SILID-ARALAN

8 08 2013

failing-at-cro

Natanggap ko na ang resulta ng mga exams ko. Karamihan bagsak!

Pinipilit kong tumawa nalang para naman kahit papano maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Mahirap talaga yung mga subjects na kahit anong pagsisikap mo na makapag-review ay babagsak ka parin. Minsan matatanong mo nalang sa sariili mo, “Bakit ganito? Ganito ba talaga ako kabobo?”

Minsan iisipin mo kung ano ba talaga ang mali, sa sarili mo nga ba o sa ibang bagay. Minsan sinisisi natin ang mga teachers kung bakit ganun sila magturo. Naiinis ka sa kung papaano siya magbigay ng exam. Minsan sinisisi mo yung internet niyo dahil hindi ka nakapagreview kakagawa ng kung ano-ano sa harapan ng kompyuter.

Pero sa huli malalaman mong ikaw mismo ang mali. Hindi pa sapat yung effort na ibinibigay mo para makuha mo yung gusto mo. Minsan talaga kailangan mo ring makarinig ng masasakit na salita sa teacher mo para magising ka sa katotohanan. May mga tao na mataas ang expectation sa iyo dahil sa katayuan mo sa buhay. Pero sana maintindihan nila na hindi ka magaling sa lahat ng bagay.

Nandito na ako sa point na nawawalan na ako ng pag-asa. Pero sinusubukan ko paring bumangon, sinusubukan kong bumawi at lumugar sa tama. Sabi nga nila “madadapa ka muna bago ka matutong lumakad”.

Minsan ayoko na mag-aral pero masaya ako kapag pumapasok ako sa school, masasaya mga tao at may tawanan lagi, nakakalimutan ko mga problema ko. Ang isang klase ay binubuo ng mga estudyante na may kanya-kanyang istorya sa buhay. Magkakaiba ang ugali, paniniwala at opinyon pero kayang bumuo ng isang matinding samahan. Pero kung anong nakikita niyo sa loob ng silid-aralan ay ibang-iba sa buhay nila paglabas ng eskwelahan.

May mga estudyante na malalaki ang problema sa pamilya pero sila pa ang magagaling magpatawa sa klase. May ilan na kahit may sakit na itinatago nakakayanan pang mag-excel sa lahat ng subjects. May mga mahihirap pero nagagawan nila ng paraan upang makabayad sa pagpapa-photocopy ng handouts nila.

Hindi natin sila pwedeng husgahan sa ano mang nakikita natin sa kanila sa loob lamang ng silid-aralan. Malay mo kaya pala siga yung kaklase mo dahil kapag nasa bahay siya binubugbog pala siya ng tatay niya. Yung kaklase mo kaya pala malandi dahil hinahanap lang niya ang pagmamahal na hindi naibibigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Yung kaklase mong ubod ng likot malay mo may sakit siya at bilang nalang ang mga araw niya sa mundo. Baka nga may ibang mga tahimik lang sa klase pero holdaper pala sa gabi.

Pero iba-iba man ang estado sa buhay, nasa eskwelahan tayo para mag-aral. Kung pumasa salamat kung bumagsak kawawa. Kaya matutong mag-adjust. Intindihin mo nalang din ang mga taong hindi nakakaintindi sa iyo. Minsan magka-iba talaga ang pinaniniwalaan niyo at darating sa punto na kailangan mo nang hayaan nalang siya kung saan siya masaya.

Tulungan mo sarili mo kung nahihirapan ka na. Huwag kang papadala sa lahat ng taong sumisira sa iyo. Ituloy mo lang ang buhay mo. Huwag mawawalan ng pag-asa. Maging masaya sa pag-aaral, dahil kung hindi ka masaya sa pag-aaral mo ngayon nasasayang lang ang oras mo sa buhay.

—————————————————————————-
Education is the ability to listen to almost anything without losing your temper or your self-confidence.
– Robert Frost

HAVE A GREAT WEEKEND!

I am on Twitter: @olops001

[Photo: Tweaky Blog]

Advertisements




HAPPY BIRTHDAY!

6 07 2013

On this day three years ago I almost died in an attempt of suicide. I celebrated my birthday alone. It was supposed to be another “happy birthday” for me but it wasn’t. The scene in my head of that moment is still crystal clear. I won’t forget it. It was like singing the birthday song by yourself and staring at your cake and imagining that you have visitors or you have your dad, mom and siblings waiting for you to close your eyes to take a wish and blow your candle cake. The difference is that I actually did it. I was miserable and I just want to end my life. I looked for something to use in order for me to kill myself.

I thought of stabbing my chest with a butter knife but it was ridiculous. I thought of drinking gasoline but the gasoline station is miles away. I thought of jumping somewhere high but our house doesn’t have a second floor. I thought of burning myself but I considered it painful. I realized I can’t even kill myself. That was the time I reconnected with the world. That was the time I finally became matured. That was the time I understood life. That life is cruel and can ruin a birthday. That life is sometimes unhappy and we should deal with it.

Two weeks before that day my mom and dad separated. It was hard for me to accept it. I was mad; I didn’t appreciate the value of family anymore. I made a gap between me and my parents. They didn’t know what I have been through. I accumulated anger and hatred and looked for something to cheer me up. But there wasn’t any. Anything that makes a person happy didn’t work for me but I survived.

Two weeks after that day it was my birthday. I almost died in an attempt of suicide. I have a lot of cake in my fridge that time four to be exact. I live alone and I don’t think I can consume that massive amount of cake just in time before it spoils. From then on I started to move on. I started to accept things like: I can’t devour a lot of cake because I’d be sick to it, I can’t move on if I’m not trying to move on, I can’t reach my goals if I am hopeless. I was ready to go. But where will I go?

On this day two years ago I celebrated my birthday somewhere nice. The scene in my head of that moment is still crystal clear. I can’t remember if I had a cake though. Little by little I accepted what my life had been through. I went somewhere for a change, I went to a place where I don’t know anyone. I started a new chapter of my life. I didn’t think of killing myself anymore. I decided to go where my mom is. So what’s next?

I moved on already, I decided to straighten my life. My near death experience taught me not to give up in life. As long as I’m breathing there’s a chance, I became a better person after those obstacles. I learned things like I should be contented of what I have. I work hard to reach my goals and I’m on my way there. I believe once again that there are good people in the society. There are people who have a greater problem than mine but they don’t choose the option of suicide. And I saw opportunities and grabbed some of it.

I thought life is easy, easy in a point that you can just play until you get tired and play again if you gained energy once more. You can plan of what will happen next but you should accept if your plan didn’t work. Birthday is a sign that you are becoming old but not a sign that you are becoming weak.  Every time I celebrate my birthday, I thank God for giving me another year to live. Another chance to prove my worth, that we can overcome problems because it is just a challenge.

On this day not so many years ago I was born. It was a “happy birthday” for me because I am the best gift that my mom and dad have. The scene in my head of that moment is not crystal clear. I don’t even remember it because I’m a baby. Now that I’m all grown up I’ll do whatever I need to do, I hope that when I read this after how many years, I will hit the pause button and say that:

I AM HAPPY I WAS BORN.

————————————————————
“Kada kaarawan mo alalahanin mo ang mga nangyari sa iyo sa loob ng isang taon. Naging produktibong mamayan ka ba ng bansa o naging problema?”
Eler Villegas

THANK YOU TO ALL WHO GREETED ME ON MY BIRTHDAY! (July 6,2013)

The baby in the picture is me.

I am on twiter: @olops001





TORPE!

16 06 2013

SPOILER ALERT: Ito ay isang walang kwentang istorya ng katorpehan. Huwag basahin maaawa ka lang sa lalaking ito dahil sobrang torpe niya.

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko. 

Diretso ang tingin at umupo sa upuan ko. Nakakasawa na puro nalang kalokohan ang pinaguusapan ng mga kaklase ko. Kaya tumingin ako sa paligid. Aba! May mga taga ibang section. Hindi lang pala course ko ang nandito halo-halo pala kami.

Tahimik lang ako sobrang boring ng subject na ito. Ang dami pang isinusulat…. Ganyan lang lagi ang routine ko sa subject na yun. Hanggang lumipas ang ilang buwan……..

Ilang buwan na ang nakalipas puro sulat parin kami. Laki na ng kalyo ko sa kamay. Kahit nagsusulat ang ingay parin ng mga kaklase ko. Ayoko na! Sawa na ako! Hindi ko na isusulat itong pinapakopya ng teacher namin sa board.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Hanggang sa nakita ko siya. Parang may spotlight na nakatutok sa kanya. Kumbaga sa camera naka macro mode ito. Siya lang ang maliwanag sa paningin ko at ang paligid ay malabo.

Sino siya? Bakit hindi ko siya napapansin noon? Bakit napansin ko siya kung kailan patapos na ang sem?

Pakitang gilas na ako mula noon. Nag rerecite na ako, ipinapakita ang speaking skills sa klase at sumabay sa mga daldalerong mga kaklase na wala namang kwenta ang mga pinaguusapan. Naaalala ko pa yung debate na pinaghandaan ko para lang magpakitang gilas. Pero absent siya noon hindi niya ako nakita. Pero ayos lang. Gusto ko parin siyang makilala.

Nagtanong ako sa mga kaklase ko kung sino siya. Basta mga kabarkada gagaguhin ka lang. Tinanong ko lang kung sino siya kung ano-ano na ang sinabi. Mas una pa nilang sinabing may “boyfriend na siya” kaysa sa pangalan niya.

BOOM! Inimagine ko nalang nagkaroon ng malaking pagsabog sa pila ng mga tricycle drivers na ang tataas maningil ng pamasahe. Inimagine ko nalang na may lumipad na tricycle at tinamaan ako nito. Inimagine ko nalang na hindi na nag seserve ng pagkain ang canteen namin. Inimagine ko nalang na hindi ko siya nakita.

May boyfriend na pala ibig sabihin hands off na. Respeto naman diba ayaw ko namang suntukin ako nung boyfriend niya. Mahirap na payatot lang ako. 3 years na sila ng boyfriend niya wala nang pag-asa ‘to hindi naman sila tatagal kung hindi nila mahal ang isa’t isa diba?

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko.

Last day na namin hindi ako nagreview sa final exam dahil sobrang dali lang naman ng subject. Joke lang tinamad lang ako magreview. 30 minutes lang tapos na ako mag test tapos na ang subject ko na iyon. Hinding-hindi ko na siya magiging kaklase pa.

Finollow ko siya sa Twitter. Wala lang finollow ko lang sa twitter walang ibig sabihin yun. Summer vacation na at nagtravel na ako pero nandun lang ako tahimik, nagaabang at nakikibalita. Nang biglang….

BREAK NA PALA SILA NG BOYFRIEND NIYA! Kulang nalang magsuot ako ng party hat at ipasarado ang buong street namin para painumin ang buong barangay!

Pero hanggang dun nalang ako. Dahil hindi ko naman maamin na gusto ko siya. Na gusto ko mabigyan niya ako ng chance na mapakita sa kanya na gusto ko siya. Puro lang ako pabibo, puro lang ako parinig, puro lang kwento, puro lang hype, puro lang pakitang gilas ako sa kanya. Teka bakit puro “puro” ang sentence ko na yun.

Gusto ko kasi sa personal ko sabihin ang lahat. Pero baka bigla akong himatayin. Sincere ako at baka lumabas na nagloloko lang ako kung sa chat lang ako aamin. Sana lang hindi pa siya nakakahalata. Sana lang wala pang nakakahalata. Gusto kong makasama siya. Gusto kong makita siya at magkakilala kami. Pero ‘wag nalang dahil torpe nga ako.

Hindi na yata ako aamin. Papakawalan ko nalang itong pagkakataon na ito. Ayokong maranasan ang heart break. Isa pa kakahiwalay niya lang sa ex niya. Tapos may mga bestfriends pa siyang lalaki. Hirap kaya nun, siyempre dadaan ka muna sa kanila. After ng mga bestfriends na lalaki dadaan ka naman sa mga bestfriends na babae. Wow nalang ang masasabi ko. TUMAL!

Ang alat mga tsong. Pero torpe talaga ako, hindi nalang ako aamin talaga. Magaaral nalang ako. Yung anatomy book ko nalang ang liligawan ko. Kapag nakita ko siya sa school itatago ko na masaya ako. Itatago ko na nakumpleto ang araw ko. Pwede ring magtago nalang ako sa room namin para naman hindi ko siya makita.

Gusto ko makuha ang number niya pero gusto ko personal. Ako si puro personal eh noh? Eh kung personal din akong umamin eh ‘di hindi ko nararamdaman tong feeling na ito. Yung feeling na gustong-gusto mo nang umamin pero naduduwag ka. Kaya hindi nalang ako aamin. Pero gusto ko talaga umamin. Oo ganito na kagulo ang utak ko ngayon!

Ano naiinis ka na? Sana hindi mo nalang binasa itong blog na ito! May spoiler alert nangang nakalagay eh!

Ayoko na! Ayoko na! Hindi na ako makapagreview! Hindi na ako makaligo. Joke lang ayaw ko ngang bumaho. Tinatanong ko na ang sarili ko, magiging torpe nalang ba ako habang buhay. Na baka ako nalang pala ang inaantay niya o sasabihin ko na?

Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko. Nakatayo ako sa harapan ng pinto nagbubuntong hininga. First subject namin at papasok na ako sa room. Pagbukas ko ng pinto para akong sumama sa liwanag. Ang ingay! Sobrang ingay ng mga kaklase ko. 

Oo na aamin na ako…………. balang araw (Pu@#$%  torpe parin)

——————————————————————
“O baka di ko na isip na mabagal ako at ako na lang pala ang hinihintay mo”
~ (Sige Na Naman) Parokya ni Edgar

HAPPY FATHER’S DAY!

Photo from wattpad.com

I am on Twitter: @olops001





PARENTS

10 06 2013

                                                                               Sometimes parents don’t understand us.

Importante sa magulang ang maintindihan ang kanilang mga anak. Minsan nakakainis na kung paulit-ulit ka nalang pinapagalitan. Yung isang simpleng bagay nagagawa nilang mapalaki. Yung sa isang pagkakamali mo maaalala na nila lahat ng ginawa mong mali.

Ito ang mga ilang mga saloobin ng mga anak sa kanilang mga magulang:

  • Baka kasalanan din ng magulang ko kung bakit ako ganito. Baka mali ang pagpapalaki nila sa akin. Kung gusto kong mag-isa ngayon at walang kinakausap na tao baka dahil noong bata ako kinukulong nila ako sa kwarto sakaling may nagawa akong kalikutan.
  • Nanakit ako ng babae dahil nakita ko ang tatay ko na sinasaktan ang nanay ko.
  • Ayaw ko nang maglinis ng bahay dahil bata palang ako noon ako na lahat pinaglilinis sa bahay. Hindi ko na naranasan makipaglaro sa ibang bata.
  • Hindi ako marunong maglinis ng bahay dahil may katulong kami.
  • Hindi ako tumutulong sa gawaing bahay dahil busy ako. Busy na nakikipag chat sa kasintahan.
  • Nagdrodroga ako dahil nakita ko ang mga magulang ko noong bata ako. Akala ko kasi parang candy lang.
  • Noong bata ako hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa mga magulang ko kahit na alam kong mali na sila. Ngayong matanda na ako nasasabi ko na ang gusto kong sabihin kaso hindi nila matanggap. Ako parin ang lumalabas na mali.
  • Minsan ayaw ko nalang sagutin ang nanay ko kung nag tatatalak siya. Ayaw ko kasi siyang ma hurt.
  • Minsan masyado na nilang pinapamukha sa akin na mahirap kami. Na kailangan ko daw maging ma abilidad sa buhay para umasenso. Sana po naging ma abilidad din kayo sa buhay para may asenso sana tayo ngayon.
  • Bawal daw ako mag boyfriend pero gusto ko na. 13 years old palang daw ako sabi ng mama ko.
  • Noong bata ako tumambay ako sa bahay ng kalaro ko mula umaga hanggang gabi. Dumating tatay ko galit na galit pinaghahampas ako ng troso. Kahit na naglagay na ako ng karton sa pwet ko ang sakit parin.
  • Elementary ako noon nag field trip kami. Wala akong kasamang mga magulan. Naka high yata yung mga guro ko noon at sinumbong ba naman ako sa kanila na binutas ko yung bubong ng bus. Loko-loko magulang ko naniwala naman ayun pinagpapapalo ako ng sinturon.
  • Minsan po hindi ko na kaya. Masakit po yung pagpapaluhod niyo sa akin sa munggo. Masakit po ang bawat palo na inihahampas niyo sa akin. Sana po maawa kayo.
  • Nag rebelde ako dahil tinakwil ako ng mga tatay ko. Nag DODOTA kasi ako noon hanggang madaling araw.
  • Nagigising ako sa sigaw ni mama. Ang lakas! Grabe! Gusto ko pa po matulog please.
  • Ayaw na ako pag aralin ng mga magulang ko, nasa tamang edad naman na daw ako magtrabaho nalang daw ako. Pero gusto ko talaga maging doktor. Sana mapagbigyan niyo ako gusto kong mag-aral talaga.
  • Nagagalit sila kung na lalate ako ng uwi. Kung hindi naman ako umaalis ng bahay nagagalit din.
  • Puro nalang kayo trabaho, wala na kayong panahon sa akin. Kausap ko nalang lagi yung katulong. Mukha pa naman siyang aswang.
  • Sana pwede din naming mapagsabihan ang mga matatanda at matuto din silang makinig sa aming mga bata.
  • Lagi niyo nalang sinasabi na kaya mo kami pinapagalitan dahil mahal niyo kami. Open din naman po kami sa kalmadong usapan.
  • Oh ang taray ni pudra, hitler to death! Binugbog ako nang nalaman niyang bading ako!
  • Nagpapaabot si papa ng screwdriver pero jackhammer ang naiabot ko. Grabeng “tanga mo naman” ang inabot ko.
  • Ayaw ng papa ko na nagkakasakit ako. Kaya kada nagkakasakit ako itinatago ko nalang sa magulang ko. Ngayon feeling ko malala na itong nararamdaman ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Alam mo na baka magalit.
  • Huwag mo akong murahin hindi ikaw nagpapakain sa akin! oops sorry kayo nga pala nagpapakain sa akin. Pero sana pakainin nalang ‘wag na sanang murahin.
  • Sa totoo lang hindi porke’t hindi kami pabor sa mga sinasabi niyo ayaw na naming mapagsabihan. Mali lang talaga kayo.
  • Mas pinipili kong mag laro nalang ng computer games kaysa mag droga pero pinapagalitan parin nila ako. Try ko kaya mag droga baka hindi na nila ako pagalitan.
  • Nakakuha lang ako ng line of seven na grade nagagalit na magulang ko. Itinago pa lahat ng laruan ko. Pinalo pa ako ng sinturon. Pero kapag mataas ang grades ko parang wala lang naman sa kanila.
  • ‘Nay tama na po ang pag lalaro ng mahjong si bunso gutom na.
  • Alam ko naman minsan mali din ako pero mas mali kayo hindi niyo lang alam.

Pero kahit ano pang sabihin natin magulang natin sila. Siguro ginagawa lang nila ang kanilang mga reponsibilidad bilang mga magulang. Kung minsan ngalang sumosobra na. Kahit hindi natin sila maintindihan pa minsan-minsan mahal natin sila. Sa mga taong hindi na nila mahal ang kanilang mga magulang dahil sa mga masamang alaala sa piling nila ang masasabi ko lang sana hindi niyo din gawin sa mga anak niyo ang ginawa sa inyo ng mga magulang ninyo.

Kung ano man ang problema natin sa ating mga magulang tandaan niyo nalang na kung hindi dahil sa kanila wala tayo dito. Siguro kung wala sila hindi ko naisulat ang blog na ito. Kung wala sila siguro hindi ko natulungan yung matandang tumatawid sa kalsada kanina. Kung wala sila siguro wala din silang pinapagalitan.

Sa mga magulang ko: Mahal ko po kayo.

—————————————————————
We never know the love of a parent till we become parents ourselves.
~ Henry Ward Beecher

BACK TO SCHOOL!

I am on Twitter: @olops001





CONFESSION OF A FORMER BULLY

25 05 2013

Noong bata pa ako tuwang-tuwa na ako sa pangaasar na ito:

BATA 1: Lagot ka! Anong ginawa mo kay Tok? Bakit siya umiiyak?

BATA 2: (Nag-aalala) Sinong Tok?

BATA 1: AHA! Sinuntok mo pala ah. Lagot ka!!!

Naaalala ko pa ang mga asaran noong bata pa ako. Yung simpleng bagay lang pinagaawayan na. Kaunting asar lang iiyak na at tutulo ang sipon. Madalas pa kapag may dalawang nag aaway na bata may mga walang magawa sa buhay na imbis na awatin ay uutusan pa nila ang mga itong maghawakan ng tenga, ilong, mata at pisngi.

May mga asar na simple lang, yung tipong kakalabitin mo lang siya tapos kunyari hindi ikaw yung kumalabit. Pero maniwala man kayo o hindi maraming mga nag-away dahil jan. Yung asaran na maramihan, yung napakarami niyo tapos inaaway niyo yung nag-iisang batang paslit. Sumasali lang sa laro biglang kakanta na kayo ng “UWIAN NA, UWIAN NA, MAY SUMALING ISA MABAHO HININGA!”

May kaklase akong natae sa short noong elementary ako. Kakaiba kasi yung tae niya nangamoy hanggang hallway. Tapos nangamoy sa buong room. Tinigil pa nga yung klase para lang malaman kung saan nangagaling yung amoy na umaalingasaw. Pero lingid sa kaalaman ng mga teacher alam namin kung sino ang tumae dahil kabarkada namin iyon.

Hindi ko na maalala kung anong pumasok sa amin at tila naging mga demonyo kami ng mga panahong iyon. Kasama ang ilan ko pang kabarkada inasar namin nang inasar yung kaklase naming tumae. Walang nagawa si “Boy Natae” kundi manahimik nalang. Ito pa ang malupit, yung medyas niya may tae din. Siguro noong tumatae siya sa CR nakapatong yung dalawang mga paa niya sa inidoro at bigla itong nadulas at naisawsaw nalang niya yung paa niya sa inidoro.

Ikinalat na namin ang balita, pinasabog namin ang sagot sa haka-haka kung sino ba yung tumae sa CR. Noong tumayo siya sa upuan niya sinubukan pa nilang amuyin yung upuan. SHIT SOBRANG BAHO! AMOY TAE TALAGA!

Siyempre hindi namin pinalampas yung CR pinasok namin ito na parang nang raid ng shabu lab. Nakaporma pa ang mga daliri namin na tila may hawak kaming mga baril. Sinilip namin yung inidoro at boom! Nakita namin yung tae niya na nagkalat sa sahig upuan ng inidoro at lababo. Nagtaka kami dahil green ang kulay ng dumi. Hindi nagtagal nabago na ang istorya sabi nung iba red yung kulay ng tae, yung iba brown yung iba pink. Pero isa lang ang sure inasar namin si “Boy Natae” hanggang uwian.

Uwian na. Sinundo siya ng nanay niya at nalamang tumae sa school ang anak niya. Nalaman din na inasar-asar namin ang anak niya. Galit na galit ang nanay niya at kinausap kaming mga nangasar. Hindi ko na matandaan pa kung ano ang mga sinabi sa amin ng mama niya. Ang tumatak lang ay ang katagang “What’s funny in the pupu”. Habang pinapagalitan ang bestfriend ko nandun ako sa isang banda na nakatago sa likuran at pinipigilang matawa. Ito na yata ang line of the decade na narinig ko. “What’s funny in the pupu”.

Mababaw lang naman ang mga pang-aasar na ginagawa namin noon, pero naguiguilty ako. Sa huli kaibigan parin naman namin yung kaklase namin na iyon. Sa katunayan artista na siya. Akalain mo yun?!

Pero bakit hindi dapat mambully?

  • Huwag mambully malay mo yung binubully mo magiging mayaman pala pagdating ng araw. Tapos ‘di ka na kilala.
  • Huwag mambully malay mo yung binubully mo maging holdaper pagdating ng araw tapos holdapin anak mong babae.
  • Huwag mambully malay mo yung binubully mo maging basurero tapos hindi kolektahin mga basura mo, eh di ang baho ng bahay ninyo.
  • Huwag mambully malay mo yung binubully mo maging isang sikat na modelo balang araw. Talbog ang beauty mo!
  • Huwag mambully malay mo yung tatay mo pala binully din yung tatay ng binubully mo eh di lumalabas na nagmana ka sa tatay mo.
  • Huwag mambully malay mo gawin pa itong dedikasyon ng binubully mo na magsumikap pa sa buhay. Malamang sa malamang lalalamangan ka niya sa buhay pagdating ng araw. Malamang!
  • Huwag mambully malay mo mapuno yang binubully mo makakatikim ka ng isang hagupit. Mapapahiya ka lang.
  • Huwag mambully malay mo maghiganti yan pagdating ng araw, maging siyang terorista eh di maraming napahamak.
  • Huwag mambully hindi ka bull.
  • Huwag mambully dahil hindi hadlang ang kahinaan para maging matagumpay sa buhay.
  • Higit sa lahat huwag mambully dahil baka mawalan ka ng kaibigan.

Ang sarap maging bata, para silang mga walang problema. Ngayon kung mag-away ang mga matatanda malamang dahil yan sa pera, asawa, utang na hindi mabayaran o dahil sa binully sila noong bata sila.

Sa totoo lang pinagsisisihan ko ang pambubully noong bata ako. Hindi pala maganda ito. Bagama’t nakakatawa nalang kung inaalala ang mga ito hindi parin maganda na inaapi ang mas mahihina sa iyo. Ngayon iniisip ko paano kaya ang anak ko na baka kapag nag-aaral na ay mabully sa eskwelahan. Baka gawin siyang katatawanan dahil sa mga kapintasan niya.

Sa totoo lang mas okay parin yung masayang samahan lang. Yung pantay-pantay na pakikisama, yung walang inaapi at sinasagasaan. Mas masaya yung wala kang tinatapakang tao, naging bully man ako hindi ako umabot sa puntong gusto ko nang patayin yung binubully ko. Hindi rin umabot sa puntong gusto na magpakamatay nung binubully ko.

Sa mga binubully jan sana huwag kayong susuko. Hindi ko naman sinasabing patikimin ninyo sila ng isang one time hit pero sana lang mapatunayan ninyong mali sila.

————————————————————
“If you’re horrible to me, I’m going to write a song about it, and you won’t like it. That’s how I operate.”  ~ Taylor Swift

HAVE A GREAT WEEK!

I am on Twitter: @olops001





DEATH

10 05 2013

May kasabihan ang mga matatanda na “Matakot sa buhay huwag sa patay”. Bakit po? Buhay palang sila mukhang mga multo na?

Maiksi ang buhay, minsan hindi mo alam na baka huling gising mo nalang pala ngayon. Huwag naman sana mangyari na mapadali ng husto ang buhay natin pero hindi maiiwasan yan. Darating at darating din tayo sa panahon na dapat na tayong magpaalam sa mundo.

Minsan iniisip ko kapag namatay ako, paano kaya yung mga iniwan ko? Sino kayang magpapakain sa mga aso namin? Sino magaalaga sa anak ko? Magiging successful kaya sila o magiging sugarol paglaki nila. Maraming tanong ang sumasagi sa isipan ko pero hopefully magawa ko sana lahat ng gusto kong magawa bago ako mamatay.

Ikaw? Naisip mo kaya na baka pag namatay ka at ineempake na mga gamit mo makita nila yung mga tinatago mong x-rated movies? Na baka pag namatay ka mabasa nila yung tinatagong diary mo. Malalaman nilang nakailang babae ka pala sa buhay mo. Pwede rin na baka lider ka pala ng isang sindikato tapos nalaman ng mga kamag-anak mo noong namatay ka na.

Sa isang iglap pwedeng mawala lahat ng nasa iyo. Mabibitin ka pa dahil hindi mo na enjoy buhay mo. Kung pwede lang maging imortal gagawin ko ang lahat makamtam lang ito.  “Everybody deserves to die” ika nga, darating yung panahon na kailangan na natin magpahinga upang hindi na maranasan yung mga sakit na idinudulot ng buhay.

Kapag ako namatay……

  • Please huwag papatugtugin ang Gangnam Style sa burol ko.
  • Mas maganda kung umuulan para nakikisabay ang langit sa pagdadalamhati.
  • Walong kabayo ang magdadala sa akin sa huling hantungan ko.
  • Di ko kailangan ng mga honor guards, kung namatay akong bayani sapat na sa akin ang saludo ng mamayang Pilipino.
  • Okay lang na may pasugalan sa burol ko, mas okay din kung may poker tournament.
  • Ayaw ko ng magarbong libingan gusto ko simple lang. Walang estatwa o kahit ano pero dapat kakaiba sa buong sementeryo.
  • Magawan sana ako ng biography ng isang napakagaling na writer.
  • Gusto ko yung kabaong ko maganda, bahala na mga anak ko sa design. Matagal hihiga ang katawan ko dun gusto ko kumportable ako.
  • Sana gwapo ako tignan sa loob ng kabaong ko.
  • Gusto ko ng maraming Daffodil sa kwarto.
  • Patugtugin gabi-gabi ang lahat ng paborito kong kanta.
  • Dapat tuxedo ang suot ko, baka kasi may formal party sa sementeryo tuwing gabi.
  • Huwag na kayong maglakad kapag ililibing na ako nakakapagod yun. Gamitin niyo ang lahat ng luxury car ko.
  • Libreng cheeseburger para sa lahat ng nakikidalamhati sa burol ko.
  • Requirement ang humor sa mga eulogy.
  • Kapag may naramdaman na kakaiba please lang huwag naman isipin na nagmumulto ako.

Hindi tayo dapat matakot mamatay. Maging handa tayo sa kung ano man ang mangyayari. Matanggap natin na isa itong parte ng buhay. Mahalaga na mamatay ka ng may paninindigan. Mahalaga na mamatay ka ng kuntento sa buhay. Masarap mamatay na alam mong maayos ang mga iiwanan mo. Masarap mamatay na nagawa mo ang dapat mong gawin sa buhay. Lalong masarap mamatay na naging isa kang produktibong mamayan ng ating bansa.

Maging masaya araw-araw, pangit naman siguro kung namatay ka na malungkot. Huwag awayin ang nanay, baka mamatay ka nang hindi man lang nakapag sorry. Umaylabyu kay mommy at daddy, baka mamatay ka nang hindi mo nasabi na mahal mo sila. Magtapat ng saloobin sa crush mo, baka mamatay ka at ‘di mo man lamang nalaman na crush ka din pala niya. Magsisi sa mga kasalanan at patawarin ang mga kaaway, baka mamatay ka na may sama ng loob. Higit sa lahat pakainin ang sarili mahirap mamatay ng gutom.

Kapag nagising ka pa bukas magpasalamat sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa iyo.

—————————————————————

For whether we live, we live unto the Lord; and whether we die, we die unto the Lord: whether we live therefore, or die, we are the Lord’s. — Romans 14:8

PERSONAL

Thank you 100 wordpress blog followers! Mabuhay!

HAPPY MOTHER’S DAY!

I am on Twitter: @olops001





SECOND SEMESTER LETTER

9 04 2013

second semester

Dear Professors/Teachers,

Sa lahat ng mga naging guro ko noong nakaraang semestre maraming salamat. Ang bilis ng panahon bakasyon nanaman, maliban nalang sa mga may summer classes at internship. Masaya ako nang makita ko ang mga grades ko. Pumapalakpak ang mga tainga ko sa tuwa.

Sa lahat ng mga naging guro ko na naging masipag at naibahagi sa amin ang dapat naming matutunan, maraming salamat po. Pero sa mga tatamad-tamad parin talagang pumasok ayos lang at least nagamit namin yung aircon sa pagaantay sa inyo. Sa guro namin na walang pinagawa sa amin kundi ang mag pa report mabuhay ka.

Yung isang naging guro namin ngayong semestre walang pakialam kung garapalan na kopyahan na ang nagaganap sa klase. Siguro noong nagaaral pa siya isa din siya sa mga parasitikong nabubuhay lang sa pangongopya. Kumusta naman kaming mga nagaaral ng mabuti? Nag review kami sa wala? Pinagbigyan mo pa yung mga nangongodigo lang naman. Ang taas pa ng grades nila eh nakita mo na nga kung ano ginagawa nila. Yan ang buhay! Lamang sa una ang madaya pero hindi magtatagal may araw din kayo!

Hindi ko din alam kung ano pwedeng sabihin sa mga guro na walang awa. Binaon mo na kami sa mga gawain. Yung isa muntikan pang hindi makagraduate dahil sa mga pinapagawa mo. Pero minsan wala din tayong karapatan magreklamo. Para sa atin din naman ito eh. Para may matutunan din ‘daw’ tayo. Tama nga naman, may natutunan ako sa mga pinapagawa nila. Bukod sa Time Management natutunan ko na tambak din sa trabaho ang mga guro kaya siguro tinatambakan din nila tayo ng trabaho. Pero sa totoo lang malaking pasalamat ko at naranasan namin mag thesis, gumawa ng program, gumawa ng pantalon at living room model na gawa sa popsicle sticks dahil dito nahasa kami.

Muli maraming salamat.

Sincerely,
Anonymous

————————————————-

Dear Students,

Sa mga nakapasa, naks naman naka survive! Sa mga nakapasa pero nabuhay sa pandaraya, naks naman galing ah!

Sa mga graduates natin ngayong taon congratulations po. Sa mga graduates natin ngayong taon na nabuhay sa pandaraya, sana may mahanap kayong trabaho *vomits*.

Sa mga bumagsak dahil sa pandaraya, mabuti nga sa inyo, mandaraya na nga kayo papahuli pa kayo. Sa mga bumagsak dahil sa problema sa buhay. May pangalawang pagkakataon pa, bangon at magsikap muli. Matutong magsimula ulit, tandaan wala kang matatapos kung wala kang sisimulan.

Sa mga bumagsak dahil nagdrodroga, sige lang sir shabu pa! Sa mga bumagsak dahil wala naman natutunan sa klase at isinisisi lahat sa guro, ramdam kita. Kung hindi ka masaya sa course mo shift ka na, sayang ang oras. Sa mga bumagsak dahil sa paglalaro ng computer games, okay lang yan may next sem pa. DOTA ka ulit.

Ang sarap ng pakiramdam na kuntento ka sa mga grades mo, na alam mo sa sarili mo na pinaghirapan mo ito ng husto. Na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para lang makapasa. Masarap bumangon sa pagkabigo at masarap humiga dahil alam mong naging matagumpay ka sa ano mang hinangad mo sa buhay.

Ang iba sa atin hindi pa natatapos ang pakikipagsapalaran, pagbutihan po natin kung mag tatake tayo ng board/bar exam. Sana makapasa tayong lahat. Pero sa mga nandaraya lang naman noong nag aaral pa siya sana umulit siya ng limang beses sa pagkuha ng exam hanggang sumuko na siya.

Hindi natatapos sa graduation ang buhay natin, umpisa palang ito. Haharapin na natin ang mundo sa labas ng eskwelahan.

Huwag magpapadala sa init panahon, be cool and move on.

Sincerely,
Anonymous 

——————————————————–

In Case You Missed It: First Semester Letter

Become a student of change. It is the only thing that will remain constant. ~ Anthony J. D’Angelo

Personal: Buong sem, nahihirapan ako yung tipong gusto ko na sumuko dahil sa dami ng ginagawa pero kapag natapos na ang lahat lahat ang sarap ng feeling!

I am on Twitter: @olops001








%d bloggers like this: