DALAWANG WALA ISA DALAWA (2012)

31 12 2012

Goodbye 2012, Hello 2013

ANG bilis ng panahon, bagong taon nanaman. Parang kahapon lang naputukan ka sa kamay at mukha. Pero kung hindi ka naman naputukan, binabati kita. Bawat isa sa atin ay may New Year’s Resolution, basahin natin ang ilan.

New Year’s Resolution

  • Mag papapayat na ako, kapag wala ng makain.
  • Hindi na ako manloloko ng tao. Joke.
  • Hindi na ako mangangako. Promise!
  • Pupunta na ako sa Gym! Pero di ako mag bubuhat. Bakit kapag pupunta ng Gym magbubuhat agad? Pwede namang Treadmill lang ah.
  • Hindi na ako mambobola ng mga babae. Manchechess nalang.
  • I won’t do conyo talking na. Like forever promise, I swear. Many tao don’t like it kasi eh.
  • I won’t procrastinate anymore, I’ll do it tomorrow nalang.
  • hInD3 nah aKu maGiGinG J3J3m0n ajejejeje
  • Hindi muna ako mag gigirlfriend, boyfriend naman.
  • Hindi na ako sasali sa mga gang, puro away naman hilig nun eh. Ui wait may nagyayaya nanaman ng gang war, sasali lang ako.
  • Hindi na ako mangungulangot sa classroom.
  • Bilang isang guro magiging mabait na ako sa mga estudyante ko, di ko na sila bibigyan ng assignment. Pero araw-araw parin ang quiz nila.
  • Hindi na ako mamimigay ng papel sa mga kaklase ko. Ang pera natin hindi basta basta mauubos! Pero ang Yellow Pad ko, konting konti nalang!
  • Mag tatayo ako ng business, Monkey Business.
  • Gugugulin ko oras ko sa mga ball games like Jackstone.
  • Papayaman ako, tataya ako lagi ng Lotto
  • Dapat wala na akong New Year’s Resolution eh kasi katapusan na daw ng mundo noong December 21,2012.
  • Ipapasa ko yung mga subjects ko, first step ay I-drop ko muna sila. Wala na kasing pagasa na makabawi pa.
  • Magtitipid na ako, sa 2016.
  • Mag papaganda ako, kakapalan ko makeup ko.
  • Reading, I’ll make it a habit. Pero di ko sinasabi na dapat intindihin ko binabasa ko ah.
  • Hindi na ako maniningil ng mataas na pamasahe sa tricycle ko, daig ko pa kasi nanghoholdap nun eh.
  • Maliligo na po ako araw-araw.
  • Titigilan ko na ang mga bisyo ko, maliban sa paginom, paninigarilyo at pagdodota.
  • Di na ako magsusugal, kung walang pera.
  • New Year’s resolution pa, eh hanggang February lang naman yung effect nung sa akin.
  • New year’s resolution ko hindi ako gagawa ng New year’s resolution.

My Top 10 Movies of 2012:

  1. The Avengers
  2. 21 Jumpstreet
  3. Ted
  4. Pitch Perfect
  5. The Dark Knight Rises
  6. The Dictator
  7. The Expendables 2
  8. The Vow
  9. Dark Shadows
  10. American Pie Reunion

My Songs of the Year

  • Gangnam Style – Psy
  • Payphone – Maroon 5
  • We Are Young – Fun.
  • The Gambler – Fun.
  • Some Nights – Fun.
  • Call Me Maybe – Carly Rae Jepsen
  • Somebody That I Used To Know – Gotye
  • State Of Grace – Taylor Swift
  • Pusong Bato – (Hindi ko kilala kung sino yung singer na lalaki.)

Special Mention: Inuman Sessions Vol. 2 – Parokya Ni Edgar

Personal

Sa lahat ng visitors ng blog ko, sa lahat ng mga nagbasa, nainis, nasira ang araw, at sumaya maraming salamat talaga. October 4, 2012 nang makuha ko ang pinakamataas na views ko. The best kayong lahat!

My Smiles of the Year

—————————————————

Drop the last year into the silent limbo of the past. Let it go, for it was imperfect, and thank God that it can go.” ~ Brooks Atkinson

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

I am on Twitter: @olops001





MEDICAL HUMOR

18 08 2012

A man walks into a doctor’s office. He has a cucumber up his nose, a carrot in his left ear, and a banana in his right ear.

“What’s the matter with me?” He asks the doctor.

The doctor replies, “You’re not eating properly.”

-Anonymous

MEDICAL/HEALTH CARE STUDENTS

  • Kapag medical student ka hindi na uso ‘yung kapag nalalag pagkain mo sasabihin mong “Pwede pa ‘to wala pang five seconds.”
  • Kapag may nahimatay sa daan o may nagseizure, tapos nakauniform ka, lahat ng tao titingin sa ‘yo, nakakahiya kung hindi mo alam first aid non.
  • Kapag may nag tanong sayo ng “doktor ka ba?” ang sarap sumagot ng “Aba opo doktor ako gusto niyo po resetahan ko kayo?”
  • Dahil puti uniform mo kawawa ka kapag umuulan tapos naputikan ka.
  • Chinecheck mo lagi mga inuupuan mo baka madumi.
  • Di ka mayasdong naniniwala sa mga commercial dahil alam mo kung ano ‘yung mga medical terms na pinagsasabi nila.
  • Ayaw mo nang painumin ang lola mo ng gatas para sa osteoporosis baka kasi ang problema ng buto niya ay ang pag-aabosorb ng calcium.
  • Kilala mo ang mga active ingredient ng gamot na iniinom mo.
  • Inayawan mo ang amoy ng ammonia sa Chemistry class n’yo,
  • Uvula pala ang tawag sa mala-punching bag sa bunganga mo, akala mo kasi noon tonsils.
  • Pero kahit alam mo na ang effects ng paninigarilyo at pag-inom ‘di ka parin tumitigil.
  • Siguro isa ka sa mga nagsusulong na gawing legal ang marijuana sa Pilipinas.
  • Kapag natapos mo na ang unang 4 o 5 year course mo, dadampi sa utak mo na pwedeng kumuha ka pa ng kursong Medicine, pero tatamarin ka.
  • ‘Di ka bilib sa mga albularyo.
  • May kalansay kayo sa Anatomy class ninyo tapos pinaglalaruan ninyo kung naka trip kayo. Gaya nito:

“Never go to a doctor whose office plants have died.” – Erma Bombeck

People’s wrong notions about medical courses

Ilan lang ito sa mga kurso na malamang may mga unggoy na magsasabi kung ano magiging trabaho mo:

  1. Nursing- Katulong trabaho niyan, malamang magiging call center agent yan pagka-graduate dahil sobrang dami na nila.
  2. Physical Therapy- Masahista yan pagka-graduate, tol masahe mo ako kapag nakatapos ka na ah.
  3. Pharmacy- Tindera ng gamot sa botika pati napkin, chocolate at chichirya.
  4. Medical Technology- Wow pare taga-examine ka ng tae ng tao, tapos pwede tayo mag Shabu Lab, pwede ka maging Drug Lord!
  5. Respiratory Therapy- Kapag hindi ka maka-hinga taga nebulizer ‘yang mga ‘yan, masahista din ng lungs ‘yan.
  6. Midwifery- Mga kumadrona, kapag nabuntis mo girlfriend mo lapit ka sa kanila kaya nila mag-abort.
  7. Radiation Technology- Sure yan makakalbo at mababaog sila dahil sa radiation.
  8. Psychology- Mga manghuhula ‘yang mga makakapagtapos diyan, lumapit ka lang sa kanila sasabihin nila kapalaran mo.

Ang sarap kotongan ng mga ignoranteng nagsasabi ng ganyan, importante talaga ang edukasyon.

Excuse notes from parents:

  • Ang aking anak ay pinagbawalan ng doktor na huwag magpagod hindi siya pwedeng mag-PE ngayon. Pagbawalan po ninyo sana siyang maglaro ng basketball at tumakbo-takbo.
  • Paki excuse po si Lita sa klase. Nilalagnat siya, 36 degrees celcius ang temperatura niya.
  • Sa mga kinauukulan: Pakiekscuse po si John sa pagiging absent niya noong February 28,29,30,31,32,33 at 34.
  • Pakiexcuse po ang aking anak sa pagiging absent niya kahapon. Nagtae siya at tumagos sa kanyang pantalon.
  • Ang sakit ng puson ng anak ko, nagsisisigaw siya sa kanyang kwarto. Pakiexcuse nalang siya sa klase.
  • Ipagpaumanhin po ninyo kung si Totoy ay di nakapasok kahapon, umaambon po kasi, mahina ang kanyang resistensya.
  • Ang aking anak ay naDengue dahil kinagat niya ang lamok na may dala nito. Pakiexcuse po sana siya.
  • Hindi nakapasok si Junior sa kadahilanang umiinom pala siya ng estrogens akala niya amino acid, sobrang naging emotional ang loko. May tumor sya sa dibdib este nakaroon siya ng boobs.
  • Nagbaha po sa highway kahapon, walang bangka baka mag ka leptospirosis ang anak ko kaya hindi ko siya pinapasok.
  • Ma’am at Sir ang anak ko po ay may speech disorder sana po wag n’yo siyang isali sa mga activities sa pagbabasa.
  • Hindi nakapagquiz ang aking anak kahapon dahil meron siyang UTI. Bawal na daw kasi mag CR kapag nagsimula na ang pagsusulit. Payagan po ninyo sana siyang mag quiz mag-isa. Magdadala siya ng arinola.
  • Sa sobrang payat ng anak ko dahil sa anorexia nervosa nakaiwas siya sa patak ng ulan, pero may malakas na hangin nilipad siya at hindi nakapasok ng klase. Pakiexcuse nalang.
  • Ang aking anak ay di nakapasok sa eskwelahan dahil sa sipon na kulay green. Hindi po ito normal sa amin, kadalasan kasi kulay yellow. Payagan po ninyo sana siyang kumuha ng nakaligtaan niyang pagsusulit.
  • Ipagpaumanhin po ninyo ang hindi pagpasok ng aking anak sa unang dalawang linggo ng pasukan, pangit daw po kasi siya kaya naisipan niyang mag paplastic surgery.
  • Ipagpaumanhin po ninyo, hindi makakapasok sa summer class ang anak ko, mag papatuli kasi siya, magiging ganap na siyang binata.
  • Hindi po nakapasok ang aking anak nang tatlong linggo sa kadahilanang tinanggal ang kanyang apendiks. Matinding kalungkutan ang kanyang nadama dahil hindi na kumpleto ang parte ng kanyang katawan. Sa ngayon naghahanap kami ng apendiks upang maisagawa ng kanyang surgeon ang apendiks transplant.
  • Hindi na makakapasok ang aking anak dahil grounded siya! Gagong to binenta isa niyang kidney, pambili daw ng PSP.
  • Dalawang linggo nang hindi nakapasok ang aking anak, nafractured buto niya sa kanyang dalawang kamay, hindi pa siya makapagsulat.
  • Ang aking anak ay absent….. never mind ako pala teacher niya.

The art of medicine consists of amusing the patient while Nature cures the disease. – Voltaire