TORPE!

16 06 2013

SPOILER ALERT: Ito ay isang walang kwentang istorya ng katorpehan. Huwag basahin maaawa ka lang sa lalaking ito dahil sobrang torpe niya.

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko. 

Diretso ang tingin at umupo sa upuan ko. Nakakasawa na puro nalang kalokohan ang pinaguusapan ng mga kaklase ko. Kaya tumingin ako sa paligid. Aba! May mga taga ibang section. Hindi lang pala course ko ang nandito halo-halo pala kami.

Tahimik lang ako sobrang boring ng subject na ito. Ang dami pang isinusulat…. Ganyan lang lagi ang routine ko sa subject na yun. Hanggang lumipas ang ilang buwan……..

Ilang buwan na ang nakalipas puro sulat parin kami. Laki na ng kalyo ko sa kamay. Kahit nagsusulat ang ingay parin ng mga kaklase ko. Ayoko na! Sawa na ako! Hindi ko na isusulat itong pinapakopya ng teacher namin sa board.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Hanggang sa nakita ko siya. Parang may spotlight na nakatutok sa kanya. Kumbaga sa camera naka macro mode ito. Siya lang ang maliwanag sa paningin ko at ang paligid ay malabo.

Sino siya? Bakit hindi ko siya napapansin noon? Bakit napansin ko siya kung kailan patapos na ang sem?

Pakitang gilas na ako mula noon. Nag rerecite na ako, ipinapakita ang speaking skills sa klase at sumabay sa mga daldalerong mga kaklase na wala namang kwenta ang mga pinaguusapan. Naaalala ko pa yung debate na pinaghandaan ko para lang magpakitang gilas. Pero absent siya noon hindi niya ako nakita. Pero ayos lang. Gusto ko parin siyang makilala.

Nagtanong ako sa mga kaklase ko kung sino siya. Basta mga kabarkada gagaguhin ka lang. Tinanong ko lang kung sino siya kung ano-ano na ang sinabi. Mas una pa nilang sinabing may “boyfriend na siya” kaysa sa pangalan niya.

BOOM! Inimagine ko nalang nagkaroon ng malaking pagsabog sa pila ng mga tricycle drivers na ang tataas maningil ng pamasahe. Inimagine ko nalang na may lumipad na tricycle at tinamaan ako nito. Inimagine ko nalang na hindi na nag seserve ng pagkain ang canteen namin. Inimagine ko nalang na hindi ko siya nakita.

May boyfriend na pala ibig sabihin hands off na. Respeto naman diba ayaw ko namang suntukin ako nung boyfriend niya. Mahirap na payatot lang ako. 3 years na sila ng boyfriend niya wala nang pag-asa ‘to hindi naman sila tatagal kung hindi nila mahal ang isa’t isa diba?

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko.

Last day na namin hindi ako nagreview sa final exam dahil sobrang dali lang naman ng subject. Joke lang tinamad lang ako magreview. 30 minutes lang tapos na ako mag test tapos na ang subject ko na iyon. Hinding-hindi ko na siya magiging kaklase pa.

Finollow ko siya sa Twitter. Wala lang finollow ko lang sa twitter walang ibig sabihin yun. Summer vacation na at nagtravel na ako pero nandun lang ako tahimik, nagaabang at nakikibalita. Nang biglang….

BREAK NA PALA SILA NG BOYFRIEND NIYA! Kulang nalang magsuot ako ng party hat at ipasarado ang buong street namin para painumin ang buong barangay!

Pero hanggang dun nalang ako. Dahil hindi ko naman maamin na gusto ko siya. Na gusto ko mabigyan niya ako ng chance na mapakita sa kanya na gusto ko siya. Puro lang ako pabibo, puro lang ako parinig, puro lang kwento, puro lang hype, puro lang pakitang gilas ako sa kanya. Teka bakit puro “puro” ang sentence ko na yun.

Gusto ko kasi sa personal ko sabihin ang lahat. Pero baka bigla akong himatayin. Sincere ako at baka lumabas na nagloloko lang ako kung sa chat lang ako aamin. Sana lang hindi pa siya nakakahalata. Sana lang wala pang nakakahalata. Gusto kong makasama siya. Gusto kong makita siya at magkakilala kami. Pero ‘wag nalang dahil torpe nga ako.

Hindi na yata ako aamin. Papakawalan ko nalang itong pagkakataon na ito. Ayokong maranasan ang heart break. Isa pa kakahiwalay niya lang sa ex niya. Tapos may mga bestfriends pa siyang lalaki. Hirap kaya nun, siyempre dadaan ka muna sa kanila. After ng mga bestfriends na lalaki dadaan ka naman sa mga bestfriends na babae. Wow nalang ang masasabi ko. TUMAL!

Ang alat mga tsong. Pero torpe talaga ako, hindi nalang ako aamin talaga. Magaaral nalang ako. Yung anatomy book ko nalang ang liligawan ko. Kapag nakita ko siya sa school itatago ko na masaya ako. Itatago ko na nakumpleto ang araw ko. Pwede ring magtago nalang ako sa room namin para naman hindi ko siya makita.

Gusto ko makuha ang number niya pero gusto ko personal. Ako si puro personal eh noh? Eh kung personal din akong umamin eh ‘di hindi ko nararamdaman tong feeling na ito. Yung feeling na gustong-gusto mo nang umamin pero naduduwag ka. Kaya hindi nalang ako aamin. Pero gusto ko talaga umamin. Oo ganito na kagulo ang utak ko ngayon!

Ano naiinis ka na? Sana hindi mo nalang binasa itong blog na ito! May spoiler alert nangang nakalagay eh!

Ayoko na! Ayoko na! Hindi na ako makapagreview! Hindi na ako makaligo. Joke lang ayaw ko ngang bumaho. Tinatanong ko na ang sarili ko, magiging torpe nalang ba ako habang buhay. Na baka ako nalang pala ang inaantay niya o sasabihin ko na?

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko. 

Oo na aamin na ako…………. balang araw (Pu@#$%  torpe parin)

——————————————————————
“O baka di ko na isip na mabagal ako at ako na lang pala ang hinihintay mo”
~ (Sige Na Naman) Parokya ni Edgar

HAPPY FATHER’S DAY!

Photo from wattpad.com

I am on Twitter: @olops001

Advertisements




PARENTS

10 06 2013

                                                                               Sometimes parents don’t understand us.

Importante sa magulang ang maintindihan ang kanilang mga anak. Minsan nakakainis na kung paulit-ulit ka nalang pinapagalitan. Yung isang simpleng bagay nagagawa nilang mapalaki. Yung sa isang pagkakamali mo maaalala na nila lahat ng ginawa mong mali.

Ito ang mga ilang mga saloobin ng mga anak sa kanilang mga magulang:

  • Baka kasalanan din ng magulang ko kung bakit ako ganito. Baka mali ang pagpapalaki nila sa akin. Kung gusto kong mag-isa ngayon at walang kinakausap na tao baka dahil noong bata ako kinukulong nila ako sa kwarto sakaling may nagawa akong kalikutan.
  • Nanakit ako ng babae dahil nakita ko ang tatay ko na sinasaktan ang nanay ko.
  • Ayaw ko nang maglinis ng bahay dahil bata palang ako noon ako na lahat pinaglilinis sa bahay. Hindi ko na naranasan makipaglaro sa ibang bata.
  • Hindi ako marunong maglinis ng bahay dahil may katulong kami.
  • Hindi ako tumutulong sa gawaing bahay dahil busy ako. Busy na nakikipag chat sa kasintahan.
  • Nagdrodroga ako dahil nakita ko ang mga magulang ko noong bata ako. Akala ko kasi parang candy lang.
  • Noong bata ako hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa mga magulang ko kahit na alam kong mali na sila. Ngayong matanda na ako nasasabi ko na ang gusto kong sabihin kaso hindi nila matanggap. Ako parin ang lumalabas na mali.
  • Minsan ayaw ko nalang sagutin ang nanay ko kung nag tatatalak siya. Ayaw ko kasi siyang ma hurt.
  • Minsan masyado na nilang pinapamukha sa akin na mahirap kami. Na kailangan ko daw maging ma abilidad sa buhay para umasenso. Sana po naging ma abilidad din kayo sa buhay para may asenso sana tayo ngayon.
  • Bawal daw ako mag boyfriend pero gusto ko na. 13 years old palang daw ako sabi ng mama ko.
  • Noong bata ako tumambay ako sa bahay ng kalaro ko mula umaga hanggang gabi. Dumating tatay ko galit na galit pinaghahampas ako ng troso. Kahit na naglagay na ako ng karton sa pwet ko ang sakit parin.
  • Elementary ako noon nag field trip kami. Wala akong kasamang mga magulan. Naka high yata yung mga guro ko noon at sinumbong ba naman ako sa kanila na binutas ko yung bubong ng bus. Loko-loko magulang ko naniwala naman ayun pinagpapapalo ako ng sinturon.
  • Minsan po hindi ko na kaya. Masakit po yung pagpapaluhod niyo sa akin sa munggo. Masakit po ang bawat palo na inihahampas niyo sa akin. Sana po maawa kayo.
  • Nag rebelde ako dahil tinakwil ako ng mga tatay ko. Nag DODOTA kasi ako noon hanggang madaling araw.
  • Nagigising ako sa sigaw ni mama. Ang lakas! Grabe! Gusto ko pa po matulog please.
  • Ayaw na ako pag aralin ng mga magulang ko, nasa tamang edad naman na daw ako magtrabaho nalang daw ako. Pero gusto ko talaga maging doktor. Sana mapagbigyan niyo ako gusto kong mag-aral talaga.
  • Nagagalit sila kung na lalate ako ng uwi. Kung hindi naman ako umaalis ng bahay nagagalit din.
  • Puro nalang kayo trabaho, wala na kayong panahon sa akin. Kausap ko nalang lagi yung katulong. Mukha pa naman siyang aswang.
  • Sana pwede din naming mapagsabihan ang mga matatanda at matuto din silang makinig sa aming mga bata.
  • Lagi niyo nalang sinasabi na kaya mo kami pinapagalitan dahil mahal niyo kami. Open din naman po kami sa kalmadong usapan.
  • Oh ang taray ni pudra, hitler to death! Binugbog ako nang nalaman niyang bading ako!
  • Nagpapaabot si papa ng screwdriver pero jackhammer ang naiabot ko. Grabeng “tanga mo naman” ang inabot ko.
  • Ayaw ng papa ko na nagkakasakit ako. Kaya kada nagkakasakit ako itinatago ko nalang sa magulang ko. Ngayon feeling ko malala na itong nararamdaman ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Alam mo na baka magalit.
  • Huwag mo akong murahin hindi ikaw nagpapakain sa akin! oops sorry kayo nga pala nagpapakain sa akin. Pero sana pakainin nalang ‘wag na sanang murahin.
  • Sa totoo lang hindi porke’t hindi kami pabor sa mga sinasabi niyo ayaw na naming mapagsabihan. Mali lang talaga kayo.
  • Mas pinipili kong mag laro nalang ng computer games kaysa mag droga pero pinapagalitan parin nila ako. Try ko kaya mag droga baka hindi na nila ako pagalitan.
  • Nakakuha lang ako ng line of seven na grade nagagalit na magulang ko. Itinago pa lahat ng laruan ko. Pinalo pa ako ng sinturon. Pero kapag mataas ang grades ko parang wala lang naman sa kanila.
  • ‘Nay tama na po ang pag lalaro ng mahjong si bunso gutom na.
  • Alam ko naman minsan mali din ako pero mas mali kayo hindi niyo lang alam.

Pero kahit ano pang sabihin natin magulang natin sila. Siguro ginagawa lang nila ang kanilang mga reponsibilidad bilang mga magulang. Kung minsan ngalang sumosobra na. Kahit hindi natin sila maintindihan pa minsan-minsan mahal natin sila. Sa mga taong hindi na nila mahal ang kanilang mga magulang dahil sa mga masamang alaala sa piling nila ang masasabi ko lang sana hindi niyo din gawin sa mga anak niyo ang ginawa sa inyo ng mga magulang ninyo.

Kung ano man ang problema natin sa ating mga magulang tandaan niyo nalang na kung hindi dahil sa kanila wala tayo dito. Siguro kung wala sila hindi ko naisulat ang blog na ito. Kung wala sila siguro hindi ko natulungan yung matandang tumatawid sa kalsada kanina. Kung wala sila siguro wala din silang pinapagalitan.

Sa mga magulang ko: Mahal ko po kayo.

—————————————————————
We never know the love of a parent till we become parents ourselves.
~ Henry Ward Beecher

BACK TO SCHOOL!

I am on Twitter: @olops001








%d bloggers like this: