaga ang babae na ipinares sa iyo sa marriage booth halikan mo na siya sa lips. Nalaman ko din na di pala tunay na kasal yun.
  • Nalaman ko na ang buhay hindi umiikot sa apat na sulok ng klasrum, dahil kung na late ka sa flag ceremony ibibilad ka nila sa araw na parang daing.
  • Nalaman ko na hindi ka pala mamatay kung tumalon ka sa pangalawang palapag ng building namin noong high school. Mapipilayan ka lang.
  • Natutunan kong maglaro ng rubiks cube, yugi-oh, yoyo, chess, dama, damath, crush gear, tamiya, holen, teks, chinese garter, agawan base, milo-miluhan, wrestling, patintero, touching ball, futbol, flames, duraan ng sago at gulaman, at barilan ng pellet gun sa loob ng eskwelahan.
  • Nalaman ko din na dapat sa buhay maranasan ang pagkatalo. Na kahit nasa cream section ka pwede ka parin matalo ng mga lower sections. Malaki ang expectation kapag section 1 ka, pagkakamali ng isa damay ang buong section.
  • Natutunan kong mag bait-baitan tuwing values education ang subject namin dahil mataas ang grade sa conduct.
  • Natutunan kong maging lider at magkaroon ng mga miyembro na wala namang naitutulong.
  • Natutunan kong magseryoso kapag kailangan ng magseryoso. Lalo na kapag nag sesermon na yung president ng klase namin sa harap.
  • Nalaman ko din na pwede palang mag walkout ang teacher dahil sa sobrang ingay. Shock ang lahat pero nagawa ko paring sumayaw-sayaw sa kabila ng mga nangyari.
  • Natutunan kong magsulat ng sanaysay, maikling kwento at tula. Pero ang pinakagusto ko ay ang pagsusulat sa pader ng banyo, upuan, hagdanan, lamesa ng canteen at hallway.
  • Nalaman kong hindi naman pala dapat matakot sa mga terror na teacher, tao lang sila di sila aswang.
  • Natutunan kong ayawan ang Algebra, Algebra at Algebra pa ulit. Kahit na anong pilit ko hindi ko maintindihan ang ibang lessons namin doon.
  • Higit sa lahat nalaman ko din na napakasaya pala ng high school. Nagsisisi ako na hindi ako lubos na nagsaya nang nagsaya noon. Sobrang hirap na pala ng kolehiyo.

———————————————————-

“Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo. ” – Bob Ong

SUMMER VACATION NA!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

3 responses

21 03 2013
ResidentPatriot

ayus yung niligawan mo yung dalawang pinakamagandang babae sa eskwela ninyo, regardless sa resulta, malaking achievement na yun hehe 🙂

22 03 2013
June

LIKE! (like na sa taas, like pa sa comment, paulit-ulit? eh sa sa like ko eh bakit ba? 😀 )

3 04 2013
thelovelybiatch

at natutunan ko kung paano i-transfer ang toyomansi galing sa plato ko papunta sa plato ng tropa ko gamit ang straw. hahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: