PARENTS

10 06 2013

                                                                               Sometimes parents don’t understand us.

Importante sa magulang ang maintindihan ang kanilang mga anak. Minsan nakakainis na kung paulit-ulit ka nalang pinapagalitan. Yung isang simpleng bagay nagagawa nilang mapalaki. Yung sa isang pagkakamali mo maaalala na nila lahat ng ginawa mong mali.

Ito ang mga ilang mga saloobin ng mga anak sa kanilang mga magulang:

  • Baka kasalanan din ng magulang ko kung bakit ako ganito. Baka mali ang pagpapalaki nila sa akin. Kung gusto kong mag-isa ngayon at walang kinakausap na tao baka dahil noong bata ako kinukulong nila ako sa kwarto sakaling may nagawa akong kalikutan.
  • Nanakit ako ng babae dahil nakita ko ang tatay ko na sinasaktan ang nanay ko.
  • Ayaw ko nang maglinis ng bahay dahil bata palang ako noon ako na lahat pinaglilinis sa bahay. Hindi ko na naranasan makipaglaro sa ibang bata.
  • Hindi ako marunong maglinis ng bahay dahil may katulong kami.
  • Hindi ako tumutulong sa gawaing bahay dahil busy ako. Busy na nakikipag chat sa kasintahan.
  • Nagdrodroga ako dahil nakita ko ang mga magulang ko noong bata ako. Akala ko kasi parang candy lang.
  • Noong bata ako hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa mga magulang ko kahit na alam kong mali na sila. Ngayong matanda na ako nasasabi ko na ang gusto kong sabihin kaso hindi nila matanggap. Ako parin ang lumalabas na mali.
  • Minsan ayaw ko nalang sagutin ang nanay ko kung nag tatatalak siya. Ayaw ko kasi siyang ma hurt.
  • Minsan masyado na nilang pinapamukha sa akin na mahirap kami. Na kailangan ko daw maging ma abilidad sa buhay para umasenso. Sana po naging ma abilidad din kayo sa buhay para may asenso sana tayo ngayon.
  • Bawal daw ako mag boyfriend pero gusto ko na. 13 years old palang daw ako sabi ng mama ko.
  • Noong bata ako tumambay ako sa bahay ng kalaro ko mula umaga hanggang gabi. Dumating tatay ko galit na galit pinaghahampas ako ng troso. Kahit na naglagay na ako ng karton sa pwet ko ang sakit parin.
  • Elementary ako noon nag field trip kami. Wala akong kasamang mga magulan. Naka high yata yung mga guro ko noon at sinumbong ba naman ako sa kanila na binutas ko yung bubong ng bus. Loko-loko magulang ko naniwala naman ayun pinagpapapalo ako ng sinturon.
  • Minsan po hindi ko na kaya. Masakit po yung pagpapaluhod niyo sa akin sa munggo. Masakit po ang bawat palo na inihahampas niyo sa akin. Sana po maawa kayo.
  • Nag rebelde ako dahil tinakwil ako ng mga tatay ko. Nag DODOTA kasi ako noon hanggang madaling araw.
  • Nagigising ako sa sigaw ni mama. Ang lakas! Grabe! Gusto ko pa po matulog please.
  • Ayaw na ako pag aralin ng mga magulang ko, nasa tamang edad naman na daw ako magtrabaho nalang daw ako. Pero gusto ko talaga maging doktor. Sana mapagbigyan niyo ako gusto kong mag-aral talaga.
  • Nagagalit sila kung na lalate ako ng uwi. Kung hindi naman ako umaalis ng bahay nagagalit din.
  • Puro nalang kayo trabaho, wala na kayong panahon sa akin. Kausap ko nalang lagi yung katulong. Mukha pa naman siyang aswang.
  • Sana pwede din naming mapagsabihan ang mga matatanda at matuto din silang makinig sa aming mga bata.
  • Lagi niyo nalang sinasabi na kaya mo kami pinapagalitan dahil mahal niyo kami. Open din naman po kami sa kalmadong usapan.
  • Oh ang taray ni pudra, hitler to death! Binugbog ako nang nalaman niyang bading ako!
  • Nagpapaabot si papa ng screwdriver pero jackhammer ang naiabot ko. Grabeng “tanga mo naman” ang inabot ko.
  • Ayaw ng papa ko na nagkakasakit ako. Kaya kada nagkakasakit ako itinatago ko nalang sa magulang ko. Ngayon feeling ko malala na itong nararamdaman ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Alam mo na baka magalit.
  • Huwag mo akong murahin hindi ikaw nagpapakain sa akin! oops sorry kayo nga pala nagpapakain sa akin. Pero sana pakainin nalang ‘wag na sanang murahin.
  • Sa totoo lang hindi porke’t hindi kami pabor sa mga sinasabi niyo ayaw na naming mapagsabihan. Mali lang talaga kayo.
  • Mas pinipili kong mag laro nalang ng computer games kaysa mag droga pero pinapagalitan parin nila ako. Try ko kaya mag droga baka hindi na nila ako pagalitan.
  • Nakakuha lang ako ng line of seven na grade nagagalit na magulang ko. Itinago pa lahat ng laruan ko. Pinalo pa ako ng sinturon. Pero kapag mataas ang grades ko parang wala lang naman sa kanila.
  • ‘Nay tama na po ang pag lalaro ng mahjong si bunso gutom na.
  • Alam ko naman minsan mali din ako pero mas mali kayo hindi niyo lang alam.

Pero kahit ano pang sabihin natin magulang natin sila. Siguro ginagawa lang nila ang kanilang mga reponsibilidad bilang mga magulang. Kung minsan ngalang sumosobra na. Kahit hindi natin sila maintindihan pa minsan-minsan mahal natin sila. Sa mga taong hindi na nila mahal ang kanilang mga magulang dahil sa mga masamang alaala sa piling nila ang masasabi ko lang sana hindi niyo din gawin sa mga anak niyo ang ginawa sa inyo ng mga magulang ninyo.

Kung ano man ang problema natin sa ating mga magulang tandaan niyo nalang na kung hindi dahil sa kanila wala tayo dito. Siguro kung wala sila hindi ko naisulat ang blog na ito. Kung wala sila siguro hindi ko natulungan yung matandang tumatawid sa kalsada kanina. Kung wala sila siguro wala din silang pinapagalitan.

Sa mga magulang ko: Mahal ko po kayo.

—————————————————————
We never know the love of a parent till we become parents ourselves.
~ Henry Ward Beecher

BACK TO SCHOOL!

I am on Twitter: @olops001

Advertisements

Mga Tugon

Information

3 responses

12 06 2013
thelovelybiatch

hehehe…natawa naman ako dito, “Puro nalang kayo trabaho, wala na kayong panahon sa akin. Kausap ko nalang lagi yung katulong. Mukha pa naman siyang aswang.”

6 07 2013
25pesocupnoodles

“Kung ano man ang problema natin sa ating mga magulang tandaan niyo nalang na kung hindi dahil sa kanila wala tayo dito. Siguro kung wala sila hindi ko naisulat ang blog na ito. Kung wala sila siguro hindi ko natulungan yung matandang tumatawid sa kalsada kanina. Kung wala sila siguro wala din silang pinapagalitan.”

minsan ang pagkaka-unawa sa mga bagay-bagay ay nakakamit sa panahon ng hustong gulang (maturity), na mayroong kanya-kanyang stages depende sa lawak, sa bigat at lalong depende sa pagtanggap.

6 07 2013
Sabe-Sabe Lang #8 – KahiNugAn ( maturity ) | 25pesocupnoodles

[…] paghanga sa blogger na si olops, naway masusog ang bawat stages […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: