NANINIWALA AKO SA KASABIHANG…

15 01 2014

Sari-saring mga kasabihan na siguro ang ating mga narinig. Ang ilan dito ay naisama na rin natin sa ano mang kasabihan ang pinaniniwalaan natin pero ang ibang kasabihan ay inililibing na lamang natin sa lupa katulad ng mga ito:

  • Naniniwala ako sa kasabihang ang puso kapag nasaktan hindi nadadala, magmamahal ulit.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang asong magaling sa pusang gutom.
  • Naniniwala ako sa kasabihang ang blusang itim kapag isinuot blusang itim parin.
  • Naniniwala ako sa kasabihang inaagaw ang mahal mo kaya ingatan mo siya baka maagaw ng langaw.
  • Naniniwala ako sa kasabihang maraming namamatay sa maling pag-gamit ng AK47.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang mainit na sabaw sa taong uhaw na uhaw.
  • Naniniwala ako sa kasabihang pumuti man ang buhok ko huwag lang mga mata ko kakahintay sa mga taong hindi sumisipot sa tamang oras na napagusapan.
  • Naniniwala ako sa kasabihang nabubuhay ka sa mundo para sa isang layunin…… na masama.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang magandang babae sa mabagal na internet.
  • Naniniwala ako sa kasabihang may pera sa basura ng mga bilyonaryo.
  • Naniniwala ako sa kasabihang mabilis kang kumilos kapag taeng-tae ka na.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang taong payatot sa tabi ng mas payat pa sa kanya.
  • Naniniwala ako sa kasabihang ang alak ay isang inumin lamang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang taong demonyo, ugaling demonyo lang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang hindi lahat nakakaintindi ng joke. Joke lang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kahit matanda ka na may asim parin yung mukha mo kapag nakakakain ng mangga.
  • Naniniwala ako sa kasabihang dapat bigyan ng kulay ang mundo, magvandalize ka kung saan-saan.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kahit may pera kung wala ka namang kaibigan at least may pera ka parin.
  • Naniniwala ako sa kasabihang lahat ng tao may maitim na kulay lalo na yung singit mo.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang teacher na terror sa estudyanteng walang pakialam sa kanya.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ang payo ng mga magulang mo na iwanan ang kasintahan mo.
  • Naniniwala ako sa kasabihang hindi ako magaartista baka mawalan ng trabaho si Daniel Padilla.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang taong galit sa taong wala namang ginagawang masama.
  • NahNiNiWalla aQ $a kASaBHiehang WuLang Jejemon, ajejeje
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang multo dahil maraming taong buhay pa mukhang multo na.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kapag hindi mo maipaliwanag ang lasang natikman mo ang tawag dito ay “lasang alien”.
  • Naniniwala ako sa kasabihang walang pinipili ang mga hindi choosy.
  • Naniniwala ako sa kasabihang mabubuhay tayo sa mundong may oxygen.
  • Naniniwala ako sa kasabihang luluha ka sa saya kapag nakakita ka ng pusang nagigitara.
  • Naniniwala ako sa kasabihang ang estudyanteng masipag ay bumabagsak parin. Kaya huwag umasa.
  • Naniniwala ako sa kasabihang lumiliit ang isang bagay kapag hindi ginagamit. Gamitin mo na yan baka lumiit yan sige ka hindi ka magkaanak niyan.
  • Naniniwala ako sa kasabihang kung ayaw mong masaktan pero gusto mong manakit maging writer ka nalang.
  • Naniniwala ako sa kasabihang dapat tigilan na itong mga kasabihan na ito.
  • Naniniwala ako sa kasabihang huwag maniwala sa mga kasabihan, sabi-sabi lang yan.

—————————————————————————-
Lahat tayo may kasabihan sa buhay ano man ang kasabihan na yan sana ay mapanindigan natin.

Nakalahati na natin ang unang buwan ng taon, kumusta New Year’s Resolution mo?

I am on twitter: @olops001





MGA KWENTO NG PAGREREBELDE

5 09 2012

Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food, and tyrannize their teachers. -Anonymous

Ito na ang iba’t ibang kwento ng pagrerebelde

Pagrerebelde #1

Lagi nalang ako pinapagalitan ng magulang ko, kahit walang ginagawa pinapagalitan parin. Hindi ko lang alam kung ano ang screw driver pinagalitan na ako ng tatay ko. Hindi lang yun minsan binubugbog pa nila ako at kinukulong sa kulungan ng aso. Hindi ko na iniisip yung kasabihan na “kaya ka nila dinidisiplina dahil mahal ka nila”. Mahal? Bakit kailangan ako saktan? Ito ako ngayon, ang naisip kong solusyon ay lumayas nalang at pumunta sa Maynila. Ganda pala ng Maynila noh pero hindi nila alam sobrang hirap ng buhay dito lalo na kung wala kang pera. Nanlilimos nalang ako, para kumita sumasayaw ako ng Gangnam Style.

Pagrerebelde #2

Lagi nalang nag-aaway magulang ko, minsan nauuwi sa hiwalayan tapos magbabalikan tapos hiwalay ulit. Ayoko na! Naiipit na ako bilang anak sa away nila. Lagi nalang! Naapektuhan na ang pag-aaral ko dahil dito. Pati social life ko wala na. Ngayong hiwalay na sila, wala na akong permanenteng tirahan. Hindi na ako umuuwi ng bahay namin, dahil kung uuwi ako wala naman ako kasama kundi katulong. Magsasaya nalang ako para makalimutan ang problema. Mag papakalunod sa alak, gusto ko lang naman sumaya. Pero kapag nalasing na mas malulungkot pa ata ako. Puro pamilya ang aking dinadaing. Dahil hiwalay na sila wala na silang anak. Mabubuhay nalang ako mag-isa kaya ko na ito. Ooops 15 years old palang pala ako.

Pagrerebelde #3

Ang boring sa bahay, internet lang ang pwedeng gawin. Pero pati internet ipinagkakait sa akin. Bawal na raw mag-internet dahil ang taas na ng bills. Internet nalang nga nag-papasaya sa napaka boring kong buhay tapos ayaw pa ako payagan. So ano gagawin ko, ahh mag drodroga nalang ako!

Pagrerebelde #4

Gusto ko lang naman makasabay sa hapag kainan ang mga magulang ko kapag kumakain ako. Pero hindi, busy kasi sila masyado sa trabaho. Wala na silang time kausapin ako. Kaya ngayon ito hindi ko na share na may nabuntis ako, hindi ko na din na share sa kanila na nanganak na yung nabuntis ko. Hindi ko na rin na kwento na 2 years old na anak ko. Sa sobrang busy nila nakalimutan na ata nila na may anak sila.

Pagrerebelde #5

Mali ang pamamalakad ng aming eskwelahan, di ko talaga gusto. Ang dami kong maling nakikita, di ko na iisa-isahin. Ngayon isa ako sa rebelde ng eskwelahan, pinutol ko ID ko senyales na isa ako sa mga nag proprotesta. Ibaba niyo tuition namin, bigyan ng scholarship ang mga student leaders yan ang ilang sigaw namin! Aktibista ako nang makabagong panahon gusto ko lang ng pagbabago.

Pagrerebelde #6

Binubugbog ako ng tatay ko dahil bakla ako. Pinipilit akong maging sundalo pero ang gusto ko lang magka boyfriend ng sundalo. Bakit hindi niya matanggap na may bakla siyang anak? Pwes ayoko na, lalayas na lang ako. Sisikapin ko maging successful sa buhay at dadating ang araw babalik ako sakanya at ipapakita na may narating ako. Sa ngayon, palit muna ako napkin ahh.

Pagrerebelde #7

Ang taas ng mga grades ko, wala akong 3.0 na marka. Pero pag-kauwi ko ng bahay pinagalitan ako, mababa pa raw to. Galit na galit sa akin ang nanay ko. Gusto niya kasi puro 1.0 grade ko. Masyado na akong nahihirapan, pagod na pagod na ako sa pagaaral. Ayoko na. Tapos Top 2 ako sa board exam nagalit siya, dapat daw top 1. Feeling ko hindi na niya ako tanggap at disgrace ako sa pamilya namin. Papakamatay nalang ako. Oops joke lang, tulad ng ibang pagrerebeldeng nabanggit lumayas din ako. Pero ako may kaya sa buhay, nakapag tapos kaya ako.

Umaylabyu kay mommy at daddy. Ang bahay nyo ay hindi lang tulugan at internetan – Ramon Bautista

Ang mga nabanggit ay simpleng pagrerebelde lamang, hindi ko na sinama pa ang mga nag-rebelde dahil sa taliwas sila sa gobyerno natin.¬†Minsan hindi sagot ang pagrerebelde sa ating mga problema. Sigurado ako kayo din may iba’t ibang bersyon kayo ng pagrerebelde. Share niyo naman!

I am on Twitter : @olops001








%d bloggers like this: